Chapter 17

150K 7.3K 2K
                                    

Chapter 17

PRESENT...

Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Wala akong magawa kundi ang mapatulala. Tinakasan ng lakas ang katawan ko.

Oh, God...

Sila ba ang tunay na Lolo Saul at Lola Soler? Sila ba ang tunay na grandparents nila Klay?

Habag na habag ako sa kalagayan ng matandang babae. Sa kanyang hitsura, mukhang kinain na niya ang katawan ng kanyang asawa. Sa kanya ko kasi naririnig ang kumakalam na sikmura. Kitang-kita sa naglalaway niyang bibig ang kanyang gutom at pasakit.

Ang kalahati ng kanyang mukha ay inaagnas na. Parang nabubulok na sugat ang laman niya sa kanyang pisngi na tila binalatan. Wala na ang isa niyang mata. Deformed na rin ang kanyang mukha. Kung ako ang nakaranas nito ay baka namatay na ako. Nakakapagtakang buhay pa rin siya.

May kadena siya sa paa na kinain na rin ng kanyang balat. Sa katagalan marahil ay bumaon na ito hanggang sa kanyang buto. Wala na rin ang daliri niya sa kamay. Sa pagkakaintindi ko ay para bang kinagat ito ng mabangis na hayop.

Nilalangaw na ang isang matandang lalaki na nasa tabi niya. Pihadong ito so Lolo Saul, wala ng buhay. Halos kalahati na lang ang katawan nito. Nagkalat ang mga buto sa paligid nito na parang pinagkainan. Ang iba sa mga ito ay nilalanggam at inuuod na.

Hindi ko na alintana ang masangsang na amoy na nagmumula sa kanila. Hindi ko na pansin ang mga bangaw na sumasalubong sa amin.

Parang pinipiga ang puso ko ngayon. Para akong mawawala sa katinuan dahil sa nakikita ko.

Anong klaseng mga tao ang gumawa nito sa kanila? Napakahayop ng mga ito at sobrang halang ang kaluluwa?

Nakaluhod si Klay sa tabi ko habang humahagulhol siya. Pinagsususuntok niya ang sahig.

"W-what the hell..." Bulong ni Green na nasa likuran ko na pala. Tigagal siya habang nakatanaw din sa dalawang matanda.

Malungkot kong nilingon si Green. Nanginginig ang mga labi niya habang hinang-hina na nakatingin sa dalawang matanda. Tulad ko, tiyak na gimbal na gimbal din siya sa kanyang nakikita.

"I-I'm so sorry..." Iyon lang ang nasabi ko sa kanya. Ganito lang din ang nasambit ko kay Klay kanina.

"No..." usal niya.

Sinubukan ko siyang yakapin ngunit umiwas siya at hinanap ng mga mata niya si Klay.

"Putangina, Klay!" Luhaan si Green ngunit mabagsik ang kanyang mukha. Galit niyang nilapitan si Klay at kinwelyuhan ito. "Bakit mo sila pinabayaan?! Bakit sila nagkaganyan?! Sumagot ka!"

"Green..." Umiiyak n awat ko sa kanya.

Walang maitugon si Klay kay Green kundi ang tahimik na pag-luha nito.

"Please, Green, wag kayong magtalo..." Lumapit ako sa kanilang dalawa. "Parang awa niyo na... wag..."

"Kasalanan mo ito!" Sigaw ni Green kay Klay. Pagkuwan ay itinulak niya ang kapatid.

Lalapitan niya pa sana ito nangpumagitna ako. "Please, tama na... Bago kayo magsuntukan, kailangan muna nating makatakas dito." Nanginginig na sabi ko.

Hinihingal sa galit si Green habang ang kanyang mga mata ay luhaan. Mayamaya ay nanghihina siyang napatingin kay Lola Soler. Bumalatay sa mukha niya ang labis na galit at sakit at pagsisisi.

Dinampot niya ang palakol na nabitawan ni Klay. Pagkuwan ay naglakad siya palapit sa matandang babae.

"A-anong gagawin mo?" Kinabahan kong tanong.

Napapikit siya habang nakatitig sa kawawang matanda. "Tatapusin ko na ang paghihirap niya..." Pagkasabi ay iniangat niya ang palakol para ihampas sa ulo ni Lola Soler.

Casa Inferno (The heart's home)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon