Chapter 13

538K 15.3K 2.5K
                                    

Chapter 13

I like you

"Hoy sasama ka sa Fieldtrip?" Sabi ni Apxfel na nakahiga sa kama ko tapos ako naman nasa study table at gumagawa ng assignment.

Oo. Nasa bahay ko nanaman 'tong kumag na 'to. Kahit nakakairita kung minsan sanay na din ako. Pag wala din siya ang lakas maka-miss. Ewan ko ba!

"Oo. Ikaw?"

"Oo sasama na, kasama ka na eh."

"Kasi may pagtitripan ka na." Pabirong sabi ko.

"Tayo fieldtrip buddy ah." Sabi pa niya . Sa fieldtrip kasi namin may fieldtrip buddy na kailangan. Tig dadalawa, ikaw ang pipili kung sino ang gusto mong ka partner.

"Oo ba." Eh sino pa ba pwede kong maka partner? Alam ko naman din na si Paui at Zimmer na.

"Dun ako sa tabi ng bintana."

"Ayoko! Doon ako!" Sabi ko. Sabay upo sa tabi niya. "Ay sige dun ka na basta dapat madami tayong pagkain ah."

"Ang takaw mo talaga." Sabay sinundot nito ang tiyan ko na ikinagulat ko naman.

"Di kaya!" Sagot ko tapos ay hinampas ko yung kamay niya.

"Oo kaya!" Kiniliti ako nito sa kili kili na mas lalong ikinagulat ko. Jusmiyo. Wag ang kili kili ko! Muntik ko na siya masipa sa ginawa niya. Halos mag boxing na nga kami.

Hindi namin mapigilang hindi matawa sa pinag gagagawa namin. Para kaming elementary!

"Alam ko na! Sabay na lang tayo bumili ng baon natin." Sabi ko nung biglang pumasok ito sa utak ko. Tumango siya sabay kiliti pa din sa akin Ano ba!

Tumayo ako nung tumunong yung cell phone ko.

Si Dominic tumatawag.

"Hello?" sagot ko roon.

"Hi Frans!" anito sa kabilang linya.

"Bakit napatawag ka?" tanong ko. Wala naman kasi akong maalalang dapat naming pag-usapan, eh.

"Nasaan ka ngayon?" tanong niya.

"Nasa bahay lang ako."

"Ah, nasa landmark kasi ako baka kako nandito ka haha. Sige bye." anito at binaba na ang phone.

"Sino yon?!" Sabi ni Apxfel na nakakunot ang nuo.

"Si Dominic."

"Bakit daw?"

"Wala lang yun." Ano ba iniisip nitong kumag na 'to?

"Lagi ba kayong nag-uusap nun?"

"Medyo. Tumatawag kasi siya lagi, nangangamusta tapos yun mag ke kwentuhan.."

"Tsk! Kaya pala busy lagi yung phone mo." Ano daw? Di ko narinig, ang hina hina ng pagkasabi niya!

"Ha?"

"Wala. Sige, aalis na ako. May lakad pa ko." Mag sasalita na sana ako pero bigla na siyang lumabas ng kwarto.

Maya maya naka recieve ako ng text mula sakanya.

From: Apxfel Pogi

Yung dinner pala mamaya ah baka malimutan mo.

Oo nga pala may dinner kaming dalawa mamaya! Ewan ko doon kung bakit biglang nag aya na mag dinner daw kami, at sabi pa niya special dinner daw. Anong meron?

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon