SIXTEEN

48 1 0
                                    

NAGTAGO si Rose sa isang malaking puno. Ilang metro mula sa pinagtataguan niya, nakatayo si Bato at may kinakausap. Hindi nga lang niya malinaw na naririnig ang pinag-uusapan ng mga ito.

Kilala na niya halos ang lahat ng tao sa lugar, maliban na lang sa mga kausap ni Bato.

Hindi naman natural sa lalaki ang makipag-usap sa taga-labas. Sa mga katulad niya. Kaya nga galit na galit ito sa kanya.

"Sino sila?"

Napasigaw siya sa gulat at bago pa man kumawala ang boses niya, tinakpan na ng bagong dating ang bibig niya.

"Ako ito, Rose."

Bakit ba kasi napasigaw pa siya? Kahit na pumikit siya, amoy pa lang at boses ng lalaki, kilalang-kilala na niya.
Kinuha niya ang kamay na tumabon sa kanyang bibig. "Si Bato. May mga kausap siyang mga estranghero."

Hindi lang ito ang unang beses na makipag-usap ito sa iba. Pangalawang beses na. Hindi nga lang niya pinansin noong una sa pag-aakalang kaibigan ito ng lalaki. Subalit sa pagkakaalam niya, masyado itong mailap sa mga tao.

"Sino naman ang mga iyon?"

Ngayong nawala na ang pagkagulat sa katawan niya, ngayon lang niya napansing dikit na dikit ito sa katawan niya. His body was pressed against her. He was hard all over. Soft against hard. At parang hindi man lang alintana ng lalaki ang posisyon nilang iyon.

She missed the feeling of a hard body pressed against her.

Hindi siya santa. Dumarating talaga ang puntong nami-miss niya ang pinaggagagawa nila noon ni Kadriel.
Bago pa siya madala ng bulong ng demonyo at mag-isip ng mga malalaswang bagay, marahan niya itong itinulak.

"Huwag ka ngang dikit nang dikit. Hindi ako makahinga."

"Pasensya na. Pinaghihinalaan mo ba ang lalaking iyan?"

"Trust no one. Oo."

"Kasali na ba ako roon sa hindi mo pinagkakatiwalaan?"

"Oo. I've been betrayed. All over again. Anong assurance na hindi mo nga ako tatraydurin?"

So what if traydor nga si Bato? Anong gagawin niya? Anong gagawin niya kung nakikipagsabwatan pala ito sa mga lalaking kumidnap sa kanya noon? Paano kung isa ito sa dahilan kung bakit matunton o natunton ang pinagtataguan niya ngayon?

Hindi pa niya alam.

Kung totoo man ang hinala niya, hindi niya alam kung ano ang gagawin sa lalaki.

"Hindi kita aahasin. Maniwala ka sa sinasabi ko."

"Madaling bitiwan ang bawat salita, Drek. Huwag kang mag-isip na maniniwala ako sa iyo. Bumalik na tayo."

"Sandali. Hindi natin lalapitan ang mga lalaking iyon?"

"Hindi pa ako sigurado na kakuntsaba nga niya ang mga lalaking dumukot sa akin noon. Kailangan ko ng ebidensya. At iyon ang hahanapin ko."

FOR THE PAST few days, palaging binabantayan ni Rose ang bawat galaw ni Bato. Subalit ganoon din kahirap ang pagtakas niya sa pagbabantay sa kanya ni Drek. Pambihira. Mula noong ikwento niya sa lalaki kung ano ang nangyari sa kanya, mas lalong hindi na ito umalis sa tabi niya. Kulang na lang pati sa pagpasok niya sa banyo, pumasok din ito. Iba na tuloy ang pinag-iisip ng mga tao. Ang pinakahuling bagay na gusto niyang mangyari ay magkaroon ng asong buntot nang buntot sa kanya.

Mabuti na lang at naiwala niya ngayon si Drek at nakapag-pokus kay Bato.
Kasalukuyan niyang sinusundan si Bato. Nangunguha ito ng panggatong sa kakahuyan. Malapit na itong matapos sa ginagawa at babalik na ito sa tinutuluyan nito, ang kweba.

Wala man lang itong kamuwang-muwang na matagal na niya itong sinusundan. Daig pa niya ang maging stalker nito.
Napahinto siya nang marinig ang mga tunog na likha ng natapakang tuyong mga dahon. Maski si Bato ay ganoon din. Nagtago ito at hinintay ang dumating.
Mayamaya'y pumailanlang ang tunog ng isang ibon. Nag-relax ang lalaki saka umalis sa pinagtataguan.

Kilala ba nito ang paparating?

Nasagot ang mga tanong niya nang limang mga lalaki ang magpakita. Naka-manggas ang apat maliban na lamang sa isa na may tattoo ng ahas sa balikat.

Nanginig ang mga kamay niya.

Hindi siya nagkamali sa pagsunod sa lalaking ito. Pero bakit? Ipagkakanulo ba nito ang mga ka-tribo?

"Bakit na naman kayo nandito? Sinabi ko nang hindi tayo dapat magkita rito. Sa kweba. Baka may makakita sa atin."

Humalakhak ang mga armadong lalaki.

"Relax ka lang. Gayahin mo ang pangalan mo. Matigas. Dapat hindi ka tinatablan ng takot."

Napakuyom siya sa kamao. Gaano na katagal magkakilala ang mga ito at alam na ang pangalan ni Bato?

Nagpalinga-linga ang lalaki. "Ang usapan natin, tutulungan ko kayong mapaalis dito ang babaeng iyon. Bakit hindi kayo makapaghintay?"

"Naiinip na ang boss namin. Nang malaman naming buhay siya pagkatapos ng pagtapon namin sa kanya, hindi na mapakali ang boss namin. May lahing pusa ba ang babaeng iyon at ang tagal mamatay?"

"Ibibigay ko siya sa inyo. Malapit na."

"Aasahan namin iyan. Tara na mga kasama."

Halos bumigay na ang mga tuhod ni Rose pagkatapos. Kanino nalaman ng mga itong buhay pa pala siya? Sino ang nagsabing buhay pa siya?

Come to think of it. Ngayon, mas madali na sa kanyang malaman kung sino ang may pakana sa lahat ng ito.

WALA pa sa tree house si Drek nang makabalik si Rose matapos inihatid sa safe na lugar si Jon. Ayaw niyang madamay ang bata sa gulo niya ngayon at inihabilin muna sa isang katutubo na pinagkakatiwalaan niya.

Ngayon...mas payapa na ang isip niya. Ngunit hindi ganoon kapayapa matapos ang mangyari kanina.

Kinuha niya ang kutsilyo at hinasa habang hinihintay si Drek.

Ito na ang tamang pagkakataon. Kailangan na niyang bumaba at harapin ang mga taong nagkasala sa kanya.

"Rose? Rose! Nasaan ka?"

Boses ni Drek. Good. Marami pa siyang tanong sa lalaking ito.

Bumukas ang pinto at iniluwa ang lalaki. Malalaki ang mga hakbang na lumapit siya rito ngunit bago pa man ito makapagsalita, nailagay na niya ang kutsilyo sa leeg nito.

"Isang malaking pagkakamali mo lang ngayon, Aldrek, tapos ka na. Ngayon... bakit nagawa mo akong maipagkanulo?"

Only Rose Where stories live. Discover now