CNW 20: Quest With The Top 3 Guilds

10.3K 573 75
                                    

Mabilis ang takbo ko habang patuloy na nagpapakawala ng palasong nag aapoy sa may napakalaking bear na handa akong sugurin. Sa sobrang laki nito ay mas mataas pa ito sa mga punong nandito, ngunit ang siyang ikinalaki naman nito ay ang ikinabagal nitong kumilos.

Sa totoo lang, ako rin ay nagtataka eh. Bakit nagkaroon ng bear dito sa lugar na ito eh ang init dito. Hindi ba't pang malamig na klima lamang ang mga iyon?

Mabilis akong lumundag nang makita ko ang mga kuko nitong papunta sa akin. Nang makaapak ako sa puno ay sunod-sunod ko itong pinatamaan sa ulo kung saan ang weakness nito. Mabilis na naubos ang buhay nito kung kaya't bumaba ako, kasabay ng paglitaw ng hologram sa aking lahat.

Congratulations! You completed the quest!

You received Claw (S) (R)
You received Bear's Purr (U) (R)

Mabilis ko iyong inexit, kasabay ng pagbubukas muli ng panibagong hologram na mula naman sa group chat namin.

Anonymoųs

Catnip: Che!

BabyFace: HAHAHAHA!

Executie: Eto naman! Anong ginagawa ni Darna na hindi ginagawa ng ibang superheroes?

Catnip: Uhm, lumunok ng bato?

BabyFace: Alam ko 'yan! HAHAHAHAHA

Executie: Engkkk! Mali! 'Wag kang maingay Kayne, ha!

BabyFace: Oo HAHAHHA

ShadowHunter: Magsitigil nga kayo.

Knightshade: KJ ni Captain!

Executie: Agree!

BabyFace: Agree too!

Knightshade: Agree three!

Catnip: Ang bad nyo kay Capt!

RedWarrior: Minsan napapatanong na lang ako kung ampunan ba tayo.

TheVoid: Why

RedWarrior: Kasi puro bata kasama natin.

Executie: He! Sagutin nyo na lang tanong 'ko! HAHAHAHA

Knightshade: Alam ko na! Magsuot ng panty?

RedWarrior: Nakabrief si Superman

Knightshade: Eh panty nga eh!

ShadowHunter: Ano sa tingin mo, Marky? Hindi nagsusuot ng panty yung mga superheroes na babae?

BabyFace: Panes! HAHAHAHAHA

Catnip: Hahahahaha grabe, grabe!

Executie: Ehhhh! Pero mali ulit! HAHAHAHA

Nightingale: Eh ano?

BabyFace: Hi Princess! Pabalik kana ba? Kamusta solo quest?

Nightingale: K lang.

Conquerors of the New World ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon