Chapter 37: Damie and Davis

582 18 0
                                    

ZAN'S POV

Bumaba ako at dumiretso sa kusina. Gagawa ako nang makakain namin, buti na lang at magkakaroon nang ganitong bonding between us nang mga bampira. Sana lang it will never last. San lang walang dahilan para saktan o kagatin kami nang mga bampira.

But still I won't be complacent, they were still vampires and it flows in their vessel that we human are their foods. That we human are their life.

I heave a sighed. For now I would enjoy being with them habang maayos pa ang lahat pero sana lang ganito lagi, maayos at walang gulo.

Nagbukas ako nang cabinet, nang mga ref, kumuha ako nang mga ingredients pero napatigil ako sa ginagawa ko nang mapansin ko ang isang freezer na nasa dulo nang kusina. Curious akong naglakad papunta dito.

Baka may ibang pagkain na nakatago dito kaya naman binuksan ko but I stiffened when I saw what it's contained.

Parang nanlambot ang katawan ko, nanginig ang katawan ko, ang mga tuhod ko.

"W-what... the." I uttered. Pinakalma ko ang sarili ko, dapat di na ako nagugulat sa mga ito, sa mga bagay tungkol sa mga bampira.

Huminga ako nang malalim at shinake ang katawan ko para maalis mga nginig at panlalambot nang mga tuhod ko.

Kasi naman nakakaluka ang nakita ko, ang daming dugo, punong-puno ang malaking freezer.

Geeez, may mga stock din palang mga dugo dito. Nagcross arm ako, kaya pala hindi nila kami kinakagat dahil sa may mga stock din sila, well that's nice pero thinking that this blood was from humans edi ilang tao ang pinatay nila just to get this blood or maybe they got this from Redcross, galing sa mga nagdodonate nang dugo. I heave a sighed, they needed this kaya hindi ko sila masisisi. Noone will blamed them.

Sinara ko ang freezer at binalikan ang mga lulutuin ko.

Nasa kalagitnaan na ako nang paghahanda ko nang pizza nang marinig ko ang pagbukas nang pinto sa kinaroroonan ko nang nilingon ko ito si Haven ang pumasok, natigilan ito nang makita ako.

Napaiwas ako nang tingin nang bumilis na naman ang kalabog nang puso ko.

Napansin kong naglakad siya palapit sa kinaroroonan ko tapos may kinuha siya, pinilig ko ang ulo ko, hindi dapat ako papahalata na may nararamdaman akong kakaiba. Act as nothing. Tama, act like nothing unexplainable feeling.

"Bakit wala ka?" Tanong ko, sinulyapan ko siya, patuloy lang siya sa ginagawa niya.

"Malapit na akong matapos, gusto mong sumabay sa akin?" Aniko na naman. Hindi siya umimik, uminom siya nang tinimpla niyang lemonade. Sa lahat nang bampira ang lalaking 'to ang pinakasuplado. Pero hanggang saan ba't mag-iingay din 'to.

"Ang tahimik mo no. Uso ang daldalan diba." Aniko na tinitigan siya at nginitian. Pero tiningnan lang niya ako nang matalim tapos nagulat ako nang kumuha siya nang inihanda kong chicken cordon blue. Pero napangiti ako nang palihim nang makitang nasarapan siya.

Kumuha uli siya pero napatingin sa akin at biglang binalik ang kinuha.

"Oy, ano ka ba. Sige kain ka lang." Aniko tapos nilapit sa kanya ang plato.

Pinagpatuloy ko naman ang paghahanda nang pizza. Hindi ko alam kung saan na siya nakatingin ngayon, baka bigla nalang magalit.

Pero pansin ko nang kumuha siya nang hiwa nang chicken cordon blue.

Napatingin ako nang bigla siyang umubo. Agad akong kumuha nang tubig at binigay sa kanya. Nahihiya naman siyang tatanggapin ito.

"Sige na." Aniko. Tinanggap niya ang tubig at ininom.

Vampire VS Werewolfحيث تعيش القصص. اكتشف الآن