Chapter 40

21.6K 632 454
                                    


Zoe's POV

"Anong nangyari sa inyo don?" tanong ni Louise pagkarating ko sa bench. Nagpunas ako ng pawis gamit ang jersey ko.

"Wala, natriggered lang." sabi ko.

Umupo ako sa tabi ni Japan.

"Bakit naman?" tanong ni Russel.

Nakitbitbalikat ako at uminom ng Pocari Sweat. 

"Ano bang pinag-usapan ninyo?" tanong ni Japan.

"Wala naman, hinamon ko lang sya para magseryoso sila." sagot ko.

"Yun lang?" tanong ni Steph na nakataas ang isang kilay.

"Gusto nyang malaman ang pangalan ni Alexa at gusto nya din si Alexa." sabi ko at hinintay ang reaction nya kung paano mainis.

"What the heck?" sabi ni Ivy. "Wag na sya makisali pa." pairap na sabi nya.

"Damn that girl." sabi ni Steph. 

Napa-smirk ako. Sabi na eh.

"Sinabi ko sa kanya na kapag natalo nya tayo, pwede nyang malaman ang pangalan ni Alexa." tumingin ako kay Alexa. "Pasensya na kung ginamit pa kita para magseryoso sila."

"Tsk! lagi mo na lang sya ginagamit." sabi ni Steph. Napangiwi ako.

"Kung narinig nyo lang sinabi nya sa babaeng 'yon." sabi ni Xenon. Napatingin agad ako kay Xenon, nandon nga pala sya sa gilid.

"Bakit ano sinabi nya?" usisa nila.

"Ganito kasi 'yon, 'di ba nag dunk yung ba-"

"Peyt. Peyt ang pangalan nya in short of Peyto." sabi ko.

"Yeah, Peyt. Sinabi nya kay Zoe na, Simpleng pangalan lang hindi nya maibigay, gusto pa pahihirapan pa si Zoe, something like that tapos ang sagot ni Zoe. 'Simpleng pangalan? wag mong sinisimple lang ang pangalan nya'. Kinikilig ako bwahahahaha!" tawang sabi nya.

"Ako din!" pangsang-ayon naman ni Louise na para bang kinikilig.

"Lintik." sabi ko na lang.

"Zoe naman eh! girlfriend ko na sya!" sabi ni Ivy. Napakamot ako ng ulo.

"At may girlfriend ka." inis na sabi ni Steph.

"Kung ano iniisip nyo, mali kayo. Tsaka may sinabi pa ako sa kanya na may makakalaban sya kung gugustuhin nya si Alexa at hindi ako 'yon." napabuntong hininga ako.

Nananahimik na kami ni Alexa. Wag na sana sila pag-issuehan pa kami.

"Tama lang." sabay na sabi ni Ivy at Steph. Nag-irapan silang dalawa. Nailing ako.

"Ang tanong magse-seryoso na kaya sila?" tanong ni Aj.

"Sana." sabi ni Xenon. Nakatingin sila sa Wyvern.


Kinagabihan pagkatapos namin kumaing lahat. Naghintayan kami sa oras namin gumamit ng paliguan na hot spring daw sabi ng mga seniors. Mabuti naman dahil nakakapagod ngayong araw.

Nanalo kami sa unang laban namin laban sa Wyvern. Hindi pa din sila nagseryoso nung fourth quarter. Ang sunod na nakalaban namin ay Qilin, sila naman seryoso talaga. Nahirapan kami sa kanila dahil sobrang galing nila. Natalo daw kasi sila laban sa Mušḫuššu kaya ginagalingan nila. Nagtagumpay naman sila dahil natalo kami.

Sobrang hirap tumakbo paakyat sa hills tapos times five pa. Pagod na pagod kami pagkatapos naming tumakbo. Mabuti na lang may one hour pa kami para magpahinga dahil stand by kami. Pinanood na lang namin ang mga naglalaro.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon