Chapter 2 : Endless Tunnel

2.5K 156 33
                                    

CHAPTER 2

NIANA'S POV






HINDI KO alam kung saan ako napunta.

Maraming tao at nasa harapan ako ng isang malaki at mataas na gusali.

Lahat ng taong nasa paligid ko, kung hindi camera ang hawak, kaniya-kaniyang mic na may iba't ibang tatak at disenyo. Doon ko lang napansin na may mga ID lace silang nakasuot sa leeg at may mga print din ang suot nila ng salitang Media. Some of them also have earphones.

Para rin silang may hinihintay na lumabas mula sa building na nasa harapan namin.

Fudge. How did I get here? Hindi naman siguro ako nananaginip 'di ba? It is so vivid. Maraming tao sa lugar kung nasaan ako. Naririnig ko rin ang mga bulong nila kahit hindi malinaw at hindi ko naiintindihan. Nararamdaman ko ang patag na sahig na inaapakan ko at nararamdaman ko rin ang paminsan-minsang pagdaan ng hangin sa balat ko. How can a dream be this clear?

Wait.

Please don't tell me na nasa future ako because that's nonsense. I can only see the future. Pero hindi ako napupunta sa future sa mga past vision ko. This is insane kung nasa future nga ako. This is a damn fudge I should be panicking right now.

"This is ABV Channel 28, we want to interview Sophia," rinig kong saad ng isa sa mga taga-media. Babae siya at may kasama siyang lalaki na may nakapatong na camera sa kanang balikat. Nakatutok ang camera sa babae habang patuloy itong nagsasalita.

Instead of finding a way to get back in my class, I dared wonder kung anong pinagkakaguluhan nila dito. Mukhang importanteng-importante dahil ang daming media na naka-antabay. Siksikan na rin dahil lahat sila gustong makapunta sa unahan.

"Ma'am, you're not allowed to interview Sophia," saad ng isang matangkad na lalaking tila bodyguard. Napansin ko agad na bodyguard siya dahil naka-suot siya ng itim na uniporme. Matikas din ang tayo nito at malaki ang katawan. Halatang guard siya. Marami sila na nakalahad ang kamay upang itaboy ang mga taga-media. Pinipigilan nila ang mga 'to na makapunta sa entrance ng building.

Nasaan ba talaga ako? Nagpalinga-linga ako at tiningnan maigi ang kabuuan ng lugar.

Hindi ako pamilyar dito kaya for sure, never pa akong nakarating sa lugar na 'to dati. Kung future man ito, nakakapagtaka kung paano ako napunta dito. Beyond my limits na ito dahil nakakakita lang ako, hindi ako nagpupunta sa future. Am I a time traveler now?

"Yes, yes. But we're here to take a bit of her side. We want to know if it's true that she can talk naturally or if it's just scripted," mapilit na sabi ng isa pang taga-media. Iba pa siya sa naunang babaeng lumapit sa mga guard kanina.

"We don't accept interview for today, sorry," sagot naman ng guwardiya. Walang emosyon ang boses nito at mukhang wala talaga silang balak na padaanin ang mga reporter kahit ano pang tulak ng mga ito sa kanila makapasok lang sa entrada ng gusali.

Mas lalo tuloy akong na-curious kung sino bang inaabangan nila. Kung sino 'yung Sophia na gusto nilang interview-hin. Model kaya siya? Artista? Politiko? Bakit ang daming gustong makapanayam siya? Bantay na bantay pa siya ng mga guard at desididong itaboy ang lahat para lang hindi siya malapitan ng kahit sino.

Suddenly, from the glass door of the building which happens to be the entrance, may lumabas na mga personnel. Marami sila at halos lahat sila naka-shades din. Some of them wear tuxedos and earphones na mukhang for reporting purposes—a means of communication. Mukha silang mga pulis o bodyguard version two ng mga naunang bodyguard sa labas ng building.

Precognition (Published by PaperInk Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon