Chapter 48 "Unexpected Reunion"

47.1K 1.8K 946
                                    

Liryu's POV

Napadilat ako nang may narinig akong mahinang tunog. Lagpas alas-dose na ng madaling araw at naputol ang mababaw na tulog ko dahil sa kung anong bagay na narinig ko. O.. wala naman talaga akong narinig? Nagiging praning na ako. Iniisip ko na bigla na lang may pupunta rito at kukunin si Sai.

Umalis ako mula sa pagkakadukmo ko sa kama at tumingin kay Sai na tulog pa rin. Tulog s'ya pero ngayon, nakapatong na 'yong isang kamay n'ya sa ulo ko. Napakurap ako ng ilang beses na parang hindi makapaniwala.

Nagising ba s'ya?

"Sai?"

Walang response. Hindi s'ya gumalaw kahit konti. Natatandaan kong hawak ko ang kamay n'ya bago ako nakatulog. Sigurado akong gumalaw s'ya kanina.

Beep. Beep.

"Anong tunog 'yon?"

"Nanggagaling sa radyo ko, p're."

"Patayin mo."

Napalingon agad ako sa paligid n'ong makarinig ako ng mahihinang bulungan. May tumutunog din ng 'beep' ng paulit-ulit. Napatayo agad ako sa inuupuan ko. Sh*t. May ibang tao.

Beep. Beep.

"Patayin mo, lintik!"

"Hindi ko mapatay."

"Sirain mo."

Mahina lang ang boses ng dalawang lalaking nag-uusap pero sigurado ako kung nasaang parte ng bahay sila. Nasa may bandang kusina. Kailangan pa nilang dumaan sa sala para makita 'yong pinto ng kwarto kung nasaan kami.

"Bwisit talaga. Baka pumalpak tayo," bulong pa ulit ng isa bago ako nakarinig ng bagay na hinagis sa sahig at binagsakan ng mabigat na bagay o tinapakan. Hindi na ako nagsayang ng oras. Agad kong kinuha ang jacket at rifle ko na nasa lalagyan. Sinukbit ko ang rifle sa balikat ko at pinatungan ko naman ng jacket si Sai bago ko s'ya binuhat in bridal style.

Tahimik kong binuksan ang pinto ng kwarto namin. Tatlo lang ang pwedeng daanan sa bahay na 'to. Ang front door, back door at bintana. Sa sitwasyon namin, hindi ko kayang dumaan sa bintana habang buhat si Sai kaya wala ng ibang choice kundi ang front door.

Pinag-aralan ko muna ang paligid bago ulit ako kumilos. Dalawa ang nasa kusina. Hindi ako sigurado kung meron sa front door pero may nakikita akong anino galing sa liwanag na lumulusot sa ilalim ng pinto. Pumikit ako sandali para makapag-concentrate.

"'Yong lalaki lang."

"Tuluyan n'yo na 'yong babae."

Rinig na rinig ko ang sarili kong paghinga habang kabadong tinitignan ulit ang paligid. Madami na akong naririnig na yapak at boses. Hindi ko sila mabilang. Mukhang nakapalibot sila sa buong bahay. Kung gising lang si Sai-aish.

Paano nga ba nila nalamang nandito kami? Sino ba 'tong mga 'to? Tauhan ng tatay ni Mirco? Bakit ako ang gusto nilang makuha at hindi si Sai?

"D'yan ka maglibot. Dito ako sa taas."

Sumilip ulit ako sa konting awang ng pinto. Papunta na dito 'yong isa. Sumandal ako sa gilid at hinintay s'yang pumasok. Ibinaba ko rin muna si Sai.

Mukhang ngayon na lang ulit ako makakasuntok.

Dahan-dahan n'yang binuksan ang pinto. Itinutok n'ya pa ang dala n'yang baril sa kung saan. Madilim sa kwarto at mahihirapan kang makakita kung hindi pa nasasanay sa dilim ang mata mo.

Kung saan-saan n'ya pa tinutok ang baril. Muntik pa nga akong mahagip. Tensyonado naman pala 'tong isang 'to.

Narinig ko s'yang bumuga ng hangin na parang nakahinga ng maluwag. Ang duwag. Tsk.

PEP2:The Dark-Eyed Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon