CHAPTER-6

44.6K 1.2K 308
                                    

Luring The Cold Hearted Billionaire

Inisukbit ni Jane ang bag niya sa kaniyang balikat nang matapos niyang maayos ang mga gamit niya. Akmang lalabas na siya ng classroom nila para dumiretso sa kumpanya ni Tyler ng harangin siya ni Teo sa may pinto.

Napakurap-kurap si Jane kay Teo, "Bakit? May kailangan ka ba?" Gustong tuktukan ni Jane ang sarili ng maalalang naiwan pala niya ito sa club noong isang gabi. Sinamahan siya nito sa club na pinagtatrabahuan nito bilang waiter para sana ipasok din siya doon, kaso nagkataong nandoon din sa club na iyon si Tyler at bigla na lang siyang binitbit ng lalaki sa Tagaytay.

"Pasensya sa nakaraang gabi. Hindi na din ako agad nakabalik kasi may nangyari— "

"Nangyari?" Nakakunot noong putol ni Teo sa kaniya na kinakurap-kurap na naman niya sa lalaki. Napailing ito saka natawa ng mapakla na kinasalubong ng mga kilay ni Jane.

"I'm just making sure you are alright. H-He did not force you, naman diba? I mean his kiss it was aggressive and— "

"Teo, I'm fine." Nginitian niya ang lalaki saka pinakita ang muscle niya sa braso, "strong ako! Hindi ako papapilit, okay lang ako. Salamat."

Okay lang naman talaga diba? Okay pa, okay pa siguro ako sa ngayon.

"Mauuna na ako, Teo. May pasok pa ko sa opisina." Turan niya sa lalaki saka walang lingon-likod na nilagpasan si Teo.

Kung sana gaya ni Teo, ganoon kabilis basahin si Tyler, sana hindi ako nalilito ng ganito.

***

"YOU'RE FIFTEEN Minutes late." Napapitlag si Nerlay ng sa pagbukas nang pinto ng elevator ay ang baritonong boses na iyon ni Tyler ang sumalubong sa kaniya. Napatitig siya kay Tyler na siyang nakasandal sa katapat na pader ng elevator. He looks so hot in his triple gray suit.

Lumunok muna si Jane bago nag-iwas ng tingin. Bumaba ang mga mata niya sa kamay niyang awtomatikong nagsiklop kasabay ng kabadong paglalaro niya ng mga daliri niya.

"Dumaan pa kasi ako ng apartment ko, nagbihis pa ako— ." Nahigit ni Jane ang hininga ng dalawang hakbangin ni Tyler ang pagitan nila at hawakan nito ang mga kamay niya para patigilin iyon.

"I just informed you that you're late, I didn't ask why. Let's go, we're getting late on our meeting."

Nagpaintanod na lamang siya sa binata ng hatakin siya nito pabalik sa loob ng elevator.

Solaire. Ngayon lang siya nakapasok sa lugar na ito ang alam niya ay casino ito, ngayon niya lang nalaman na may mall pala sa loob nito, hotel at restaurants. Napakaganda at bawat kanto ng lugar na ito sumisigaw ng karangyaan.

Napabaling siya kay Tyler na may sinalubong na gaya ng lalaki ay naka-suit din, siguro 'yon ang mga ka-meeting ng binata. Marahan siyang tumango tango sa sarili niya saka nilibang ang sarili habang dahan-dahang sinusundan ng lakad ang mga lalaking nasa harapan niya.

Jane was enjoying the expensive scenery around her as she walks behind Hermes when her eyes landed on a stool of different foods. Everything looks so appetizing! Pero alam niyang mamahalin ang mga presyo ng pagkaing mga 'yon. Jane didn't notice that she was already few meters apart from the guys, Hermes are walking with. Hindi niya namalayang napahinto siya sa gilid ng stool na iyon, hanggang sa maramdaman niya ang isang napakapamilyar na titig na dumapo sa balat niya.

Napalingon siya at dali-daling napatakbo patungo kay Tyler na siyang huminto din hindi kalayuan sa kaniya para tignan siya.

Naramdaman ni Jane ang pag-init ng magkabilang pisngi niya ng marinig ang mahinang pag-usal ng tawa ng mga lalaking kasama ni Tyler.

Luring The Cold Hearted Billionaire.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon