SEVEN

56 1 0
                                    

SOMEBODY was calling Rose name. It was urgent. Fearful but seemed so far away. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at nasalubong ang nag-aalalang mga mata ni Drek.

Images of what happened flashed on her mind.

"Ayos ka lang? May masakit ba sa iyo?"

Actually, masakit ang buong katawan niya. "Ayos lang ako. Saan tayo?"

"Nasa isang kweba. Sinabi ko sa iyong mag-ingat, Rose. Subalit anong ginawa mo? Kinuha mo ang bulaklak na iyon."

"Eh, hindi ko nakita ang warning sign na prone to danger pala ang tinapakan ko. Umalis na nga tayo sa lugar na ito. Baka hinahanap na tayo."

Napakislot siya nang piliting tumayo subalit hindi niya iyon pinahalata sa kasama. Baka pagsabihan na naman siya nito. Mas lalo lang sasakit ang ulo niya.

"Hindi magandang ideya iyang sinabi mo. Gabi na. Kung pipilitin nating umalis sa kwebang ito, lalapain tayo ng mababangis na hayop. Kung mapilit ka naman, umalis ka. Huwag mo lang silang dalhin dito."
He was angry. She made him angry because she was stubborn. Hindi siya nakinig dito. Subalit hindi niya aaminin dito na nagkamali siya.

There was a fireplace in front of them.
Ilang oras siyang nakatulog?

Long enough for Drek to catch food for both of them. Kumakalam na ang sikmura niya sa sobrang gutom.
May inihaw na isda na niluluto.

"Did you drag me here?"

"Oo. Nawalan ka ng malay nang mahulog ka. Pinilit kitang gisingin pero hindi ka magising. Hindi kita pwedeng buhatin sa bigat mo. Dinala na lang kita rito."

"Wow salamat. With emphasis pa talaga ang salitang mabigat. Hindi naman ako mabigat, ah."

Hindi naman siya mabigat, hindi ba? She was always on a diet. Binibigyan niya ng pansin ang dami ng kinakain niya. She was always exercising and it was a bluff when he told her she was heavy.

Ibinigay nito sa kanya ang nalutong isda. "Bawal magreklamo sa pagkain. Mabuti nga at may nakita pa akong ilog."

"Wait. That means... iniwan mo ako habang wala akong malay? Goodness, Drek! Paano kung may mga hayop pala? Mamamatay akong walang kalaban-laban?"
Napabuntong-hininga ito.

Weariness was evident on his face.

"Seriously, Rose? Iyan lang ang napansin mo? Hindi mo nga lang ako pinasalamatan sa pagligtas ko sa iyo at pagbigay sa iyo ng pagkain? I was tired yet you were focused on yourself? No wonder hindi ka pinili ni Kadriel. Kung ako sa kanya, hindi rin kita pipiliin. Diyan ka na nga."

She was too shocked to reply. Too hurt to retort. Na-realize na lang niyang nag-uunahan na sa pagpatak ang kanyang mga luha sa sakit. Sa pagsampal ni Drek sa kanya sa katotohanan na walang lalaki na totoong magmamahal sa kanya.
She was left on her own again.

MATAGAL bago bumalik si Drek. Tahimik nitong kinain ang malamig na isda.
Itinapon niya ang panggatong sa harap ng apoy. Hanggang sa sinundan pa niya ito nang sinundan.

"May balak ka bang sunugin ang kwebang ito?" tanong nito.

Napatigil siya.

Kahit ngayon, umaalingawngaw pa rin sa tenga niya ang masasakit na salitang sinabi nito. Hindi siya ang tipo ng taong madaling masaktan sa sinasabi ng iba.

Only a few of the people she loved mattered. Kay Kadriel. Kay Manang Cora, at sa ama niya. Hindi naman kasali si Drek kaya bakit nag-aksaya pa siya ng luha kanina?

Hindi niya maintindihan ang sarili.
"Bakit hindi mo kinain ang pagkain?"
Hindi siya sumagot. Bahala itong makipag-usap sa malamig na kweba.

Only Rose Where stories live. Discover now