Chapter 18

154K 7.4K 8K
                                    

Chapter 18

ANONG NANGYARI?

Marahan kong iminulat ang aking mga mata. Nasaan ako? Bakit ang dilim ng paligid ko?

Maingat akong bumangon nang maramdamang masakit ang aking ulo. Sinapo ko ang aking noo. Bakit halos wala akong maalala?

Saka ko lang namalayan na malagkit ang aking palad. Nang pagmasdan ko ang aking kamay, naliligo na pala ito sa dugo.
Nagimbal ako. Akma na akong titili nang may tumakip na palad sa aking bibig.

"K-Klay?" usal ko.

Bigla siyang sumulpot sa harapan ko. Sumenyas siya sa akin na wag akong maingay. Pagkuwan ay itinuro niya ang taas.

Nang tumingala ako, may mga siwang doon na nilalagusan ng liwanag. Mayroon din akong nakikitang mga paa na naglalakad.

So it means na nasa ilalim kami ng sahig? Paano kami napunta dito? Hindi ko na maalala ang huling pangyayari.

Lumangitngit ang sahig at tila ba naglakad na palayo ang ang kung sino sa ibabaw namin.

"A-anong nangyari?" bulong ko kay Klay.

Hindi siya kumibo. Tumingin lang siya sa isang lalaking nakahiga sa di kalayuan. At dahil madilim ay kinailangan ko pa itong pagmasdan nang husto para lang mapagsino. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko ito. "Green?"

Ngumiti sa akin si Green. "A-ayos ka lang?"

Gumapang ako palapit sa kanya dahil maliit lang kasi ang espasyo ng kinalalagyan namin. "I-I'm okay. A-anong nangyari–" Natigilan ako.

Dahil habang papalapit ako sa kanya ay naaaninigan ko ang kanyang hitsura.

Napatigagal ako nang makitang putol ang braso niya!

"Oh... God. A-anong nangyari sa'yo?" Bigla kong naalala ang lahat.

Dumating si Green. Nahawakan ng matandang lalaki ang palakol at inihataw kay Klay. Pero humarang ako. Ang huling nakita ko ay ang pagtalsik ng dugo, kasabay ng isang braso.

Pagkatapos nun ay wala na akong naalala dahil nanghina ako. Iyon pala ang hinimatay na ako.

Natutop ko ang aking bibig. Braso pala ni Green ang tinamaan ng palakol at hindi ako. Sinubukan kong iligtas si Klay, at sa huli ay ako pala ang iniligtas ni Green. Humarang siya kaya siya ang naputulan ng braso. Nakasunod pala siya sa amin nang mga sandaling iyon nang habulin ko si Klay.

Paano kaya namin naligtasan ang malakas na lalaking iyon?!
Yumapos agad ako kay Green at humagulhol sa kanyang dibdib. "Sorry..." Kaya pala halos maligo ako sa dugo. Nagmula pala sa kanya ang mga dugong ito.

"Shhh..." Alo niya sa akin. "Y-you have to be strong, Ember," aniya na nanghihina.

"W-wag kang mamamatay, please..."

Ngumiti siya sa akin. Parang nangingitim na ang kanyang mga labi. Mukhang marami ng dugo ang nawala sa kanya.

"I-I need you..." iyak ko. "W-we need you..."

Kinabig niya ang ulo ko palapit sa kanya at hinagkan ang aking noo. "I-I'm sorry, baby..."

Lalo akong napahagulhol.

"K-Klay..." hirap na tawag ni Green sa kapatid.

Lumapit si Klay sa kanya.

Kahit nanghihina ay kinwelyuhan niya si Klay. "I-ikaw ng bahala sa k-kanya."

Napayuko si Klay.

"G-gago ka, mumultuhin talaga kita kapag pinabayaan mo siya."

Sa madilim na mukha ni Klay, nakita ko ang mga luha mula sa kanyang mga mata.

Casa Inferno (The heart's home)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon