Chapter 43 - Curiousity (to his past)

112 3 0
                                    

"Paano naman kayo nagkakilala ni kuya Caleb ate?" Tanong sa akin ni Wyna ng inilalagay ko na sa plato ang mga nalutong barbeque.

"Akala ko ba, naikwento niya na ang tungkol dun." Saad ko ng nakatalikod sa kanya. Inilagay ko sa mesa saka ko linagyan ng takip.

Kung tatanungin niyo ako kung bakit out of the picture na si Seb, nandun siya, nakikipag-inuman sa mga pinsan niya. Pagkatapos niya akong ipakilala kay Wyna, iniwan na niya ako rito.

Hindi sila yung pamilyang hypocrite. Magiliw sila, masayahin at hindi sila harap-harapang nagpapahiya. Hindi nila pinapakita na out of place ako sa pamilyang ito. Family oriented and accomodating.

"Hindi naman lahat ate, sinabi niya. Tinatamad yun magkwento ng pagkahaba-haba. In short, sinabi lang niya na kasama niya girlfriend niya. Ganun lang. Wala nga sa expectation namin na meron na siyang ikaw." Inabot niya ulit sa akin ang isa pang plato na may laman pang mga naihaw na, na inilagay ko ulit sa mesa. "Ganito kasi yun ate, hindi na lingid sa kaalaman namin na may pinupuntahan siya sa Laguna. And naisip namin na isang girl yun kasi wala naman siyang kaibigan na taga roon." Tumango ako dahil nakukuha ko na ang gusto niyang sabihin. "Di ba nga may time noon na tinatawagan siya ni tita pero hindi sumasagot si kuya Caleb. Hayun, pagbalik niya ng opisina, pinagalitan siya ni tita kasi nga hindi siya nagpapaalam na aalis pala siya."

"Totoo? Nangyari yun talaga sa kanya? Para namang hindi kapani-paniwala."

"Promise ate, nangyari talaga yun. Kahit itanong mo pa sa kanya. Kasi si tita, si kuya Caleb na lang ang katulungan niya sa business nila. And nung time na nawala siya, I think nagkaroon pa yata ng problem sa isang site kaya beast mode noon si tita. Hindi ko nga alam kung ilang araw silang hindi nagpansinan."

"Ganun? Pero kailan niya ako nabanggit sa inyo?"

"Matagal na. Wait lang, iisipin ko." Naghuhukay talaga siya sa isip niya. Kumukunot na ang noo niya. "I remember na, when he went to Cebu. Oo yun. Kasi hindi siya dumiretso ng uwi dito." Naalala ko na din.

"One time na nagsalo-salo kami dito na kumain, napilitan si kuya na sabihin sa amin ang totoo. Ginigisa siya ni tita ng mga monstrous question niya. Nalaman namin that he's in a courting phase, according to him, tsk, what did he called it," she's thinking. "Ahh... irresistable prey, a good one to challenge me. That's... was his line. Grabe, naaalala ko pa pala."

"Sinabi niya yun? Parang ano--"

"Maniwala ka sa akin. Alam mo ate, huwag mo siyang iiwan. Kasi kung iniwan mo siya, hindi mo alam kung anong magagawa niya. Saksi kami lahat sa lahat ng mga pinagdaanan niya. Huwag ka sanang magagalit pero ang akala nga namin noon yung Asthrid na ang makakasama niya habang buhay--"

"Bakit nagbubulungan kayong dalawa ha? Ako ba pinag-uusapan niyo, hm?" Singit ni Seb sabay halik sa ulo ko. Bitin ako dun sa kwento. Sumisingit kasi.

"Wala kuya. Inaalam ko lang kung paano kayo nagkakilala ni ate Shienne. Kasi, nakapagtataka lang diba? Nac-curious ako. Girls talk, you know kuya."

Did he heard something?

Kita ko na tumingin sa akin si Seb pero ang tingin ko hindi mawala kay Wyna. But then, nakita kong inilapit niya ang hintuturo niya sa labi niya to keep to ourselves what we had talked.

Why? Naguguluhan ako.

Pinilit kong ngumiti. Bakit kakaiba itong feeling ko.

"Really? Girls talk? Nonsense." Ani Seb.

"Oo naman kuya. Masama bang malaman ko ha? Bakit? Cheesy ba when you first met? Nahihiya ka no?" Tinukso pa talaga niya ang pinsan niya. "Si kuya nauihiya."

Without YouWhere stories live. Discover now