Chapter 47 "Target's Location (part 2)"

36.7K 1.4K 304
                                    

Liryu's POV

Nilaro ko ang mga daliri n'yang nakalapat sa kama. Halos magaling na lahat ng sugat n'ya pero hanggang ngayon, hindi pa rin s'ya nagigising. Napapasarap yata masyado ang tulog n'ya. Tsk.

"Buhay pa ba talaga 'yan?"

Tinignan ko ng masama si Zhyle n'ong nagsalita s'ya. Nagtaas naman kagad s'ya ng dalawang kamay at tumabi kay Seiki. Lumapit si Kairen at pinagkatitigan sa mukha si Sai.

"Maganda nga s'ya, 'no?" sabi ni Kairen.

"Lumayo ka nga sa kan'ya."

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at tinulak pa ng mahina si Kairen palayo bago ko inayos 'yong kumot kay Sai.

"'Yan ba ang thank you mo sa 'min?" Tatawa-tawang tanong pa ni Kairen sa 'kin.

"Binayaran kayo, 'di ba? Hindi ko kailangang magpasalamat."

Ang grupo nila ang tumulong sa 'min n'ong gabing 'yon. Okay na sana at magte-thank you nga sana ako kung hindi ko lang nalaman na binayaran sila ni Mirco para gawin 'yon. Pinaglalaruan ba ako ni Mirco? Pagkatapos n'yang kunin sa 'kin ang girlfriend ko, ibabalik n'ya ng may tama ng bala sa katawan?

"Liryu Marcus, ang inutos lang sa 'min ng 'best friend' mo ay dalhin kayo sa ligtas na lugar. Dinala na namin kayo sa rest house na 'to at pinagamot pa namin 'yang girlfriend mo kaya hindi ba oras na namin para umalis?" Tanong ulit ni Kairen. Hindi ko sila tinignan at nanatili lang kay Sai ang tingin ko.

"Umalis na kayo. Hindi ko naman kayo pipigilan."

"Hah. Ibang klase talaga."

"Sabihin n'yo na rin sa amo n'yo na layuan na n'ya kami."

"Hindi kami messenger. Isa pa, madami kaming amo. Dahil kung saan may pera, do'n kami."

Lumingon ako n'ong narinig ko 'yong sinabi ni Kairen. Ngisi n'ya lang ang huli kong nakita bago sila tuluyang nakalabas ng kwarto. May mali dito. Sa loob ng tatlong linggong nandito kami, ngayon lang sila nagtanong kung pwede na silang umalis.

"Keep safe, Marcus! Sa 'yo na 'yong kotse ko! Makakabili na ako ng sampung gan'yan," isang sigaw pa ni Kairen habang tumatawa. Engine na lang ng kotse at kaskas ng gulong papalayo mula sa rest house kung nasa'n kami ang narinig ko. Tinignan ko ulit si Sai.

Malalim pa rin ang tulog n'ya at hindi pa rin nawawala 'yong kunot n'ya sa noo. Parang nananaginip na naman s'ya ng masama. Hinawakan ko ulit s'ya sa kamay.

"Magpagaling ka na, Sai..."

Pag magaling ka na, iuuwi na kita sa inyo... Saka ko haharapin si Mirco.

Shunrei's POV

"Sigurado ka bang may alam si Liryu dito?"

Hindi ko pinansin ang tanong ni Matt na nasa passenger's seat. Madilim na at nakatingin lang ako sa daan habang nagda-drive. Wala na akong oras para isipin kung inosente si Liryu Marcus o hindi. Isa lang ang sigurado ako. Alam n'ya kung nasaan si Hime.

"Kapag nakita na natin s'ya, anong gagawin mo?"

"Babalian ko s'ya ng leeg, Matt."

"Bakit ba ang laki ng galit mo sa kan'ya? Parang boyfriend lang ng kapatid mo, eh."

"Tss."

Boyfriend lang? Hah. Kung makapagsalita s'ya-

"Wait, what?"

Tumingin ako kay Matt ng nakakunot ang noo. Anong pinagsasasabi n'ya? Anong boyfriend?

"Ha? Ah, wala. Liliko ka na, oh. Tumingin ka lang sa daan, Shunrei."

PEP2:The Dark-Eyed Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon