Mahal At Gusto

247 2 0
                                    

(Warning! May bad words! Hehe!)
********

Oo, nagsasabi ako ng totoo.

Wala na akong pakialam sa mga kachat mong iba.
Wala akong pakialam kung magka-crush ka pa sa kanya.
Hindi ka naman kasi bahay para bakuran ko nalang bigla.
Hindi ka rin naman aso na pwede kong itali o ikadena.

Nasa iyo naman yung desisyon.
Pwede mo kong paikutin at itapon.
Pwede kang tumigil sa ginagawa mo at sa akin mo nalang ituon ang iyong atensyon.
Pwede rin na bumitaw ka at iwanan ako para sa crush mo ngayon.

Hindi naman kita tututulan o pipigilan.
Mas lalong hindi kita hahabulin dahil ayoko nang makipaghabulan.
Hindi na ako magmamakaawa na balikan mo tulad ng ginawa ko noong nakaraan.
Hindi ko na ipagpipilitan ang sarili ko sa isang taong may iba nang nagugustuhan.

Wala ngang malisya pero letse, ang sakit-sakit na.
Ang sakit dahil hindi ka nakuntento sakin, sinta.
Kasintahan nga kita pero nagawa mo pa ring magkagusto sa iba.
Kaya wag ka nang magtaka kung bakit hindi na ako nagtatanong o nagsasalita.

Mahal na mahal kita at alam mo iyan.
Alam mong hindi kita magagawang bitawan.
Subalit, hindi iyon sapat na dahilan para gawin mo ang bagay na iyan.
Dahil kahit sabihin nating mahal kita, wala ka pa ring karapatan para ako'y paglaruan.

Huwag mo akong gamitan ng mga mabubulaklak na salita.
Huwag mo ko paniwalain sa isang bagay na imposible na pala.
Mas matatanggap ko yung pagsasabi mo ng totoo at pagsuko mo.
Mas katanggap-tanggap iyon kesa sa paikutin mo ako na parang trumpo.

Mabagal akong umintindi ng matematika, pero hindi ako tanga.
Hindi ako tanga para maniwala na tatlo ang sagot sa 1+1, sinta.
Sa isang relasyon, dalawa lang dapat ang magkasintahan.
Kapag naging tatlo na, hindi na relasyon ang tawag diyan.

Kalokohan.

Isang kalokohan na ang tawag doon, mahal ko.
Isang kalokohan, isang malaking laro.
Isang kalokohan na kung saan ang pagkakaroon ulit ng "tayo" ay magiging mas malabo.
Mas malabo pa sa paglaki muli ng planetang Pluto.

Alam ko na may mga pagkukulang din naman ako.
Kaya siguro sa kanya mo hinanap ang mga bagay na di ko maibigay sayo.
Kaya siguro nahulog ang loob mo sa kanya.
Dahil may bagay kang nakita sa kanya na sakin ay wala.

Ano ito?

Mahal kita tapos may gusto ka sa kanya?
Magkasintahan nga tayo pero parang magka-MU na kayo kung umasta?
Tangina, ano? Saan ako lulugar sa sitwasyong ito?
Hindi ko na alam kung magwawala na ba ako o ititikom ko nalang ba ang bibig ko.

Masakit ba akong magsalita?
Nasasaktan na rin kasi ako kaya pasensya na ha?
Hinihintay mo nalang ba na bumitaw ako at isuko ang laban na ito?
Pwede mo namang sabihin na pagod ka na at ayaw mo na sa isang tulad ko.

Sawa ka na ba?
Bakit ayaw mong magsalita?
Hindi ko naman ipagkakait sa iyo ang maging malaya at magmahal muli ng iba.
Kaya anong dahilan mo at nandito ka pa din sa piling ko, sinta?

Huwag mo nang hintayin na sumuko ako sayo.
Dahil sa lahat ng possibleng mangyari, iyan ang pinaka-malabo.
Pwede ka namang bumitaw nalang at umalis tulad ng ginawa mo noon.
Dahil kung iyan ang makakapagpasaya sayo, hindi kita pipigilan sa iyong desisyon.

Natatakot ka ba?

Natatakot ka ba na baka hindi ka niya saluhin, mahal ko?
Natatakot ka bang manghinayang at magsisi sa dulo?
Natatakot ka ba na baka pagsisihan mo muli ang pag-iwan sakin?
Natatakot ka bang masaktan ang iyong damdamin?

Huwag kang mangamba, mahal ko.
Sulitin mo na ang pagpapakatanga ko sayo.

Huwag kang mangamba dahil mananatili ako dito.
Tatanggapin pa rin kita kahit dalawang beses mo nang binasag ang aking puso.
Mamahalin pa din kita kahit alam kong mauulit nanaman ito.
Sasaluhin pa din kita at iingatan sa ayaw at sa gusto mo.

Hindi kita hahabulin pero pwede ka namang bumalik ulit.
Mananatiling bukas ang puso ko para sayo kahit ilang beses mo nang ipinaramdam sakin yung sakit.
Hindi ako magmamakaawa na bumalik ka subalit maghihintay pa rin ako.
Maghihintay at aasa na baka sakaling magkaroon ulit ng "tayo".

Mahal, tandaan mo sana ito...
Malaki ang pinagkaiba ng mga katagang "mahal kita" at "gusto kita", irog ko.

Dalawang magkasunod na hakbang subalit mas matimbang ang "mahal kita".
Iyan yung handa kang gawin ang isang bagay kahit alam mong bawal talaga.
Yung tipong alam mong masasaktan ka pero ginawa mo pa rin dahil doon mo siya mapapasaya.
Ibang-iba sa "gusto kita" na kadalasa'y di nagtatagal at  pansamantala.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon