KABANATA 2

1.2K 90 16
                                    

"Prank ba 'to?"

"Imposible. Mula pa ito sa archive ng kapitolyo. Alangan namang gumagawa-gawa sila ng kuwento na ganyan ang itsura ni Ivanna, e alam naman nating i-oopen ang Chamber sa buong Pilipinas bukas."

Inalis ko ang tingin sa picture at ibinaling ito kay Beatrice, "Teka, ba't andami mong alam tungkol kay Ivanna?"

Narinig kong napabuntong-hininga si Carol, "Hindi ba obvious, Adeline? Sa tagal nating magkakasama, hindi mo napansin 'yun? Fan ni Ivanna si Beatrice. Sa tuwing death anniversary at birthday ni Ivanna, pumupunta siya sa libingan niya na para bang kamag-anak siya ni Ivanna."

"Aba, malay ko," sagot ko sabay irap. Ibinalik ko ang tingin sa larawan.

Pero tama si Beatrice. Parang niloko na din ng mga opisyal sa lugar namin ang buong Pilipinas kung gagamit sila ng mukha ng ibang tao para lang ipakitang totoo si Ivanna. Pero kung ganun nga ang ginawa nila, tama nga naman ang naging choice nila na mukha ko ang gamitin. Ang ganda ko ba naman. And, looking at this picture, it seemed legit. Masyadong luma ang larawan pero halatang iningatan.

Pero ang creepy lang na makita ang sarili mo sa isang larawan ng taong namatay seventy years ago.

We look exactly the same.

Teka, lola ko ba siya?

Napailing ako. Imposible. Walang relasyon ang mga Cabrera sa Ramirez at sa pagkakaalam ko, namatay na virgin si Ivanna kaya napakaimposible.

"Oh, mga hija, wala ba kayong pasok?" Sabay kaming tatlo na napalingon sa babaeng dumating. Ang Vice President for External Affairs. Naglalakad ito palapit samin habang inaayos ang suot na salamin. Sa likod naman nito ay ang isang matandang lalaki na tinutulak ang wheelchair na sinasakyan ng isa pang matandang babae.

"Ah, wala po. Hindi kami sinipot- este, hindi po dumating ang professor namin sa first subject kaya naisipan naming gamitin ang vacant time para makapunta dito at di na makipagsiksikan mamaya," paliwanag ni Carol. "You know, we can't miss this... glorious day!"

Sa aming tatlo, si Carol ang pinakamabait, pinakamagalang, pinakamasipag, at pinaka-'okay'. Kung hindi nga lang siya naninigarilyo at nakikisama sa mga trip ko sa buhay, pwede na siyang maging role model ng college namin.

"Very nice initiative, girls. Doing something productive during your vacant time is indeed a very smart way to spend it," the VPEA complimented.

"So, you think this is productive?" tanong ko sa sarili ko.

"Oh, and nice timing, girls," nginitian niya kami at lumapit sa dalawang matandang kasama niya. "This is Mang Eduardo and his wife, Juliana." Halos puti na ang buhok ng matandang babae. Mapayat din ito at puro kulubot na ang balat. Nakatingin ito sa malayo at may lungkot sa mga mata. "Aling Juliana was one of the women that Ivanna saved during the Japanese Occupation. She gave us the photo of-"

"Ivanna..."

Nanalaki ang mga mata ko nang magsalita ang matandang babae habang nakatingin sakin. Tinignan ko si Carol at Beatrice, pareho din silang nagtatakang nakatingin sakin.

Dahil side view profile ng matanda ang kita ko kanina, hindi ko napansin ang pahabang peklat nito sa kanang mata. It must be caused by a really deep wound for it to leave a huge scar.

I pointed to myself, "Are... you talking to me?"

"Sino pa ba ang kamukha ni Ivanna dito kundi ikaw," mahinang sabi ni Beatrice na sapat lang para marinig ko.

Mas lalo akong nagulat nang mapaiyak si Juliana, "Ikaw nga... b-buhay ka, binibini."

"Juliana, a-anong pinagsasabi mo?" naguguluhang tanong ng asawa nito. "Hindi siya ang binibining pinagsilbihan mo noon. Matagal na siyang patay."

IvannaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon