Balang Araw

342 2 0
                                    

(Requested by: cheskaelcano)

Parang kailan lang, magkakasama pa tayo.
Nagtatawanan, gumagala, nag-aasaran, at nagpapalakasan ng biro.
Parang kahapon lang, magkakasabay tayong pumapasok.
Hindi ko inakala na lahat ng iyon ay maglalaho na parang usok.

Maglalaho at mababaon sa nakaraan.
Tanging sa mga alaala na lamang natin iyon mababalikan.
Ang kasiyahan na dulot ng nakaraan ay mananatili na lamang sa ating mga memorya.
Alaala na kung saan tayong lahat ay masaya pa at magkakasama.

Kung pwede lang sanang bumalik sa nakaraan, gagawin ko.
At kapag nagawa ko iyon, yayakapin ko kayo.
Yayakipin nang mahigpit at hindi ako bibitaw.
Dahil hindi ko inaasahang magkakahiwalay din pala tayo pagdating ng araw.

Ayoko...

Ayokong maiwan ulit mag-isa.
Ayoko nang makakilala pa ng iba.
Dahil wala nang papalit sa puwesto niyo dito sa aking puso.
Walang makapagbabago ng desisyon kong ito.

Kayo...

Isa kayo sa mga nagbigay-kulay sa aking buhay.
Isa kayo sa mga nagpasaya sakin at nagpatawa sakin ng walang humpay.
Isa kayo sa aking mga nasasandalan sa tuwing may mga problema.
Isa kayo sa mga tumulak sa akin na huwag sumuko at magpatuloy pa.

Kayo yung mga wagas kung mang-inis.
Kayo yung mga parang takas-mental na kinagat ng asong may rabis.
Kayo yung mga malalakas mang-trip at kumain.
Kayo... Yung mga taong nagpasaya at mahalaga sa akin.

Sadyang marahas ang desisyon ng tadhana.
Ayoko sanang magkalayo-layo tayo subalit wala tayong magawa.
Ayoko sanang magpaalam at humakbang palayo.
Ayoko sanang magkawatak-watak amg ating grupo.

Wala akong maramdaman kundi kalungkutan.
Nalulungkot ako sa nangyayari subalit ito'y kinakailangan.
Lahat tayo'y may mga sari-sariling buhay.
Lahat tayo'y may mga pangarap na nais nating magkaroon ng kulay.

Nakakalungkot man, subalit naiintindihan ko.
Alam ko naman na balang araw, magkikita-kita din tayo.
Balang araw, makakasama rin natin ulit ang isa't-isa.
Balang araw, lahat tayo'y muling magiging masaya.

Balang araw, babalik din ang lahat sa dati.
Yung dati na kung saan magkakasama tayo palagi.
Yung dati na kung saan lahat tayo'y masasaya at nakangiti.
Balang araw... Ang ating pagkakaibigan ay mabubuo muli.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon