Kabanata 4

350 7 4
                                    

Kabanata 4
Killed

Malamig ang buong silid, pero mas malamig ata ang mukha ni Dreau. He's sleeping peacefully on his bed. Pikit ang mga mata pero magkakasalubong ang mga kilay. I don't know why he look like this when he sleep. Lumapit ako sa kanya at dinampi ang palad sa noo niya, massaging it, kalaunan ay nawala ang pagsasalubong ng kilay niya. Lumumanay ang itsura niya at malalim pa rin ang tulog niya.

Pinakatitigan ko siya, he looks so lonely.

Lumabas ako ng kwarto at tinignan ang buong penthouse. Malaki ito, sobrang ganda, marangya, magarbo, pero puno ng lungkot. I don't know why I felt like he's not happy. Kahit nasa kanya ang lahat, pera, kasikatan, mayamang pamilya, bakit ang lungkot pa rin niya?

Isang lalaki ang nakatira dito, hirap sa pag-tulog, walang kasama. O baka meron naman, malayo lang talaga siya sa pamilya niya? I know Mondelvalle's are wealthy, sobrang yaman ng pamilyang iyon. Pero kahit pala gaano ka kayaman may kulang pa rin.

Hinawakan ko ang isang tipak sa parteng ito sa gilid ng sala, parang natipak dahil sa kakasuntok. Naiimagine ko si Dreau M na nakaupo sa gilid na ito at sumusuntok dito, umiiyak, hindi makatulog. Parang nanikip ang dibdib ko sa naisip. I felt sad for him.

Nalaman ko na din ang dahilan niya kung bakit nagkainsomnia siya. I was still in shock when I found out. Kaya pala ganoon na lang ang trauma niya.

Nakita niya kung paano pinatay ang Mommy niya. Ginahasa, pinatay. Paano ko nalaman? Binabanggit niya kanina habang natutulog siya. Sinasabi niya na...please huwag po, huwag mo pong sasaktan ang Mommy ko, huwag mo pong gahasain ang mommy ko. Tito...

Umaagos ang luha ko habang pinapakinggan siya, ang mga daliri ko ay may kusang-loob na hinahaplos ang hibla ng buhok niya, umaawit ako, at tinatahan siya, kahit panaginip lang 'yong nangyayari sakanya kanina.

"Marami siyang napasaya dahil sa mga awitin niya, pero hindi namin alam, na may nangyayari palang ganito sakanya."

"Totoo nga na kung sino pa 'tong nagpapasaya, siya pa 'tong maraming problema,"

Binuksan ko ang ref at kumuha ng malamig na tubig. Ininom ko ang lahat ng nasa baso at lumabas din sa dining.

Sinilip ko muna si Dreau at napangiti kasi yakap pa din niya ang maliit na teddy na 'yun at mahimbing na natutulog.

Pang tatlong gabi ko na dito. Kahapon pa nakalabas si Nanay, sabi naman ni Diego na ayos lang si Nanay, kaya medyo nawawala ang pag-aalala ko. Pero mamaya, kailangan kong umuwi. May pasok na si Diego, at kailangan kong bantayan ang Nanay. Dreau let me naman, sabi niya lang ay umuwi ako ng gabi sa kanya kasi may Meeting siya the next day at kailangan niya ng tulog.

Sa tatlong gabi ko dito ay hindi man lang nag-iimprove samahan namin. Kakantahan ko siya, tapos 'yun lang 'yun. At pag nakatulog na siya aalis na ako. Ilolock ko lang ang pinto. Ngayon, ngayong gabi lang ako nagtagal ng ilang minuto dito.

Nagandahan sa mukha niyang tahimik na natutulog. Nakaramdam ng kapayapaan dahil sa maamo niyang mukha pag tulog. Natukso dahil sa mumunti niyang hilik. At higit sa lahat, nalungkot dahil sa nalaman ko. Alam kaya ng pamilya niya ang tungkol dito?

Parang ayoko siyang iwan ngayong gabi. Parang gusto ko muna siyang bantayan. Parang...hindi ko kaya na nasasaktan siya.

Ngayon ko lang ito naramdaman sa tanang buhay ko, ano kayang pakiramdam pag ginawa ko ang gusto ko?

Hawak ko na ang strap ng bag ko, pero dahil sa itsura ni Dreau na natutulog ay natigilan ako. Ibinaba ko ang bag at nagtungo sa sofa. Doon nahiga, matutulog ako dito.

"Mag-uuwi na nga lang ng babae. Sa sofa pa pinatulog."

"Ibang klase ka Master."

"Huwag nga kayong maingay," it's Dreau.

Under His VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon