Chapter 38

515K 26.1K 9.8K
                                    


Chapter 38


I asked for it, dapat ay masaya ako dahil ito ang gusto ko. Pero kahit anong hanap ko sa sarili ko, hindi ko makita ang pagiging masaya.

Nasa unahan ng van si Pedro nang magbiyahe na kami papuntang resort na napili ni Allison. Nasa tabi naman ako ng bintana katabi ang pinsan ko na pinaggigitnaan namin ng kanyang fiancé.

"What happened?" she whispered.

"What?" sagot ko sa kanya na parang hindi ko naiintindihan ang tanong niya.

"Is there something wrong with you both? Nag-away ba kayo? Okay pa naman kayo sa Pilipanas, hindi ba? Ayaw niya dito sa Thailand?" tanong sa akin ni Allison.

"No, we're okay. Mas gusto niya lang siguro sa unahan umupo." I lied.

Tumango na rin sa akin si Allison kahit alam kong hindi ito kumbinsido.

Ilang oras ang naging biyahe namin, hindi ko alam kung gaano na rin ako katagal nakatulog. Si Allison ang gumising sa akin, pansin ko na nasa labas na si Pedro at Lance.

Khao Lak Beach Resort.

Marami na kaming narating na beach ni Allison, pero masasabi ko na kakaiba ang ganda ng beach na ito. There is something refreshing about this place. Mas mabuting abalahin ko muna ang sarili ko bago ako sumabak sa panibagong laban.

Kahit wala na kami ni Pedro, hindi nito maaalis ang mga tanong na sasalubong sa amin pagbalik sa UASA.

Hindi tulad ng nasa Pilipinas kami, Pedro never tried approaching me. Hindi rin ito nakipag-agawan ng pagdadala ng gamit sa akin at mas abala ito ngayon sa telepono niya.

"We'll book two rooms for couples." Kumindat sa akin si Allison.

"No, make it three rooms." Tipid na sagot ni Pedro. Agad lumipad ang tingin ng pinsan ko sa akin na may pagtatanong.

"Just make it three Allys."

"Oh, okay.." humiwalay ito sa kanyang asawa at nagpunta sa receptionist. Pansin ko na lumapit si Lance kay Pedro na mukhang nagtataka na rin sa aming dalawa.

"Everything alright? Did you two fight?"

"No, we're good. I have work tonight, I might bother her sleep so we need separate rooms." Tumango na lamang si Lance na kagaya rin ni Allys ay hindi kumbinsido.

Dahil masyado kaming napagod sa biyahe, we decided to stay in our rooms for two-three hours for us to rest. Sinabi sa akin ni Allys na pupunta daw ito sa kwarto ko pagkatapos niyang patulugin ang si Lance.

Magkatapat lang ang hotel rooms namin ni Pedro. Hindi man lang ito sumulyap sa akin bago ito pumasok, abala na siya sa kanyang telepono.

Huminga ako ng malalim. This is what you wanted Behati, you should try to get used to it.

Humiga lamang ako sa aking kama ng mga kalahating oras bago ako nakarinig ng katok sa labas. It's Allys.

"Behati," pinagbuksan ko siya ng pintuan.

Agad na itong humiga sa kama ko at hindi pa man ako nakakailang hakbang ay nagtanong na ito sa akin.

"What really happened? Bigla kayong naging yelo sa isa't-isa. Anong nangyari sa Tacloban?"

I sat on my bed and took a deep breath.

"We broke up."

"WHAT?!"

"You heard it right, Allys. We're done."

"Just like that? What? Why?" her eyebrows narrowed.

"Didn't I tell you that relationship inside UASA is against the rule?"

Taste of Sky (EL Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon