[49] Uniform

1M 21.8K 4.8K
                                    

CHAPTER 49: UNIFORM

 

KAYE ANNE’S POV

Nakakainis si Gail, alam niyo ba yun? Ipasa ba daw ang boyfriend sa akin. Alam ko, si Kurt na-badtrip kay Gail kahapon. Kahit naman siguro sinong lalaki eh. Sabi ko kay Gail, I will help her out. But not definitely this way. Mas lalong naging complicated. Maghiwalay na kaya silang dalawa para wala na siyang problema ~__~

Pero syempre joke lang yun noh! Wag naman ganun >.>

“Kaye Anne, ang aga mo yata ah?” Napaangat ang ulo ko para makita kung sino ang nagsalita. Si Nathan as usual. I put my earphones on while shuffling my Iphone. Soundtrip lang!

“Malamang maaga kasi umaga. Tss,” pamimilosopo ko.

Umupo siya sa tabi ko, sa bench. Ako naman nagfocus sa pag-sosoundtrip.

“Uy kulet, bakit hindi ko ata nakikita si Gail?”

“Ewan ko. Malay ko. Di ko alam. I don’t know. Ambot. =_=”

“Ang dami lang sinabi ah.”

Kumunot ang noo ko sa kanya. “Eh ano naman? Eh sa ganun eh. Teka nga, bakit mo ba siya hinahanap? Namimiss mo ba ang pinsan ko?” Makaliskisan nga ito nang malaman kung love pa rin niya si Gail.

“Syempre naman, I miss  her. Kayo lang namang tatlo nina Cha-Cha ang kaibigang babae ko dito eh. Wag ka na magselos,” nakangising sabi niya tapos nilagay niya sa tenga ko yung nakaharang sa mukha ko na bangs.

I rolled my eyes on him, “Kapal mo ah. Selos your face.” Napaiwas ako ng tingin sa kanya.

Natawa siya ng mahina, “Ang cute mong mag-blush, kulet.”

“Tse! Blooming lang talaga ako everyday. Natural beauty kasi.”

“Hahaha! Sabi mo eh. Teka, si Gail oh.” Napatingin ako sa tinuturo ni Nathan. Tama, si Gail nga. Mamaya nalang kami magtutuos dalawa. Nagugutom ako. Kapag walang laman ang tyan, walang laman ang utak. Makapunta nga muna sa cafeteria.

Tumayo na ako at inayos ang mga gamit ko.

“Nathan, punta muna ako sa cafeteria. Hindi kasi ako nag-almusal. Pakisabi kay Gail, get herself ready.” Pagkatapos nun ay umalis na ako dun. Kumukulo na tyan ko eh.

 

 

GAIL’S POV

Natutuwa talaga ako kay CG. CG nalang itatawag ko sa kanya,ang haba eh. Anyway, ang sarap niyang kausap. Yeah, nakausap ko siya. Nag-voice call kami sa YM yesterday eh. Ang gwapo ng boses niya. Don’t get me wrong, walang malisya. Natatawa ako sa kanya kasi ang dami niyang pick-up lines.

I almost forgot my problem. Kakausapin ko nga pala si Kurt. Kanina ko pa yun tinext, ‘di man lang nag-reply. Galit talaga sa akin. :(

“Hi, Gail!”

Nilingon ko ang direksyon ng tumawag sa akin. Nakita ko si Nathan na palapit na sa akin kaya nginitian ko siya. “Hi, good morning. Bakit nag-iisa ka ata? Loner ang peg, Nathan? ^__^” Nakisabay na siya sa akin sa paglalakad. Parang namamasyal lang sa buwan. -__-

“Ah, kanina kasama ko yung makulit mong pinsan. Pinapasabi nga pala niya, get yourself ready daw. Ano bang ibig sabihin niya dun?”

Hala! Galit talaga sila sa akin. >.<

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon