Chapter 41

18.1K 624 410
                                    


Zoe's POV

Palipat lipat ako at ganon din sya. Kapag kakanan ako, kakanan din sya. Halos sabay ang bawat lipat naming dalawa. 

Hinawakan nya ang dalawang balikat ko na ikinagulat ko ng bahagya. Dumaan sya sa kaliwa ko. Nilingon ko sya at pinagmasdan na lumakad palayo. Napangiti ako.

Kung close pa rin kami kanina ko pa sya inasar.

Nailing na tumungo na ako sa dapat kong puntahan. Nilapitan ko si Ate Abby. Pinatawag nya ako sa hindi ko alam kung bakit.

"Ang tagal mo naman dumating." napakamot ako ng ulo.

"Pasensya na, si Alexa kasi eh." napangiti naman sya na banggitin ko si Alexa. "Bakit po?"

"Wala lang." napakunot ang noo ko lalo na hindi mawala wala sa mga labi nya ang ngiti nya. "Mananalo ako kay Avey." 

"Huh?" hindi ko sya maintindihan.

"Nothing. Anyway, ikaw ang napili ko at si Steph para sa laban ng 2v2 sa lahat ng Empire Team."

"Huh? kami? kami ni Steph?!" nabigla ata ako sa nalaman ko. Ako makikipag-team up kay Steph? okay sana kung lima kami eh kasi hindi naman nya ganon kailangan ang tulong ko pero kaming dalawa lang? baka matalo pa kami sa kakabangayan.

"Hmm...pinag-iisipan pa namin kung si Steph o si Alexa pero may chance na si Steph." sabi nya na tila nag-iisip pa.

Napangiwi ako. Si Alexa? isa din 'yon eh.

"Si Japan?" tanong ko.

"Nope, sya ang ilalaban namin sa 1v1 habang si Gen ay sa shooting contest at sa dunk contest depende pa kay Alexa at Steph."

"Hindi ba dapat ako ang sa shooting contest?" takang tanong ko. Hindi sa nilalamangan ko si Gen, alam kong mas magaling sya sakin pero mas magaling ako sa shooting.

"Yes, pero mas maganda kung dalawa kayo ni Steph sa 2v2." napatingin ako sa likuran ko.

"Ate Juls, pero bakit?" Takang tanong ko kay Ate Juls na dumating.

"Bakit? akala nyo ba hindi ko napapansin na may alitan sa inyong dalawa?" nakataas ang isang kilay nyang sabi.

Oh...nahalata pala nila.

"Sya lang naman eh." depensa ko sa sarili. "Wala akong ginagawa sa kanya pero sya itong lagi akong sinusungitan."

"Malamang, ikaw ang taong gusto ni Alexa." sabi ni Ate Abby.

Napasimangot ako. "Tapos na kung ano meron samin ni Alexa. May girlfriend sya at ganon din ako."

"Baka kasi may ginawa ka pang iba kaya masungit sayo si Steph." tumingin ako kay Ate Juls.

"Ano naman gagawin ko sa kanya? wala akong paki sa kanya 'no."

"Zoe." may pagbabantang sabi ni Ate Abby. Napasimangot naman ako at nanahimik. "Buo na ang desisyon ko. Ikaw at si Steph ang lalaban sa 2v2."

"Ate Abby!" maktol ko. Ayokong makatandem si Steph! "Si Alexa na lang!"

Napangiwi ako sa tingin na pinukol ni Ate Abby habang may pang-asar sa mga labi.

"I mean, si Alexa na lang ipartner nyo kay Steph, ako sa shooting, si Gen sa dunk." nakaiwas na tingin na sabi ko.

"Hindi, si Japan sa 1v1, Si Alexa sa Dunk, si Gen sa Shooting habang kayong dalawa ni Steph sa 2v2. That's final." sabi ni Ate Abby at umalis.

Bagsak balikat naman akong lumingon kay Ate Juls. Nakitbitbalikat sya habang may ngisi sa labi at sumunod kay Ate Abby.

"Hays! bakit sya pa?!" maktol ko.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon