CHAPTER 20

20 0 0
                                    


Gal's POV


"Single ako kaya marami akong crush. Pero once na magkaroon na ako ng boyfriend, stick to one na talaga 'ko." Nag-selfie pa si Jas. Nandito kaming apat sa living room ni Pam.



"Stick to one thousand?" Kontra ko naman kahit alam kong kay Paolo lang siya loyal.



She rolled her eyes. "Stick to one lang, hindi one thousand! Ito naman!" She looked at my top part. "Bakit pala naka black ka? Heart's Day ngayon, eh."



Erah wasn't looking at us because she was putting make up on her face. But she used her mirror to see my shirt. "Eh shempre bitter siya! 'Yun lang ang dahilan kung bakit black ang suot niya ngayon at hindi red."



"Bitter agad? Hindi ba pwedeng wala lang lovelife?" Nakisali na si Pam. She stopped coloring her book with her drawings. As usual, puro nanaman designs ang ginagawa. Relevant naman sa romance dahil nga February 14 ngayon.



"Bakit ba kasi 'di ka naka-red ngayon?" Kung makatanong naman 'tong si Jas parang requirement mag color red, ah.



"Kasi trip kong mag black." Favorite ko naman talaga ang black outfits, eh. Para namang 'di nila alam. Porket mga red ang suot nila ngayon, ganyan na sila!



"Thank you pala sa pag-aayos sa itsura ko, Erah!" Pormang-porma ngayon si Jas. Nakalugay siya tapos curly hair sa lower strands. Red blouse and jeans ang suot niya. "Mukha na 'kong dyosang dilag ngayon!"



"Oh bilisan mo na! Puntahan mo na si Paolo." Parang mas excited pa 'tong si Erah kesa kay Jas, eh. "Enjoy sa date niyong dalawa. Ayie!"



"Thanks! Bye mga babes!" Kinuha niya na 'yung sling bag niya. Nag-wave naman kami sa kanya for a goodbye.



"Why are you staring at me like that?" I didn't understand them. Parang may iniisip silang dalawa sa'kin na kakaiba. Kung makatingin kasi, eh.



"You look so funny kasi babes, eh." Erah laughed loudly. Muntik niya pang mabitawan 'yung make up niya. "Sa ating apat, ikaw lang 'yung walang ayos. Tignan mo 'yung itsura mo, halatang wala kang balak maghanda ngayong araw na 'to."



Pam let go of her pad. "Kawawa kaya 'yang itsura mo. Ang tamis kaya ng araw ngayon tapos ikaw sobrang pait mong tignan."

TurquoiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon