Chapter 6

19 5 0
                                    



GOOD morning sunshine!!!

Hayy.. ang ganda ng mood ko ngayong araw.

Unang araw ko nga pala dito sa bahay ni lola at hindi mo talaga mahahalata na matagal na itong bahay na ito kasi ang elegante parin tignan lalo na ang mga kwarto nila dito. Para bang naka check in ka sa isang mamahaling 5 star hotel.

Mas malaki pa nga ito sa kwarto ko sa manila eh.



PABABA na nga ako galing sa kwarto after kong gawin ang mga morning rituals ko.

Nadatnan ko naman si lola na nagluluto ng breakfast namin.

"La bakit po kayo ang nag luluto? Ako na po diyan" sabi ko kay lola.

"Naku hindi na apo, sige na umupo kana dyan dahil malapit na itong maluto."



KUMAKAIN kami ngayon ni lola ng breakfast, ang niluto niya ay pancake, egg, bacon, at hotdog. Ang dami nga eh, eh kami lang naman ni lola ang kakain.

"Apo kailan mo balak simulan ang pamamasyal dito sa probinsya?"

"Mamaya na po lola. Diba po may falls po kayo dito?" Manghang tanong ko kay lola.

Nabasa ko kasi kanina sa isa sa mga libro tungkol dito sa probinsya na may falls daw dito. Ito daw yung pinaka sikat na dayuhin ng mga turista dito kaya lang bihira na sila pumunta kasi masyadong tago yung falls. Yung pangalan nga pala nung falls ay Collora Falls (A/N: gawa-gawa ko lang po yan ahaha).

"Ah yung Collora Falls ba? Pwede naman dun apo kaya lang sasamahan ka ni James at Jomar" suggestion si lola saakin.

"Sino naman po sila lola?" nagtatakang tanong ko kay lola.

"Makikilala mo sila mamaya" makahulugang ngiti ang ipinakita saakin ni lola.

"Sige po"


KAKATAPOS ko lang mag ayos ng dadalhin ko sa Collora falls at pababa na ako pero nakita kong may kausap si lola na dalawang lalaki kaya lang bata pa yung isa parang nasa around 7 or 8 years old, tapos yung isa para kasing edad ko lang din siya. Maputi, malaki ang pangangatawan, gwapo din naman, at matangkad, mukha din namang mayaman. Pwede nang maging boyfr—WHAT? Nooo! Delete delete delete! Ano bayan beth kung ano-ano nanaman ang iniisip mo hayst! Pati pa yung taong hindi mo kilala pinapantasya mo—

"Apo! Ayos kalang?"

"Ay poging macho!" Gulat na sigaw ko.

Napansin kong nakatingin sila saakin lalo na yung lalaking pinapantasya ko—este lalaking kausap ni lola kaya tinakpan ko na agad-agad yung bunganga ko. Gosh! Nakakahiya lalo na at naka ngiti pa saakin yung lalaking yun. Pero ang gwapo niya ah.

"Hay nakong bata ka, halika na't ipapakilala pa kita sakanila." sabi ni lola saakin bago niya ako hilain papunta sakanila.

Ako? Nakayuko parin ako dahil sa kahihiyan na nagawa ko. Waaaa! Sana lamunin nalang ako ng lupa dahil sa kahihiyan na nagawa ko.

Nakakastarstruck naman kasheee si kuyaaaa...

"Beth ito nga pala sina james at jomar sila yung pinagkakatiwalaan ko dito sa farm, at magkapatid sila. James at jomar siya si beth anak siya ni Elmir, kaya ingatan niyo siya ah" bilin ni lola sa kanila.

Samantalang yung Jomar na yun nakatitig parin saakin habang hindi maalis yung ngiti niya saakin. Si james yung maliit at jomar naman yung nakatingin saakin.

Just The Way You Are (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon