ELEVEN

43 1 0
                                    

HINDI maganda ang tulog ni Rose dahil sa pagtanggi sa kanya ni Drek at hindi rin maganda ang gising niya nang makitang bisita pala nila si Lita.

Todo pabebe ito kay Drek. Todo pa-cute. Ano kayang trip ng babaeng ito? Gusto ba nitong makipagbalikan kay Drek?

The thought made her blood boil. Siya mismo ang tatanggi na mangyari iyon. The woman did not deserve him.

Sino naman ang deserving para sa kanya?
"Bakit ang aga-aga, nandito ka?" tanong niya.

Nakabuhayhay ang mahaba nitong buhok. Nasa tabi nito ang isang malaking basket ng mga prutas at gulay.

"Nagpaalam na ako kay Aldrek na bibisitahin ko siya. Nalaman ko rin na nanganak na si Ate Dina."

"Naibigay mo na naman siguro ang mga regalo mo, pwede ka nang umalis."

"Rosalinda!"

"What? Gusto mong mag-stay ang babaeng iyan? Bakit? Gusto mo pa rin ba siya, Drek? Sinaktan ka ng babaeng iyan. Babalikan mo pa rin siya?"

"Dapat mo yatang sabihin iyan sa sarili mo. Paulit-ulit ka nang umiyak dahil kay Kadriel, gusto mo pa rin siya. Parehas lang tayo."

Ngumisi si Lita.

"Huwag mo akong ikumpara sa iyo. At least ako, malapit ko nang matanggap na wala na kami. Ikaw? Umaasa ka pa rin na babalik sa iyo ang babaeng ito at nangyari. Masaya ka na ba?"

"Oo. Satisfied? Iwan mo na muna kaming dalawa ni Lita nang makapag-usap kami. Wala tayong pakialamanan dito," anito nang hindi man lang tumitingin sa kanya.
Inirapan niya ito saka lumabas. Magsama sila ng babae niya!

MGA mahigit isang oras din ang usapan ng mga ito. Ano naman kaya ang pinag-usapan ng dalawa? Reconcilliation?
Nahihibang na ang lalaking iyon. Hiniwalayan ito sa isang mababaw na dahilan. Tapos... gustong makipagbalikan?
"Kainin ni'yo iyong dinala ko, ah? Kapag naubos na, maghahatid ulit ako."

"Mga patay-gutom ba ang mga tao rito? Hindi naman kami pulubi. Kaya naming bumili kahit isang trak ng gulay. I can even buy your hacienda," aniya ngunit bulong lang ang huling sinabi.

"Rosalinda."

Pinigilan ni Lita si Drek sa braso nito.

Tumaas ang kilay niya.

"Hayaan mo na siya. No harm done. Sanay na akong maliitin ng mga tao rito, Aldrek. Alam mo iyan. Akala nila isa akong spoiled brat."

"Pasensya ka na sa kanya. Bitter lang iyan dahil ikakasal na sa susunod na linggo ang ex."

"Sorry for your loss, Rose."

"Hindi namatay si Kadriel! Huwag mo akong ma-English-English diyan, babae ka."

Sinugod niya ito at akmang sasabunutan nang pumagitna sa kanila si Drek.
Disappointment was visible on his eyes.

Napatigil siya.

Animo may maliliit na karayom na tumutusok sa kanyang puso. He was willing to defend the woman. From her. At anong kayang gawin nito para lang protektahan ang babae mula sa kanya?
"Huwag mong saktan ang bisita ko. Wala kang karapatan."

"Wala rin kayong karapatang saktan ako!"
Namintana ang mga luha sa kanyang mga mata.

Bwisit! Bakit ba siya nagkakaganito? Bakit siya nasasaktan? Eh, ano sa kanya kung magsama ang dalawa?

"Ikaw mismo ang sinasaktan ang sarili mo, Rose. Wala kaming ginawa sa iyo. Stop being a child. Grow up."

Sunod-sunod siyang huminga nang malalim. "I am acting like a child? And you are calling that maturity? Buksan mo nga ang mga mata mo, Drek! Sasaktan ka muli ng babaeng iyan."

"At hindi mo ako sasaktan? Ganoon ba iyon? Dapat bang sa'yo na lang ako para hindi mo ako saktan? You were always making a move on me. Ganyan ka na ba ka-desperada para makakita ng bago?" may pangungutya sa tinig nito.

Itinaas niya ang mga kamay, hindi makapaniwala sa sinabi nito. "Desperada ako? Ganyan kaliit ang tingin mo sa akin? Dahil sa ipinilit ko ang sarili kong sumama sa iyo? Fine. Rest assured na wala ng desperadang parang linta na didikit sa iyo. At sige. Magsama na kayo. Magsama kayong dalawa! You deserve each other. Congratulations! Bagay na bagay kayong dalawa."

Tinalikuran niya ang mga ito bago pa man mag-unahang maglaglagan ang kanyang mga luha. Aalis na siya sa lugar na ito.

Tutal naman, nakapanganak na si Dina.
But why did it feel like her heart was getting heavier and heavier? Bakit tila may maliliit na karayum na tumutusok sa puso niya?

Umayos ka nga! Kung makaasta ka, para kang kinalasan ng boyfriend mo! Kung makaasta ka, mas masakit pa ito sa ginawa ni Kadriel.

Only Rose Where stories live. Discover now