Chapter 47 ♬ The Revelation (Family's Secret)

47.6K 875 74
                                    


(A/N: ok sasagarin ko na ang mga revelations haha pasensya na kung medjo mdrama yung mga huling chapters pero this time last revelation na 'to at tayo'y magmo2ve-on na sa LOVE )

Dedicated sa kanya. Thank u thank u thank u talaga for supporting my story!

Chapter 46 continuation....

***

Chapter 47

(Not super Revised & Edited. Dispensa mi amigos. LOL.)

Serene's POV

Napalingon kaming lahat sa mga dumating. Sobrang dami ng mga lalaki at nakapila sila sa dalawang linya na para bang naglalakad sa isang army style. Naukupa nila ang buong hallway at sa mga mukha pa lang mukha ng nakakatakot dahil sa mga suot nilang itim na damit at may mga hikaw sa mukha. Gangster na gangster ang look at mukhang anytime handa na para makipaglaban. Pero ang mas kinagulat ko ay ang biglaang pagyuko nila sa harapan namin.

Tinignan ko sila mama pero parang napakanormal lang sa kanila ito. Ibinaling ko muli ang tingin sa kanila, nag-iisip kung ano ba talaga ang nangyayari dito nang bigla nilang hinawi ang daan at nakita ko ang sagot sa tanong ko ng dumaan ito sa gitna papalapit sa kinatatayuan namin.

"It's nice to see you again Lady Magdaleine."

"Same to you my dear friend, Jena."

Tama ba ang narinig ko? Si mama at si Lady Magdaleine magkakilala?? Mas lalo pa akong nagulat ng makita silang nagngitian sa isa't isa-- isang bagay na hindi normal sa kanila para gawin.

Lumapit sa akin si mama at saka hinawakan ako sa balikat. "Magdaleine I want you to meet Serene, my daughter."

Sa pagkakasambit ng pangalan ko, doon lang ako napansin ni Lady Magdaleine. Halata ang gulat sa kanyang mga mata pero nakita ko pa rin syang ngumiti para kay mama. Pagkatapos saka ko lang napansin na kanina pa pala nakatayo si Nathan sa likod nya.

Pati si Nathan?! Anong ginagawa nya rito?! Napahawak naman ako sa GClef pendant na suot ko sa dibdib na tila ba nakasanayan ko ng hawakan sa tuwing kinakabahan ako.

"I'm giving you three days Serene para makapag-isip. I really really like you for my grandson" --Lady Magdaleine.

Huwaaaat?!! Muntik ko ng makalimutan! Anong araw na ba ngayon? Tama, ito na ang ikatlong araw. Di kaya-- oh no! Nandito ba sila para ipagkasundo kami?

Lady Magdaleine's POV

Si S-Serene ang anak ni Jena? Pero hindi maaari--

(way back to 'Chapter 44: Puzzle Pieces')

Ano na nga ba ang pangalan nya ulit? Clarene? Corine? Noreen? tsk sa tagal ng panahon mukhang nakalimutan ko na nga talaga. Basta ang alam ko ang tunog ng huli nyang pangalan ay 'rin'

 

What? sya nga? Se'rene'-- 'rin'. Serene Lopez. Bakit hindi ko naisip yun? sabi ko na nga ba pamilyar ang mukha nya. Pero bakit? sa yaman ng pamilya nila bakit nasa mababang Section at estado ang nakatala sa mga papeles nya na pinahalungkat ko? This can't be. Sya pa man din ang gusto ko para sa apo ko pero hindi maaari. Masyadong magulo ang buhay ng mga Avana at Lopez ayaw ko ng madawit ang pamilya namin dahil doon.

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon