Kabanata 11

14.2K 509 40
                                    

Kabanata 11

Pag-aalala

Natapos sa pagtugtog ang banda nina Helion. Mula sa aking kinatatayuan ay kita ko ang kanyang munting ngiti pagkatapos ng huling kanta. Nakakalungkot dahil hindi man lang siya nag-angat ng tingin sa aking pwesto. Hindi ko naman inaasahang titingin siya ngunit nagbabaka sakali lang naman ako.

Bumaba sila ng stage at hindi ko alam kung saan nagtungo. Ibinalik ko na lang ang tingin sa aking inumin at pinakinggan ang pumapainlang na musika sa buong lugar.

"Gusto kong magsayaw, Raya. Sama ka?" tanong ni Jeni sabay tayo at harap sa akin. Maganda ang musikang pumapainlang na mapapsayaw ka talaga ngunit ayaw ko.

Umiling ako kay Jeni bilang sagot kaya tinanguan lang ako nito bago ngumisi. Itinuro niya ang dancefloor na sinasabi at agad lang akong tumango. Sinundan ko lamang siya ng tingin nang makihalubilo na siya roon.

Madalas ay si Jeni talaga ang maraming kakilala. Bago pa man kami nagkakilala ni Jeni ay sikat na siya sa iba pang mga tao. Perks na rin siguro iyon ng pagiging mayaman. Senior high pa lang ay laman na ng mga party at kung ano-ano pa na ikasasaya ng kabataan.

Sa tanang buhay ko, ang mga kakilala ko lang ay yung mga kaklase ko noon at ngayon. Yung tipong nakakasama ko ng pangmatagalan at hindi yung nakilala ko lang kung saan -saan.

Malapit ko ng maubos ang aking inumin. Nakatitig lang naman ako sa baso habang tumatama ang iba't ibang kulay ng ilaw doon.

Hindi ko nga alam kung bakit pa ako naririto. Kung hindi lang nagtatampo si Jeni sa akin ay malamamg nandoon ako sa bahay at nagmumukmok sa aking kwarto.

Napabuntong-hininga ako at hinagod ng tingin ang baba kung saan parang dinumog na ng tao. Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking daliri at sinilip ang stage. Wala namang tao roon at siguro'y hindi ko na nga makikita pang muli si Helion ngayong gabi.

Ang ipinunta ko lang naman dito ay siya. Gusto ko siyang mapanuod na tumutugtog. Hindi ko alam pero may humihila sa akin kapag naririnig ko ang malamog niyang boses. Nanunuot iyon sa akin na parang paulit-ulit na lang iyong magrereplay sa aking utak.

Ibinalik ko ang tingin sa aking inumin at inubos na iyon nang tuluyan. Nilingon ko kung saan naroon si Jeni at napabuntong-hininga ulit. Siguro'y nagsasaya na ang aking kaibigan habang sumasayaw.

Hindi naman ako socially active para makihalubilo sa hindi ko kilala. Mas nahihiya ako kapag ganun. Siguro'y nasanay na ako sa ganitong sistema ng pakikipag-ugnayan sa iba. Narealize ko na sobrang boring ko pala at awkward.

I wonder if Helion feels that way towards me. Naaw-awkwardan ba siya sa akin? Boring ba akong kausap? Feeling ko kasi sa sobrang boring ko wala na siyang masabi.

Mahina akong napatawa. Siguro ganun nga. Tinitiis lang siguro niya ako dahil tinuturuan ko siya. Dahil may utang akong kailangang bayaran sa kaniya.

Tumayo ako. Hindi ko kinaya ang paglakas ng tunog ng musika at sinabayan pa ng sigawan ng mga tao. Kahit saang banda ay maingay at sobrang wild ng mga tao.

Ngumuso ako at tinungo ang baba. Hindi naman siguro agad babalik si Jeni sa pwesto namin kaya tutungo na lang ako sa cr. Siguro'y mahihimasmasan ako kapag nakapunta ako roon.

Hindi naman mahirap hanapin dahil marami akong nakitang naglalabas-masok. Agad kong tinungo ang daan papasok at pumasok sa cr ng mga babae.

Bilang ng aking daliri ang mga babaeng nasa loob. May mga nasa harap ng salamin at nagreretouch. May mga inaayos ang tube na suot o di kaya'y mas pina-iiksian ang damit. Napangiwi ako bago kumatok sa isang pinto. Luckily, wala namang gumagamit kaya pumasok ako. Sinarado ko ang toilet bowl at saka ako naupo roon.

All I have to Give (Absinthe Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon