[50.1] Camping

1.2M 22.1K 9.4K
                                    

CHAPTER 50: CAMPING

 

KAYE ANNE’S POV

Saturday na naman. Ang bilis ng araw. Excited kasi kami mag-camping eh. Andito na kami ngayon sa meeting place namin, sa car park ng E.H.U. Actually, andito na yung shuttle bus na sasakyan namin. Kung nagtataka kayo kung bakit kami napasali ni Nathan sa Extreme Org, well pinapirma kami ng sapilitan nila Wayne. Pinull-out pa nila ako sa nasalihan ko ng club. Kainis! Pero it’s okay, I’m sure that this org will be more fun.

“Kaye Anne, ano ba yang suot mo? Camping ‘to. Hindi tayo pupunta sa beach,” sabi sa akin ni Nathan habang nakakunot ang noong pinagmamasdan ang suot ko.

“Ha? Eh sabi mo mag-shorts, long-sleeves shirt with matching hat ako eh. So, sinunod ko naman. Masunurin ako eh!” Actually, I’m just teasing him. As in asar! Ganito kasi ang nangyari.

 

 

FLASHBACK (Yesterday)

Nasa grocery shop kami ni Nathan. Kami yung na-appoint na mag-grocery para daw sa food supplies ng org.

“Nathan, diba camping yun? Anong isusuot natin?”

Tinapunan niya ako ng unbelieving look. “Seryoso, Kaye Anne? Hindi ka pa ba nakakapag-camping? Bakit hindi mo alam?”

“Eh kasi ano.. hindi pa talaga.”

Tumawa siya ng mahina kaya hinampas ko siya sa braso niya. Nang-aasar pa eh! “Ano ngang isusuot?”

“Ganito, mag-shorts ka, tapos long sleeves samahan mo na rin ng summer hat. Para masaya!” Tapos nauna na siyang maglakad. Naiwan tuloy ako nakatayo sa chips section. Ano ako uto-uto? As if naniwala ako sa pandak na yun?

Well, well, BRIGHT IDEA ON WORK! >:)

 

END OF FLASHBACK

“Malay ko bang susundin mo? Haist. Bahala ka nga.” Kinuha na ni Nathan yung mga gamit ko. Lemme scratch that, my baggage. Ang dami kong dala eh.

“Guys, get in the bus now. Double time! We’re gonna be late. Challenges are waiting for us. Move faster!” Jake shouted. Pumasok na kami lahat sa shuttle bus. As far as I know, we’re only 30 members in this org. Ang saya,ang konti namin. Samantalang yung iba, nasa more or less 100 XD

Nang makaupo na kami sa seat, tumabi si Nathan sa akin. Nataranta tuloy ako. Gusto ko siyang makatabi pero ayaw ko. Kasi ayaw ko siya makatabi kahit gusto ko. Kaya nga ayaw ko eh. Oo, I know, naguluhan kayo. Yaan niyo na, I was born this way. >.>

Nakatingin lang ako kay Nathan ng masama.

“Ba’t ganyan ka makatingin?”

“Eh bakit ka dito sa tabi ko? Katabi ko si Gail eh.” Tinutulak ko siya. Ayaw ko siyang katabi kasi naman hindi ako sanay na magkatabi kami ng ganito. Mag-reredness alert na naman ako. Ang gwapo ng katabi ko eh. Pfft!

“Anong katabi? Malamang ang katabi nun si Kurt. Boyfriend niya yun eh.” Natigilan ako sa sinagot niya. Oo nga pala.

“Edi si Chloe. Basta ayaw kitang katabi, utang na loob.”

“Tignan mo yun,” may tinuro siya sa bandang likuran ng bus kaya tumingin din ako dun. “Ayun sila oh, nakapwesto na sila ni Dustin.” Umayos si Nathan ng upo. Tapos naglagay ng earphones sa tenga. No choice but to sit beside him.

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon