Chapter 5

16 10 0
                                    

Hallooooo thereeeee!

Enjoy reading!

•••••

1 WEEK na ang nag daan nang nakausap ko si mommy at hindi na siya makakapunta dito sa bahay dahil pinagbawalan na siya ni daddy.

I don't know why kung bakit ayaw ni daddy papasukin si Tita Eliza, well Tita Eliza ang tawag ko sakanya pansamantala para pag bati na sila ni dad eh mommy na tawag ko sakanya.

Hindi pa nga pala nag papaliwanag si daddy about kay mommy, every time nga na tinatanong ko si daddy iniiba niya yung topic kaya wala na akong magawa, siguro hihintayin ko nalang na si daddy na siya nalang mismo ang mag kwento saakin. Baka masyado pang mabigat para kay dad yung mga nangyari noon.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nakatunganga sa kisame, wala akong magawa tsaka kakatapos ko lang tawagan sina Thea at Gab at ayun gustong gusto na nga nilang pumunta dito kasi miss na miss na daw nila ako ahaha...yung dalawang yun talaga.

Kahapon ko pa binisita si lola at good news kasi pwede na daw lumabas si lola sa hospital mamayang gabi, kaya pupunta ako dun mamaya para alalayan siya.

Uuwi nga pala si lola sa probinsya at dahil miss na daw ako ni lola gusto niya daw na bumisita naman daw ako dun sa kanila kaya aalis kami mamayang gabi, isang buwan din ako dun magiistay, tsaka nakapag paalam na naman ako kay daddy at pinayagan niya naman ako.


AFTER namin kumain ni daddy ng dinner ay umakyat na ako sa kwarto ko para mag ayos, kasi pupunta na ako sa hospital mamaya, aalis kasi kami ni lola ng 8 ngayong gabi at 6:30 na ngayon kaya nag ayos na ako.

Natapos na ako sa pag aayos ng mga gamit ko ng 7:25 kaya ready to go na ako, pero syempre dadaanan ko muna si lola sa hospital bago kami bumiyahe.


NANDITO na ako sa hospital pupunta na ako sa elevator paakyat sa floor ni lola.

Pag kasakay ko sakto din namang sasakay din yung babae pero naka talukbong pero kita mo parin yung mukha niya. Maputi naman siya, maganda din kaya lang yung kalahati ng kaniyang mukha ay nasunog.

Wooh! Mukhang matinding accidente ang nangyari sakanya at ganyan ang nangyari sa mukha niya.

Mukhang napansin niya siguro na tinitignan ko siya kaya tumingin siya saakin pero hindi ko inaasahan na galit at pag kamuhi ang makikita ko sa mga mata niya. Bakit kaya? Tsaka kung saakin man siya galit wala naman akong ginagawa sakanya ah, ni hindi ko nga siya kilala.

"A-ahmm miss saang floor ka?" Nakakakaba naman si ate girl, kung maka tingin oh.

"5" maikling sabi niya at umiwas na siya ng tingin saakin.

Buti naman at pansin kong hindi ako humihinga nung sandaling iyon.

Katakot!

"A-ahmm okay" sabi ko bago pinindot ang number 5.

Habang paakyat kami, pansin ko lang kay ate girl balot na balot siya, parang winter na ngayon ah, eh summer pa lang naman. Naka pants siya na hipit na hipit tapos naka black rubber shoes, at naka jacket yung parang pang winter talaga tapos naka scarf na tumatakip sa mukha niya. Grabe si ate ah ang init na nga eh ganyan pa yung outfit niya.

*Ting*

Nandito na pala tayo ang bilis ah.

Nauna nang lumabas yung babae, parang nagmamadali eh. Anyway papunta na ako ngayon sa kwarto ni lola. Pag kadating ko dun nakita ko na handa na ang lahat. Woh! Bilis ah akala ko ako ang mag aayos pa sa mga gamit ni lola. Pero mukhang inayos na nung nurse na naka assign sa kanya.

Just The Way You Are (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon