Sana Alam Mo Rin

263 5 0
                                    

Isang araw, sinabi mo sakin na pagod ka na.
Sabi mo nasasaktan ka na at sawang-sawa ka na sa relasyon nating dalawa.
Sabi mo ayaw mo na at gusto mo nang maging malaya.
At wala akong naisagot sayo, sa halip ay nginitian lamang kita.

Dahil sa totoo lang, mahal...

Pagod na pagod na rin ako.
Pagod na ring masaktan ang aking puso.
Pagod na rin ako sa kakapunas ng mga luha na pumapatak.
Pagod na rin ako sa pagpipigil sa aking sarili mula sa pag-iyak.

Sawang-sawa na rin ako, mahal...

Sawang-sawa na rin ako sa mga away at pagtatalo natin.
Nagsasawa na rin ako sa paghingi mo ng tawad at paumanhin.
Sawang-sawa na rin ako sa pagsuyo sa iyo kahit ikaw naman ang nauna.
Sawang-sawa na rin ako sa tuwing nararamdaman ko na ako'y iyong binabaliwala.

Nasasaktan na din ako, mahal...

Nasasaktan rin ako sa tuwing may kasama kang iba.
Nasasaktan rin ako sa tuwing nag-tatalo tayong dalawa.
Nasasaktan rin ako sa tuwing nakikita kitang lumuluha.
Nasasaktan rin ako sa tuwing ipinaparamdam mo sakin na madali lang makahanap ng iba.

Minsan ko na ring naisipan ang umayaw, mahal...

Ayaw ko na, kasi palagi nalang ako ang sumusuyo.
Ayaw ko na, kasi palagi nalang ako ang humihingi ng tawad sa relasyong ito.
Ayaw ko na, kasi palagi nalang ako ang mas umiintindi sa ating dalawa.
Ayaw ko na, kasi... Hindi na kita napapasaya.

Minsan naisipan ko na rin ang sukuan at palayain ka, mahal...

Suko na ko kasi hindi ko na kinakaya.
Suko na ko kasi para na akong nababaliwala.
Suko na ko kasi may iba nang nagpapasaya sayo.
Suko na ko kasi ramdam kong nahuhulog na sa iba ang loob mo.

Gusto ko sanang isumbat sayo lahat ng isinusumbat mo sakin.
Gusto ko sanang sabihin sayo na may mga pagkukulang ka din.
Gusto ko sanang bitawan ang katagang, "Ayoko na".
Gusto kong gawin lahat ng iyan pero hindi ko magawa dahil MAHAL KITA!

Tao lang ako mahal, hindi ako kailanman magiging perpekto.
Tulad mo, napapagod din ako.
Nasasaktan din ako at marunong din akong magsawa.
Alam ko din na pwede akong umayaw at sumuko pero... Hindi ko magawa.

Iniisip ko palang na iwanan ka, nanghihina na ako.
Iniisip ko palang na mawawala ka na sakin, hindi na kinakaya ng aking puso.
Iniisip ko palang na bitawan ka, para na akong sinasaksak ng kutsilyo.
Iniisip ko palang na susukuan na kita, hindi ko na mapigilan ang aking mga luha sa pagtulo.

Sana mahal, ganito rin ang nararamdaman mo...

Sana kahit napapagod ka na, lumalaban ka pa rin.
Sana kahit sawang-sawa ka na, mas pipiliin mo pa rin akong intindihin.
Sana kahit nasasaktan ka na, minamahal mo pa rin ako.
Sana kahit gusto mo nang umayaw, hindi mo pa din pipiliin ang sumuko.

Kasi mahal...

Pagod na rin ako, pero ipinaglalaban pa din kita.
Iniintindi at pinapatawad pa din kita kahit minsan nakakasawa na.
Nasasaktan na rin ako, subalit ikaw pa din ang iniibig ko nang buong puso.
Mas pinili ko pa din ang manatili kahit ikaw na mismo ang tumutulak sa akin upang sumuko.

Mahal, pakinggan mo naman ako kahit minsan.
Mahal, sana intindihin mo rin ako sa tuwing hindi kita napagbibigyan.
Alam mo kung gaano kita ka-mahal, sana huwag mo iyon kalimutan.
Kasi kahit nakakapagod, nakakasawa, at napaka-sakit na...

Hinding-hindi kita magagawang bitawan o sukuan.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon