Special Chapter: Moon, Stars and Fireflies

11.6K 503 199
                                    

Huminga ako ng malalim saka inilibot ang tingin sa buong event hall. Everything was all set. The place looked elegant with the black and gold decorations.  Nakadagdag ng ganda ang mga chandeliers na gawa sa pure crystals. Ang runway naman kung saan rarampa ang mga modelong magsusuot ng mga design ko ay gawa sa glass at pinatungan ng itim na carpet. Nakaarrange na din ang mga upuan kung saan pupwesto ang mga guests ko. Sa kabilang hall naman magaganap ang party pagkatapos ng fashion show.

Shane was right. This was, indeed, the best venue.

This is it. My first fashion show. The time for me to show the world my first clothing line. My works. My passion. Today, there will be a lot of investors. And if they like my work, they'll invest in my company and then I can finally expand my business without any help from my parents.

"Kristin." Nilingon ko si Jane.

"Bakit?"

"Congratulations," nakangiting bati nito habang nakatingin sa stage na pinaghirapan namin. "Five years ago, estudyante ka palang. And now, hindi ka lang isang fashion designer at isang business woman. May-ari ka na ng isang clothing line na ibabahagi mo sa buong mundo."

I smiled, "Ang ngang paniwalaan. Naabot ko na ang pangarap ko. But this is just the start. Malayo pa ang aakyatin ko para maabot ang tagumpay."

She tapped my shoulder, "With the person you are now, I'm sure you will." She smiled and then gave me hug. "Wish ko lang na sana, maging masaya na ang bestfriend ko. Nakakasawa na kasi ang mga ngiti at tawa niyang hindi naman abot sa mga mata niya."

Sa loob ng limang taon, Jane and I became best friends. Sa kabila ng pagtataboy ko sa kanya, nanatili siya sa tabi ko. Tinanggap niya ang mga masasakit na salitang ibinabato ko, mga pagtataray ko, at sa ilang beses kong hindi pagpansin sa kanya. Pero napalapit din ako sa kanya. Nasanay ako sa mga advice na ibinibigay niya, sa pangungulit niya, sa pangingialam hanggang sa hindi ko na namalayan at palagi na kaming naghahang out.

Napalapit ako sa kanya maybe because she reminds me of Corazon and Corazon remind me of her.

I hugged her back, "Thank you for being my friend."

Humiwalay siya sa pagkakayakap sakin at kunwaring nagpunas ng luha. "Before we get emotional, I have to go and get ready. Three hourse from now is your most awaited debut in the fashion industry."

Tumango ako at nagpaalam na siya sakin. Pumunta ako sa kabilang hall kung saan inaayos nalang ang iilang decorations. I went to the table where I was sitting a while ago to get my bag. Napahinto ako nang mapansin ko ang sketchpad ko na nakaipit sa ilang folders na dala ko kanina.

I opened it at napangiti nang makita ang unang sketch na nakapaloob doon.

Antonio Hidalgo.

Matagal na akong tumigil sa realistic sketches. I focused on designing clothes. After meeting Anthony, agad kong kinuha ko ang sketchpad ko at ginuhit siya. Pero ang iginuhit ng mga kamay ko ay si Antonio. Bakas pa rin sa papel ang mga luha ko. While sketching, hindi ko mapigilang umiyak.

Hindi ko alam kung bakit ko siya nakalimutan. I wanted to ask Karlos... I have a lot of questions to ask him pero hindi na siya nagpakita sakin. At, hindi ko na rin matandaan ang mukha ng anghel na nagdala sakin sa panahong 'yun. Lahat ng alaalang bumalik, puro blurred ang mukha niya.

But I'm sure ginusto 'to ni Karlos. Siguradong siya ang may gawa nito sakin.

Napangiti ako. Hindi ko akalaing sa pagpunta ko sa nakaraan, marami akong makikilalang tao na siyang magbabago sakin. Mga taong tutulong saking makalaya sa rehas na ginawa ko. Hindi ko akalaing sa pagpunta ko sa nakaraan, mararanasan kong maging masaya. Mas nakilala ko pa ang kulturang ipinagmamalaki ng aking mga magulang, ang mga bayaning tinawag kong tanga noon na siya pang tumulong sakin. Sa pagpunta ko sa nakaraan, muli kong naramdaman kung gaano kasakit mawalan ng taong napakahalaga sayo. 
Even so, it was one hell of an adventure. An adventure that changed my whole life. Something that I'll treasure forever.

My Handsome KatipuneroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon