4. The Truth Shall Set You Free

273 1 0
                                    

"Ano?! Tinignan mo 'yung dibdib niya?!" Reaksyon ni Virginia sa kinwento ko sa kaniya. Nasa loob na kami ng room habang wala pang teacher.

"Hindi 'yun ang ibig kong sabihin. Hindi pala siya matanda. Medyo bata pa ayon sa nakita ko sa cleavage niya and hindi ko sinasadya 'yun?"

"Kahit na. Gustong gusto mo naman."

"Gusto ko lang ipaalam sa'yo ang nakita ko."

"So, ano ang pakiramdam nang makita mo ang mukha niya?"

"Para siyang si Mommy. Ang akala ko mukha siyang mangkukulam."

"Hindi kaya ibang babae ang nakita mo?"

"Hindi, kasi natatandaan ko ang buhok niya na sobrang tuwid."

"Kung totoo na si aswang nga iyon, ibig sabihin, hindi totoo ang chismis."

"Ewan ko pero hindi talaga ako makatulog kagabi." Naghikab pa ako. Talagang kulang ako sa tulog.

"Siguro hindi nga totoo."

"Hindi ko nga sinabi kay Mommy kasi natakot ako. Tapos feeling ko may anino na gustong pumasok sa bahay. Takot na takot ako."

"Talaga?"

"Oo, kasi gumagalaw 'yung anino na nakikita ko sa bintana. Baka kailangan kong iwasan talaga siya."

"Pero sabi mo recently lang may kausap siya."

"Oo."

"Naniniwala ka ba talaga doon? Pati tuloy ako natatakot eh."

"Siguro, kung kakausapin mo siya o titignan ng paulit-ulit saka tatalab ang sumpa."

"Hay ewan ko."

"Wala namang masama kung maniniwala. Ang importante ligtas tayo. Baka bigla akong magkasakit kaya natatakot talaga ako."

Dumating ang first subject namin. Isa ito sa favorite ko kasi tungkol ito sa kagandahang asal.

"Class, buksan ang libro sa page 23." Bungad ng teacher.

Teka, nasa page 13 pa lang kami ah. Lumaktaw na agad. 'Di bali na nga.

"Ma'am, bakit lumaktaw?" Tanong ng isa sa classmates ko. Ayan na naman sila. Mga nonsense na tanong. Hindi na lang makinig.

"Pasensya na. Mahalaga kasi ang topic natin ngayon. Tungkol sa panghuhusga sa kapwa. Baka hindi na natin maabot ang iba sa second grading kapag hindi tayo lumaktaw."

Wala nang nagsalita. Binuksan namin ang libro. Nagsimula mag lecture ang teacher. Tumawag siya ng isa para basahin ang unang bahagi.

Nagbasa ang isang kaklase ko.

"Ang panghuhusga, ito ay isa sa ugali ng mga tao. Binubuo ito ng maraming uri at isa na dito ay direktang panghuhusga sa pamamagitan ng mga nakikita ng ating mga mata."

"Okay, ipapaliwanag ko." Sabi ng teacher. Nagtaka ako kung bakit parang kinabahan ako sa lecture namin ngayon. Nagsimula si Ma'am. "Ayon sa nakalagay sa libro, isa sa uri ng panghuhusga ang nakikita ng ating mga mata. Halimbawa, may tao kang nakita na umiinom at maraming tatu sa katawan. Huhusgahan agad natin siya ayon sa nakita natin. Iisipin natin na nakakatakot siya. Very accurate naman ang mga mata natin pero alam niyo ba na wala tayong karapatan na husgahan ang isang tao ayon sa ginagawa o itsura nito? Pwede tayong mag-ingat pero kasalanan sa Diyos ang husgahan agad natin siya. Lahat ng tao ay nagbabago o kung hindi naman ay nagtatago lang ang mabuti niyang ugali o puso sa itsura niya. Hindi natin siya pwedeng husgahan agad hangga't hindi pa natin siya nakikilala."

Napatingin ako ng seryoso sa teacher habang aksidente siyang napatingin sa'kin. "Matthew, may tanong ka ba?"

"Wa-wala, Ma'am."

"Basahin mo ang ikalawa." Utos niya kaya tumayo ako.

Nagsimula akong magbasa. "Isa din sa uri ng panghuhusga ay ang mga naririnig natin sa sabi-sabi. Naiiwasan natin ang isang taong may hindi magandang ugali kung may isa pang tao na nagsasabi kung ano ang katauhan ng isang taong hinuhusgahan." Tumigil ako sa pagbabasa at umupo ng dahan-dahan. Medyo nakarelate ako.

"Okay, ayon sa binasa ni Matthew, ang isa sa uri nito ay sa mga sabi-sabi o naririnig natin sa isa pang tao para husgahan ang isa pa. Halimbawa, may isa kang bagong kaklase na hindi ko kilala na naging kaklase ng pinsan mo. Kaya pinapaiwas ka niya doon para hindi nga mahingan ng gamit, pera o ano pang ugali na ipinakita niya sa ibang tao." Medyo mas maigi din 'yung may nakakapagsabi ng ugali ng iba gaya ng babaing nakaitim. "Pero ano mang mangyari ay nanghusga ka agad kung maniniwala ka. Pwedeng tama siya pero kasalanan sa Diyos ang pangunahan mo kung ano ang sinasabi dahil hindi mo pa lubos na kilala ang taong hinuhusgahan. Malay mo sinisiraan lang pala, malay mo kaaway lang pala. Kaya mas maiging alamin natin ang lahat bago tayo manghusga."

"Ma'am, pa'no kung totoo?" Tanong ng isa sa mga kaklase ko.

"Okay, masama parin na husgahan ang tao. May kaibigan ako na almost bestfriend ko noon nung college na masama ang ugali kaya hinuhusgahan siya ng iba. Pero ako hindi syempre. Kung may nakakakilala sa tao, ako 'yun at iba pang kaibigan namin. Lahat ng tao ay may karapatan na makipag-kaibigan. Ano man ang ugali niya ay tanggapin natin dahil miski ikaw sa sarili mo ay may ugali kang hindi gusto ng ibang tao. Bihira lang naman 'yung taong gusto ng lahat. Huhusgahan at huhusgahan ka ng iba. Malay mo naman 'yung nachichismi pa pala ang makakomportable mong kasama kasi hindi plastik. Maraming 'what ifs' na pagdadaanan 'yan. Kasalanan sa Diyos ang manghusga." Nagkatinginan kami ni Virginia. Pareho ba kami ng iniisip? Kasalanan ba namin ang lahat? Gusto kong magtanong o magkwento sa teacher para malaman ko pero natatakot akong magtanong. Parang alam ko na ang sagot. Alam kong hindi naniniwala si Ma'am sa sumpa kaya huwag na lang.

May tinawag na naman at may nagbasa. "Ang ikatlong uri ay ang may namamagitan. Kadalasan ito kung may mga taong hindi magkaintindihan kaya kinakailangan ng may mga tao na gigitna upang mamagitan at mahusgahan ang bagay na pinagtatalunan."

"Okay, sinabi diyan na kailangan ng hurado. Dipende kung sino ang tao na huhusgahan. Sinasabi din dito na hindi dapat hinuhusgahan ang taong napagbintangan lang. Kailangang may sapat na katibayan. Andito din 'yung Technicality kung paano huhusgahan ang dapat husgahan. Parang sinasabi dito na hindi ka pwedeng basta manghusga. Kailangan ng sapat na ebidensya. Dito na papasok ang lahat ng aspeto tulad ng bawal sa Diyos ang manghusga lang basta basta. Kailangang alamin muna ang lahat kung totoo. Kaya nga may napapawalang sala at may nakukulong. Dahil miski sa batas ay bawal ang nagbibintang o nanghuhusga. Kung nawalan ka ng pitaka ay hindi sapat na ebidensya kung alam mong dati nang nagnakaw ang pinagbibintangan mo. Kasalanan sa Diyos na magbintang. Kaya huwag na huwag kayong magbibintang para maiwasan ang pagtatalo. Maliban na lang kung nakita ito ng mapagkakatiwalaan niyong tao."

Napatingin ako kay Virginia na malalim din ang iniisip. May tinawag na naman at nagbasa. "Ang pang-apat ay ikaw mismo ang huhusga. Kadalasan ay naguguluhan tayo kung paano huhusgahan ang isang bagay kaya gusto nating tuklasin ang katotohanan kung paano huhusgahan ng praktikal ang partikular na bagay o pangyayari."

Nagsalita uli ang teacher. "Kadalasan na mangyari sa atin iyan." Tumingin sa amin si Ma'am ng seryoso. "Kung sasabihin ko bang walang pasok sa isa sa kaklase niyo at ibinalita sa inyo ay maniniwala agad kayo? Syempre kakausapin niyo ako ng personal para tiyakin iyon. 'Yan ang sinasabi sa pang-apat. Hindi kayo pwedeng magkalat ng balita dahil komplikado ang bagay bagay specially kung madaling mapaniwala ang isang tao." Naalala ko ang babae na laging nakaitim. Kasalanan ko ba talaga? "At isa pa, masama sa paningin ng Diyos o kahit ng batas ang magkalat ng maling impormasyon. Kaya hangga't maaari ay huwag niyong gagawin at kung naguguluhan kayo sa isang bagay ay dapat niyo itong alamin. The truth shall set you free."

The truth shall set you free..

The truth shall set you free..

The truth shall set you free..

The truth shall set you free..

Natulala ako dahil paulit-ulit kong narinig sa isip ko 'yon.

The Great LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon