Kabanata 15

13.5K 463 22
                                    

Kabanata 15

Pag-aalala

Mas lumakas ang ulan kaya wala akong choice kung hindi ang sumuong sa ulan para makapunta sa susunod ko ng klase. Nagsisi tuloy ako na hindi ako nagdala ng payong.

Naabutan ko si Jeni na naghihintay sa akin sa bukana ng building. Agad ako nitong pinunasan dahil sobrang basa ng aking mukha dahil sa tubig ulan. Pinunasan ko ang aking braso at ang aking bag na nabasa. Buti na lang at hindi masyadong nabasa ang aking uniform dahil iniyakap ko ang aking bag para hindi ito mabasa.

" Bakit ka nagpaulan? Alam mo namang nagkakasakit ka agad, Raya!" suway sa akin ni Jeni nang matapos niya akong punasan sa mukha. Itinago ko pabalik ang aking panyo sa aking bulsa para tingnan ang kaibigan ko.

Hindi ko alam kung napansin niya ba na kagagaling ko lang sa pag-iyak o baka iniisip niya na may pumasok lang na tubig ulan sa aking mata. Pero binalewala ko iyon, kung magtanong man siya ay iiwas na lang ako.

"Ayos lang naman ako. Hindi ko kasi namalayang nandidilim na pala ang mga ulap habang naglalakad ako kanina." paliwanag ko at ngumiti. Huminga siya nang malalim bago sumusuko akong tinitigan. Agad akong umiwas ng tingin at nakita ang orasan na malapit lang sa amin.

" Tara na, baka malate pa tayo." sabi ko at hinila na siya. Ramdam ko ang basa sa aking likod ngunit binalewala ko iyon. Maya-maya lang naman ay matutuyo iyon. Sana nga lang ay hindi ako lagnatin mamayang gabi.

Straight na dalawang oras ang itinagal ng aming klase bago ako pumunta sa admin building. Hindi pa rin tumitila ang ulan kaya nagpasya na akong manghiram muna kay Jeni ng payong. Pagkatapos ko sa admin building ay sabay na kami ni Jeni sa susunod kong klase.

Nang matapos na ang huling klase ay hindi na ako nag-abalang pumunta ng Hoeble. Mahihirapan akong umuwi lalo na at umulan na naman. Kahit na gusto kong pumunta ay baka madisappoint na naman ako dahil hindi na naman magpapakita si Helion. Okay sana sa akin kung hinanap niya ako at sinabihang hindi na siya magpapaturo para naman hindi na ako mag-abala pang gabihing umuwi.

Kinagabihan ay hindi nga ako nagkamali at inihit na ako ng ubo. Sa biyahe pa lang ay nagtaxi na ako para iwas basa ngunit hindi ko naman naiwasan ang lamig ng aircon kaya sinipon na ako. Pagdating sa bahay ay wala naman si Tita at tanging si Lola at Ate Nina pa lang ang naabutan ko. Kahit nag-aalala ay pinauna ko na sa pag-uwi si Ate Nina at ako na ang nag-alaga kay Lola.

Muli akong naubo bago napaupo sa aking kama. Mabigat ang pakiramdam ko at sumasakit ang aking lalamunan. Matapos kong patulugin si Lola ay dumiretso muna ako sa kwarto para makapagpahinga. Tumayo ako at inalalayan na lamang ang sarili para hindi ako matumba. Sobrang sakit ng ulo ko at nilalamig ako. Kinuha ko ang aking kumot at ibinalot iyon sa aking katawan bago ako nagpasyang bumaba at tingnan si Tita.

" Oh Raya…" bati sa akin ni Tita na kalalabas lang ng kusina. Hindi ako kumibo dahil halos pumikit na ako habang humahakbang sa hagdan.

" M-magandang gabi po, Tita…" paos ang boses ko nang bumati sa kanya pabalik. Naalarma si Tita nang dahil doon at agad na lumapit sa akin. Sinalat nito ang aking noo at leeg.

" Diyos ko po! Nilalagnat kang bata ka!" ani Tita at inalalayan ako paakyat muli sa kwarto. Kahit ayaw ko ay sinubukan kong humakbang at sundan na lamang ang yapak ni Tita. Nang makabalik kami sa kwarto ay agad ako nitong pinahiga at kinumotan ulit. Bumahing ako nang bumahing pagkatapos ay sinundan naman ng ubo.

Ganoon ba kalala ang pagpapaulan ko at ganito ako kagrabeng nilagnat ngayon?

" Sana ay naligo ka pagdating mo kanina!" puna sa akin ni Tita habang pinupunasan ako ng basang bimpo sa mukha.

All I have to Give (Absinthe Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon