Chapter 35

534K 25.2K 11.8K
                                    


Chapter 35


"The unromantic woman is jealous." Pang-anim na beses na niya itong sinasabi na susundan niya nang pagtawa mag-isa.

He's weird.

Nagpahanda na ng pagkain si Pedro sa kanilang katulong. Hinihintay na lamang namin ang mga magulang niya sa terrace. Abala ngayon sa pakikipaglaro sa kanyang mga aso si Pedro, pero kapag lumipas ang ilang minuto may maririnig na naman ako.

"Who is jealous Trump?" tanong nito sa kanyang aso.

Nakailang buntong hininga na ako. Mabuti na lamang at hindi na sumunod sa amin si Chloe pero nasa loob daw ito at abala sa panunuod ng tv.

"Who is jealous, Obama?" tanong ulit niya.

Lumingon na ako sa kanya na may nakakunot na noo.

"Can't you stop that, Pedro?"

"What baby?" ngising tanong nito na parang hindi niya naiintindihan ang ibig kong sabihin.

Hindi na lamang ako sumagot sa kanya, naghintay pa kami ng mga kalahating oras bago may tumigil nang may pumasok ng sasakyan sa gate.

Agad akong napatayo, tumigil na si Pedro sa paglalaro sa kanyang mga aso at tumayo na rin ito.

Ngumiti ito nang makita ang mga magulang niyang bumaba ng sasakyan. Unang nakapansin ang kanyang ina na agad kumaway kay Pedro.

"Behati," inilahad niya sa akin ang kamay niya.

Naglakad na ako papalapit sa kanya, buong akala ko ay hahawakan niya ang kamay ko pero mas pinili nitong ipulupot ang kanyang braso sa aking bewang.

Hinintay namin makarating sa terrace ang kanyang mga magulang.

"Ma, Pa.." humiwalay muna sa akin si Pedro para kuhanin ang kamay ng kanyang mga magulang at magmano sa kanila.

Pansin ko na nasa akin na ang kanilang mga mata.

Bumalik agad sa akin si Pedro at muli ako nitong hinapit sa harap ng kanyang mga magulang.

"Ma, Pa..my pretty girlfriend. Flight Lieutenant Behati Azalea Monzanto."

"Magandang gabi po," mahinang bati ko.

Namilog ang mga mata ng Mama ni Pedro habang nakatitig sa akin.

"A female pilot?"

"Yes Mama, she's a great pilot." Sagot ni Pedro.

"And very beautiful one.." sabat ng Papa nito.

"Kumain na ba kayo? Anong oras kayo dumating?"

"Hindi pa Ma, hinihintay namin kayo. At kani-kanina lang kami dumating."

Pumasok na kami sa loob, pansin ko na laging nakangiti sa akin ang Mama ni Pedro at sinasagot ko na lamang ito ng tipid na ngiti.

Papunta na kaming sala nang mapansin ko na nandito pa si Chloe nang maramdaman niyang may paparating mula sa likuran niya ay lumingon ito. Agad itong ngumiti ng napakatamis nang makita ang mga magulang ni Pedro.

"Chloe, hija nandito ka pa rin pala. Akala ko ay may iiwan ka lamang?"

Tumayo na ito at lumapit sa Mama ni Pedro. Agad niyang ikinawit ang kanyang mga kamay sa braso nito.

"Wala pa palang tao sa bahay dahil sa susunod na linggo pa daw po ang uwi ni Mommy at Daddy, eksaktong nag-message sila nandito pa ako. So I decided to stay here with you Ma, Pa para may kasama naman kayo. Wala rin naman po akong gagawin sa bahay dahil nakabakasyon ako."

Taste of Sky (EL Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon