Chapter 30

129K 2.6K 719
                                    

            

                                                            *****

Naninibago si Lance sa ipinapakitang saya ni Scarlet. Buong akala niya ay mahihirapan siyang imbitahan ito pero hindi man lang siya nagdalawang salita sa pag-aya dito. At ngayon nga'y enjoy na enjoy ito sa kanilang bakasyon. She smiles most of the time to a point na napapaisip siyang maybe she's pretending to be happy to hide some pain. But what's there to hide? Scarlet tells him everything kahit pa ang pinakasimpleng problema nito.

Nasa tabing dagat sila. Scarlet is wearing her red string bikini, revealing her goddess like beauty and sexy body. Kaaahon lang nito sa dagat at halos lahat ng napapadaan ay napapalingon sa babae. Kung ubod lang siya ng seloso siguro'y kanina niya pa kinumutan ang girlfriend. He's sitting on the beach bench while calmy watching the beautiful sunset. Nakasuot siya ng komportableng walking short, T-shirt at tsinelas habang hindi inilalayo ang cellphone sa kanyang tabi dahil baka anumang oras ay bigla siyang tawagan ng attorney.

Scarlet sat beside him and he wrapped a towel in her shoulder upang huwag itong lamigin.

"Grabe ang sarap ng tubig. Hindi ka ba maliligo?" she said smiling.

Umiling siya at muling tumingin sa cellphone. "Hindi pwede baka tumawag si Atty. De Silva at bigla akong papuntahin sa convention venue."

Sumimangot si Scarlet. " Bakit ganyan ka? Parang ako lang ang nag-eenjoy sa ating dalawa. You keep looking at your phone since we arrived here. Di ba nga si Atty. De Silva na ang nagsabi sa atin to take our time?" nagtatampong wika nito.

Hinawi ni Lance ang basang buhok ng babae patungo sa harap ng balikat nito. "She's just trying to be polite but of course I can still not neglect the fact na pumunta ako dito because of work. Don't worry tomorrow is a free day kaya masasabayan na kita sa pagsuswimming the whole day," naglalambing na paliwanag niya.

"Maggagabi na. Hindi pa rin ba tapos ang convention?" tanong ng babae.

"Maybe. Since she's not here yet."

"Baka naman nasa room niya na si attorney."

"I don't think so," he answered.

Lance is sure na wala pa sa kanilang tinutuluyang resort si Atty. De Silva. He's staying outside the whole time dahil inaabangan niya ang pagdating nito. Hindi siya mapakali dahil sa pag-aalalang baka ang totoo'y kailangan ng abogada ang tulong niya and she's just trying to be considerate because of Scarlet.

"Ah what a nice view! Ang ganda ng langit," she uttered while looking at the ocean up to the pinkish sky.

Scarlet closed her eyes, took a deep breath and smiled. She remains quiet without taking her smile away. She's doing her best to hide and to forget the pain she's carrying. Tama ang naging desisyon niya na pansamantalang lumayo sa maingay na lungsod ng Maynila para mas lalong makapagisip-isip ng mabuti. With Pierce being within her reach, she's always haunted by those painful feelings she wishes to forget ngunit habang tumatagal ay lalong tumitindi ang sakit. And everyday she was tempted to see him and beg for his love again.

Love Me TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon