Kabanata 13

14.6K 468 29
                                    

Kabanata 13

Bagay

Pinagmasdan ko si Jeni habang ginagamit ang electric egg beater. Nasa harapan niya ako habang nakapwesto naman siya sa isang side ng kanilang island counter.

Linggo ngayon at inanyayahan niya akong pumunta sa kanilang bahay. Ituturing ko na ring bonding ito naming dalawa dahil wala namang pasok.

Napalingon ako sa pinto nang pumasok si Tita Minerva, ang Mommy ni Jeni. Sa kanyang paglalakad papasok ay ngumiti siya sa akin at umupo sa akin tabi.

" Buti naman talaga at nakadalaw ka ulit dito, Raya. Malungkot itong kusina kapag wala kayong dalawa." ani Tita habang pinagmamasdan si Jeni na ngayon ay hinahanda na ang molder ng gagawin naming cupcake.

" Oo nga po eh. Buti nga po at pinayagan ako ni Tita ngayon.Gusto ko nga po sanang tumulong sa bistro kaso inaya naman ako ni Jeni. Namiss ko rin po tong ginagawa namin." sabi ko bago tumayo para tulungan si Jeni sa paglalagay ng namix na sa mga molder.

" Dito ka na rin kumain ng dinner, Raya. I'm sure matutuwa si Rafael na nandito ka. Alam mo namang parang pangalawang anak ka na niya."

" Sige po! Ngayon ko na lang ulit nakita si Tito." sabi ko at napangiti.

Parang pamilya ko na ang pamilya ni Jeni.Minsan kapag pasko ay dito kami nagse-celebrate kasama si Tita at Lola. Naging malapit na rin naman kami sa pamilya nila. Kapag New Year naman ay sa bistro kami naghahanda nina Tita para yung mga trabahante namin ay makasalo namin.

Naging tradisyon na rin namin iyon kahit papaano. Hindi malungkot ang mga naging pasok namin. Naging makulay ito simula nang may makasama kami.

" Mabuti naman at napadalaw ka rito, Raya. Namiss ko tuloy ang pangalawa kong anak." sabay halakhak ni tito bago ako niyakap. Ngumiti ako bago gumanti ng yakap.

" Si tito naman! Busy lang po talaga!" sabi ko.

" Nako daddy maniwala kayo! May manliligaw na yan sa school!" giit ni Jeni kaya naman nahihiya akong namula sa harap nina Tito.

Tumawa si Tita at Tito. " Natural lamang iyon dahil maganda naman itong si Raya anak." komento ni Tita.

" Syempre naman Mommy! At alam niyo ba fore—

" Jeni!" suway ko at tumawa silang tatlo.Sigurado akong namumula na ako sa hiya dahil sa sinasabi ni Jeni.

" Hindi ko po manliligaw iyon, Tita. Tinutulungan ko lamang po dahil gustong makaintindi ng tagalog." depensa ko at nahihiyang tumingin dito.

" American?" tanong ni Tito. Ibinaling ko ang tingin sa kanya bago umiling. Naalala ko na naman tuloy si Helion. Apat na araw ko na siyang hindi nakikita. Ang huling kita namin ay noong Wednesday pa. Kadalasan naman kasi ay nagkikita kami after class o di kaya'y pag nagkataong kumakain siya sa bistro.

" Half greek po, Tito." sabi ko.

" Ah, mukhang gwapo yata ang batang iyon Raya. " sabi ni Tito at nangiti pa.

" Naku po! Hindi naman po nanliligaw si Helion, Tito. Sa tingin ko naman po ay hindi ako ang tipo niyang babae." paliwanag ko kahit na parang may nalaglag sa loob-looban ko.

" Diyan nagsisimula ang lahat, Raya. Hindi porke't hindi ka niya type ngayon ay hindi na talaga pwede. Maaring magbago ang nararamdaman niya sa'yo bukas o sa ibang araw." sabi pa ni Tita sa akin. Kahit naman ganun ang sinabi ni Tita ay hindi naman ako naniniwalang magugustuhan ako ni Helion. Malayo yata ako sa babaeng nagugustuhan niya. Siguro ang tipo ni Helion ay yung mga babaeng sophisticated, magandang mag-ayos ng sarili at galing sa mayamang pamilya.

" Hindi rin naman po ako handa sa mga ligaw-ligaw, Tita. Nag-aaral pa naman po ako saka na po ang mga bagay na iyan kapag nakapagtapos na po ako at natulungan ko na si Tita." paliwanag ko. Inakbayan ako ni Jeni at talagang ipinagmalaki sa harap ng Mommy at Daddy niya na ako ang bestfriend niya.

Iyon naman kasi dapat eh. Kailangan kong magtapos para tulungan si Tita. Ang pag-ibig ay saka na kapag kaya ko na ang sakit na kailangang harapin ng isang tao. I've seen many people getting their heart broken at sa tingin ko ay hindi ko kaya ang bagay na iyon. Gusto ko kapag nagkarelasyon ako ay wala ng atrasan.

" Hi!" napatalon ako sa gulat nang may biglang bumati sa akin. Nasa bench lang naman ako at nakaupo habang nagbabasa ng aking mga notes para sa aming long quiz mamaya. Mahangin kasi dito malapit sa field kaya dito ako pumuwesto.

" H-hi…" nauutal kong sabi habang tinititigan ito. Maganda siya. May pares na bilugang mata, matangos ang ilong at magandang korte ng labi. Ngunit napansin ko ang ilang freckles sa bandang itaas ng pisngi niya.

Ngumiti ito sa akin. " Are you Nuraya Anjela Gomez, Ate? " nahihiyang tanong nito sa akin. Dahan-dahan akong tumango kahit nalilito kung bakit niya ako tinanong.

" I'm Haleina po. Isa po akong freshman. Sana po ay wag kayong mailang sa akin. May itatanong lang naman po ako."

" Ah sige. Ano iyon?" umayos ako ng upo at itinabi ang aking notebook. Napansin niyang nag-aaral ako at napangiwi ito.

" Naabala ko po ba kayo?" nahihiya niyang tanong. Ngumiti ako at marahang umiling.

" Inuulit ko lang naman yung notes. Sige na, ano ba yung tanong mo?"

Namumula ang kaniyang pisngi. " Sorry po curious lang po kasi ako eh. 'Wag po sana kayong magalit."

" Hmm? Depende naman iyon sa tanong mo." mahina kong sabi at tinitigan pa siyang lalo. Siguro ay may lahi din ang isang ito. Matangkad kasi ito kahit na hindi naman ako nakatayo para masukat ang height naming dalawa. Maputi rin tulad ng mga amerikanang nakikita ko.

" Girlfriend ka po ba ni Kuya Helion? Yung vocalist po ng Absinthe?" aniya at yumuko agad. Sa una'y hindi ko magets ang kaniyang itinanong hanggang sa marealize kong nasama pala ang pangalan ni Helion doon.

" Sorry po kung natanong ko! Fan po kasi ako ni Kuya Helion at nagtataka lang po ako kung bakit palagi po kayong magkasama tuwing uwian." litanya niya at nakayuko pa rin. Napangiti ako. I never knew na may mahihiya sa aking ganito. At sa usapan pang nasama si Helion.

" H-hindi naman ako girlfriend ni Helion. Tinutulungan ko lang naman siya." sabi ko. Nag-angat ito ng tingin sa akin.

" Weh po? Pero ang sweet niyo po! Alam niyo po bang kayo po ang kauna-unahang babaeng nakasama ni Kuya Helion dito?" aniya na parang gulat na gulat sa nalaman. Mahina akong natawa dahil ang cute niya habang nagsasalita. At paano niya naman nalamang ako daw ang kauna-unahang babaeng nakasama ni Helion sa school? Eh freshman pa lang to ah?

" Don't get me wrong, Ate ha? Kasi po nasa kabila lang naman po ang alma-mater ko at kalat na kalat po kasi ang banda nila sa amin. Admin po ako sa isang page ng Absinthe, Ate."

" Wow! Marami pa lang fans ang banda ni Helion. Siguro'y kapag naririnig niyong tutugtog sila ay dagsaan na agad kayo."
komento ko at napangiti. Ibang klase rin pala ang banda nina Helion. Hindi na ako magtataka kung pati matatanda ay mahumaling sa kanila.

" Oo naman po. Talagang fan ako ni Kuya Helion. Ang galing niya po kasing kumanta at Half-greek po siya. Ang gwapo pa po niya." kuwento pa ni Haleina.

Napahagikgik ako. " Tama, gwapo nga si Helion."

" Hala ate! Mukhang naabala po talaga kita. Sorry po talaga sa pagtatanong!" putol niya at natataranta na. Tiningnan ko ang aking relo at nakitang malapit na ang next subject ko. Tumayo ako at nagligpit ng gamit.

" Ate Raya, sorry po talaga sa abala! Pero kahit ganun po, boto po ako sa inyo para kay Kuya Helion. Bagay na bagay po kayo!" humagikgik siya na parang kinikilig at nabigla ako nang ako'y kanyang niyakap.

" I wish you all the best, Ate! Good luck po sa test ninyo! See you around." aniya at tumakbo na palayo sa akin. Ako naman ay tulala lang habang sinusundan ito ng tingin.

Weird. Pero kahit papaano ay napangiti ako sa kanyang sinabi. Ang sarap tuloy pakinggan na bagay kami ni Helion pero alam ko namang imposibleng mangyari iyon. Mangangarap na lamang ako. Malayong-malayo talaga na maabot ko si Helion. Sa estado namin sa buhay ay hindi talaga kami pwedeng dalawa.

All I have to Give (Absinthe Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon