Chapter 2

22 12 0
                                    



1 WEEK had pass at tapos na ang 1 week slave ko kay hanz, at buti nalang at tinantanan na ako ng mga fan girls niya. Paano ba naman kasi tinakot daw sila ni hanz na papahirapan daw sila pag may nangyari saakin na masama.

Over protective naman daw siya saakin, hindi ko nga alam kung totoo yung pinapakita niya saakin o hindi. Malay mo pinaglalaruan niya lang ako. Diba?

Sa 1 week na yun maslalo akong nahulog sakanya, pigilan ko man hindi ko kaya para bang pag iiwas ako lalapit siya saakin, parang hindi ko na nga alam ang gagawin ko sa bawat araw na nagdaan noon.

Monday ngayon at yung role na maging impiyerno ang whole year ko parang hindi na matutupad, eh pag naglalakad kasi ako sa corridor umiiwas sila na parang reyna yung mag lalakad, ganun ba tapos walang gustong kumausap saakin, lalo na't wala akong friends dito, ayaw nila saakin kahit wala akong ginagawang mali. Kaya loner ako ngayon.

Hayy... buhay nga naman parang life.

Choss.. ahaha

Kasalukuyan akong naka upo dito sa room mag-isa, lahat na ng kaklase ko nasa cafeteria at ako lang ang naiwan dito sa room, wala kasi akong gana kumain ngayon.

Napagisip-isip ko na pumunta muna sa garden para mag pahangin. Malapit na ako sa garden ng makarinig ako ng nag tatawanan, nang silipin ko nakita ko si hanz kasama ang isang magandang babae habang naka akbay si hanz sakanya. Ang lapit lapit pa ni hanz dun sa babae na parang ayaw niyang hindi nakikita yung babae. And the worst part is hinalikan pa niya yung girl.

Yun na yun eh, okay na sana kaya lang BAKIT PA NIYA HINALIKAN? AND TAKE NOTE SA LABI PA!

Pinagmamasdan ko lang sila habang hindi ko namamalayan na tumutulo na ang aking luha, tinakpan ko ang aking bunganga para hindi nila marinig ang aking bawat paghikbi ko, bago pa nila ako makita tumakbo na ako palayo sakanya—palayo sakanila, parang pinipiga yung puso ko, para bang libo-libong kutsilyo ang tumutusok sa puso ko.

Ang sakit eh, alam mo yung umaasa kang one day magiging kayo yung ang saya niyo na tapos ineexpect mo na magkakamabutihan na kayo. Kaya lang iba yung nangyari eh. Akala ko okay na, yun lang pala pinaasa ko lang ang sarili ko.

Nakarating ako sa isang park malapit sa school.

Hindi ko aakalaing sa loob ng isang linggo puro saya ang naramdaman ko pag kasama ko siya, pero may kaakibat pala na sakit pagkatapos.

"Bakit mo to ginagawa saakin? Ang sakit na!" habang hawak hawak ang aking dibdib kung nasaan ang aking puso.

"Hindi ko na kaya hanz! Wala naman akong ginagawa sayo ah! Huwag mo naman akong pahirapan ng ganito! Kasi sobrang sakit na!" humahagulgol na sigaw ko, parang binibiyak ang pag katao ko lalo na yung puso ko. Gusto ko lang naman siya ah, pero sa nararamdaman ko ngayon mahal ko na ata siya, Oo, mahal na mahal ko na siya.

Hindi ko aakalaing ganito pala kasakit pag nagmahal. Hindi ko na alam kung maipapangako ko pa sa sarili ko kung magmamahal pa ako. Sobrang sakit na kasi, kahit hindi naman kami eh pero nasasaktan na ako, paano nalang pag naging kami? Siguro nabaliw na ako sa sakit na nararamdaman ko.

"One day i will stop loving you hanz" sabi ko habang naglalakad sa kawalan. Para na akong isang bato, wala nang pakialam sa mga nangyayari saakin, wala na akong nararamdaman pangsakit, wala na akong mailuha pa. Sa isang iglap nawalan na ako ng pakiramdam, naging manhid na ako sa lahat ng bagay.

Napatawa ako ng mapait nang dahil lang sa pagmamahal naging ganito ako kamanhid, hindi ko aakalaing ganito pala kasakit ang magmahal, sabi nga nila hindi puro saya lang ang mga magmamahal, may kaakibat din na sakit.

Napatigil nalang ako ng nararamdaman kong umuulan na, tignan mo nga naman nakatayo ako sa gitna ng daan habang umuulan ng malakas.

Napatigil ako sa pag iisip ng nararamdaman kong hindi ako nauulanan. Pag tingala ko may naglagay ng payong para hindi ako mabasa. At tignan mo nga naman yung lalaking iniiyakan ko kani-kanina lang siya patong naaawa saakin.

"Bakit ka nag papaulan? Alam mo namang magkakasakit ka niyan!" galit na sambit niya saakin.

Nakatitig lang ako sakanya naparang minememorya ko ang kanyang mukha.

"Bakit ka ganyan makatingin?" nagtatakang tanong niya

Pero hindi ko parin siya sinasagot, ayokong sumagot baka kasi pumiyok at tuluyang humagulgol sa harapan niya.

Ang gwapo niya talaga. Pero kailangan kong gawin ang dapat kong gawin, hindi dapat puro ganito nalang, na ako lang yung nasasaktan, ang unfair naman ata nun yung ang saya niya sa kandungan ng iba samantalang ako nasasaktan habang naghihintay sa katiting na atensyong ibibigay niya.

"Huy! Ayos kalang? Tulala ka?" tanong niya habang hawak hawak niya ang aking balikat.

"I love you so much hanz, but it kills me too much" pabulong na sabi ko sakanya, bago iniwan siyang nakatulala sa daan. Habang ako nag lalakad pauwi saamin at hindi ko na ininda ang ulan na tumatama saakin.

NAKARATING ako sa bahay habang nanghihina ang aking katawan, pero hindi ko na yun pinansin. Dire-diretso ako sa aking kwarto para makapag palit at para makapag ayos ng gamit na dadalhin ko.

Nakapag desisyon na ako, aalis muna ako para mag aral sa America, may bahay kami dun kaya wala na akong problema kung saan ako titira. Nakapag book na ako at mamayang 7:00 p.m na ang aking flight at 5:00 na ng hapon kaya chineck ko na ang aking gamit kung may nakalimutan ba ako o wala.

Buti nalang at hindi ako masyadong nahihilo kaya kaya ko pang bumiyahe.

Pinalagay ko na sa sasakyan yung mga maleta ko at magpapaalam nalang ako kay dad at lola bago ako umalis.

Nandito na ako sa tapat ng kwarto ni dad at binuksan ang pintuan. Wala namang kaso kay dad na pumasok ako sa kwarto niya kasi okay lang naman daw basta huwag lang daw siyang gulatin.

"Dad?"

"Oh hija naparito ka? Oh bakit ganyan ang ayos mo? May pupuntahan ka?" nag tatakang tanong ni dad at tinapik ni dad ang kanyang tabi para dun ako umupo.

"Ahm dad aalis po kasi ako. Pupunta po ako sa  America, dun ko po muna itutuloy yung pag aaral ko" dahan dahang sabi ko sakanya, mahirap na baka atakihin si dad konsensya ko pa.

"Bakit naman hija? Maayos naman yung pag-aaral mo dito ah, may problema ba?"

"Wala po dad, gusto ko lang pong mas makapag focus ako sa studies ko, ipag paalam niyo nalang po ako kay lola dad" sabi ko kay daddy habang yakap yakap siya.

"Hay... hindi na ba kita mapipigilan?" panghihinayang na sabi niya bago kumalas sa pag kakayakap ko sakanya.

"Dad hindi na po, naka ayos na po ang lahat dad"

"Hija about the wedding" pag iiba niya ng topic, yeah the wedding, nakalimutan ko yun ah.

"I don't know dad. Kung sana mapag bibigyan mo ako sa hiling ko dad"

"Sige, ano ba ang hiling mo?"

"Dad sana huwag mo nang ituloy ang kasal dad, bata pa kami dad para diyan."

"Okay okay, i get it. Sasabihin ko nalang sa kanya about sa desisyon mo, anyway kailan ka babalik?"

"Babalik po ako pag ka tapos ko sa pag-aaral dad"

"Ganun ba, mamimiss kita hija, palagi kang tumawag saakin ah?"

"Opo dad" napatingin ako sa wall clock ni dad and it's 5:45 na. "Dad i have to go 7 ang flight ko dad, ipag paalam niyo nalang po ako kay lola dad" sabi ko bago humalik sa kanyang pisngi.

"O sige na umalis kana baka mahuli kapa sa flight mo, mamimiss kita sobra"

"Ako din dad" pag papaalam ko kay dad bago umalis.

Sana tama ang naging desisyon ko...

PAGKADATING ko sa airport 6:05 p.m na kaya nag madali na ako baka maiwan pa ako.

Hanz sana sa pag balik ko dito sa pilipinas asahan mong wala na akong nararamdaman sayo.

Tulad ng sinabi ko sayo, i love you pero nasasaktan na ako, saating dalawa ako yung nasasaktan habang ikaw nag sasaya sa iba.

•••••

VOTE•COMMENT•BELOW

Enjoy reading! :)

Just The Way You Are (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon