Chapter 45 (My bite is worst than a Zombie)

132 5 0
                                    


Habang nag-i-interview ay tumunog ang telepono. Si Castillo ang sumagot nito.

"Is this Agila Agency?"

"Yes, what I can do for you?"

"This is Nurse Mia from East Hospital. Kilala niyo po si Ms. Venus Athena Herrera?"

"Yes. She's my girlfriend."

"Narito siya sa East Hospital. Isinugod siya kanina rito matapos mawalan ng malay."

"What? Okay, thank you."

"Sino iyon?"

"It's from East Hospital. Isinugod daw si Venus doon matapos mawalan ng malay."

"Ano? Sorry, I have to go."

"Sige na ako na ang bahala rito."

"Please tell sir Anton."

"Copy."

Mabilis na pumunta si Red sa hospital. Agad na nagtungo siya sa information desk.

"Room of Ms.Venus Herrera please."

"Room 10 sir."

"Salamat."

Agad niyang hinanap ang room number ng dalaga. Nadatnan niya ang doctor nito.

"Doc?"

"I'm Doctor Santos. Are you a family?"

"Boyfriend niya po ako. How is she, doc?"

"She's fine. Nasa total shocked lang ang pasyente kaya nawalan siya ng malay. Nga pala may PTSD ba ang pasyente?"

"Yes,doc."

"Well, that's explain it. Mayamaya rin ay magigising na rin ang pasyente."

"Salamat ho."

Nang umalis ang doctor ay umupo siya sa stool malapit sa kama nito. Ilang saglit pa ay nagising na si Venus.

"Red?"

"Kumusta ang pakiramdam mo?"

"I am fine."

"Ang sabi ng doctor nahimatay ka daw because of shock? Bakit? Ano ang nangyari?"

"Pinuntahan ko si Lucas."

"Ano? Bakit mo naman siya pinuntahan? Kaya ba nahimatay ka dahil may ginawa siya sayo?"

"No, it's not that."

"Eh ano?"

"Posible na siya ang ama ko, ang tunay kong ama Red!"

"What? Paano mo naman nasabi iyan?"

"He knows my mother. Carla Locson. Sinabi niya sa akin na asawa niya ang nanay ko at may anak sila at walang ibang anak ang nanay ko kundi ako lang."

"How? Lucas is a ....shit!"

"What? May alam ka ba?"

"He is an Ignacio. Lucas Ignacio ang buong pangalan niya."

"Ano ba itong nangyayari sa akin? Pinaglalaruan ba talaga ako ng tadhana. Aargh! Sumasakit ang ulo ko sa kaiisip" at hinawakan ni Venus ang ulo.

"Huwag ka na muna mag-isip magpahinga ka na muna."

Mayamaya tumawag si Hilarie sa dalaga.

"Hello,mom?"

"Hello Athena, ayos ka lang ba? Gusto mo luluwas ako ng Maynila anak?"

"Mom,ayos lang ho ako. Konting pahinga lang ito."

 Goddess StingWhere stories live. Discover now