CNW 24: Worried

9.1K 527 19
                                    

Pagbalik ko 'don ay isa lamang ang sumalubong sa akin. Ang buo at pinagsama-samang guilds habang nasa likod ng mga ito ang mga mamamayan na para bang hinihintay ang aming pagdating. Syempre, sino-sino pa bang mangunguna?

“May balak ka pa palang bumalik, 'no?” I know Red was just joking, but his seriousness tells me otherwise. I mean, pabiro nyang sinabi ang salitang 'yan pero alam kong galit ito. I bit my lowerlip as I put both of my hands to the air like I was surrendering. Oh-kay…

“What did I told you, Nightingale?” Mula sa mga likod nito ay dahan-dahang naglalakad si Dustine na sobrang sama ng ekspresyon ng mukha. Napaatras ako. Shit. Patay talaga ko rito. “Ang sabi ko bumalik ka pagkayari ng gawain n'yo.” I bit my lowerlip agaim before I speak.

“E—Eh… kasi 'yung boss nga, 'di ba?” My voice even trembled because of fear at him, at them. Mas lalong naningkit ang mata nito. Sa likod ng mga ito ay unti-unting nagsisialisan ang mga nandoon kanina upang bigyan kami ng privacy. Errrr…

“At hindi mo manlang kinonsulta sa'min kung ayos lang ba kaming makipaglaban ka sa boss na 'yon. Take note, level 50 boss from a special quest. Level. Fvcking. Fifty.” Napayuko ako. Alam ko naman eh. Pero… aish.

“B—Biglaan kasi…” Mahina at nauutal kong sabi. Alam kong kasalanan ko ito at sana'y sinabi ko kaagad sa kanila, pero 'di ba napilit lang ako? Di ba? Diii baaaa?

I saw Weston tapped his shoulder and whispered something. Narinig ko iyon dahil mas matalas ang pandinig ko ngayon. I heard Weston said that he should calm down because he's scaring me. Nang tumingin si Weston sa akin ay ngumiti ako bilang pasasalamat ngunit seryoso nya lang akong tinignan. I bit my lowerlip again as I lowered my head. Shit, pati siya… mali… lahat sila.

“I don't want this to happen again.” Dustine said before he turned his back on me. Tumango ako habang nakayuko pa rin. I'm not regretting that we killed the boss even though we're just two. What I regret is that I should've told them even though I know they won't let me.

Akala ko'y aalis silang lahat at iiwan ako, ngunit naramdaman ko ang presensya ni Yvonne bago ko naramdaman ang yakap nito sa akin. “I was so worried. All of us. Thank god you came back safe.” Bulong nito na may halong pag aalala ang kanyang boses. Nagluha ako, ngunit napangiwi ng sadyain nyang hawakan ang sugat kong nadaplisan kanina. “Except this.” Dagdag nya. Kimi akong ngumiti. Bumitaw naman sya sa akin at sinimulang gamutin ang sugat ko.

Napatingin ako sa likod nya at nakitang andon sila Red na naglalakad palapit sa amin. Seryoso pa rin ito at nang makalapit sa akin ay tinap nito ang ulo ko ng isa… dalawa… tatlong beses, mabagal, habang nakatingin sa akin.

Then he sighed. “Intindihin mo na lang si Dust, s'ya ang leader na'tin at responsibilidad ka nya, lahat tayo. Of course, he'll feel bad if something happens to you. Basta 'wag mo ng uulitin.” Ginulo nya ang buhok ko bago nya 'yon hinalikan. “D—mn girl, you made me worried.” Bulong nya. Yumakap ako sa kanya na parang bata.

“Sorry, kuya ko.” Bulong ko at hinigpitan ang pagkakayakap. Yumakap din sya bilang ganti.

“Red, ako naman!” Sabi ni Marky bago ko naramdaman ang pagpipilit nitong alisin ang yakap ng kuya ko. Narinig kong nakiagaw rin si Kayne habang nilalayo ako ni Marky dito. Napangiti ako, at nagawi ang tingin ko kay Stanley na nakapamulsa sa likod at malayo ang tingin, sa tabi nito si Weston na nakatingin sa akin at tinanguan ako nang ako'y ngumiti.

But my concern right now is Stanley.

“S'ya ang pinakanag-aalala sa prinsesa n'ya kanina. Alam mo bang gusto pa nitong sumugod para lang hanapin ka? Nasuntok tuloy ni Capt.” Bulong ni Kayne nang makita ang tinitignan ko. Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Stanley. Binitiwan ako ni Kayne at bumulong na puntahan ko raw kaya't hindi ako nagdalawang isip na tumakbo rito.

Conquerors of the New World ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon