ZEY'S POV
"Ahh!Nakakapagod!"sigaw ni Pier
Lahat kami ay nakaupo sa sahig ng isang room na malawak...Di ko alam kung saan ginagamit ng school to..Pero ayos na rin para may malawak na tulugan.
"Seryoso ba to?Magkakasama tayong matulog sa iisang bubong?I don't like that idea.."maarteng sabi ni Misty
Napairap naman ako
"Arte.."bulong ni Diel
"Teka...Saka hindi pa nga tayo nakain eh..Wala bang may dala sa inyo ng pagkain diyan?"iritang tanong niya
Nang mabanggit ni Misty ang pagkain ay saka nag imikan ang iba...
Hanggang sa may dumating na isang delivery man kaya natahimik kaming lahat..
"Uhm?Delivery po?"
Napangiti naman ako at tumayo na ng nakataas pa ang kamay.
Napatingin silang lahat sakin.
"That's mine..."sabi ko saka nagakad palapit sa pintuan..
"3,859 po ma'am.."
Agad kong binigay ang buong 4,000 sa kanya at hindi na hiningan ng sukli...
Naglakad na ko pabalik kila Diel at naupo ulit sa kinauupuan ko kanina..
Nanatili pa ring tahimik ang paligid..
"Oh!"abot ko sa kanilang tatlo ng pagkain..
"H-ha?"gulat na tanong ni Deil
Napairap naman ako at naglabas na ng pagkain saka nagsimula ng kumain...
Ganun na rin ang ginawa ni Diel at nagkatinginan muna si Yumi at Deil bago kumuha na rin ng pagkain..
Tahimik lang kaming nakain at tahimik lang din ang nasa paligid namin kaya napatingin ako sa kanila..
Nakita kong lahat sila ay nakatingin sa pagkain..
"Wala kayong balak kumain?"tanong ko sa kanila
Napatingin ako kay Liam na nakatingin lang sa pagkain at hindi pinansin ang tanong ko
Paniguradong gutom talaga ang lahat dahil sa dami ng trinabaho namin dito sa campus na to...
"Uhmm..Bibigyan mo ba kami Zey?"lumulunok na tanong ni Pier habang nakatingin sa pagkain
Naatingin ako sa kanya at napatingin din sa pagkain bago binalik ang tingin sa kanya
"Ahh?Gusto mo ng pagkain?"
Napangisi ako ng mabilis na tumango siya at nakamasid lang ang iba sa amin
"Hmmmn..."Napatango tango ako at sinenyasan siyang lumapit at mabilis naman siyang gumapang palapit samin..Oo tama...Gumapang...Ang galing diba?
"Gusto mo ba talaga ng pagkain?"bulong ko sa kanya
Nakangising tumango naman siya
Kinuha ko ang isang burger at binuksan yun saka itinapat sa bibig niya
"Say ahh..."nakangising sabi ko
Ngumanga naman siya with sound pa ng pag- "ahh" niya kaya dahan dahan kong inilapit sa bibig niya yung pagkain at tumingin sa mga nasa likuran niya
Natawa ako sa isip ko ng makita ang itsura ni Mitsy at Liam
Gutom na gutom na sila bes!
Nang malapit na sa bibig ni Pier ang pagkain ay agad kong nilihis ang kamay ko at kinagatan ang burger..
BINABASA MO ANG
Weston High | On Hold
Teen Fiction"What you think is not necessarily what you think..." Welcome to Weston High where bullying transfer students is LEGAL. Where violent acts is somehow LEGAL. While being inlove felt so ILLEGAL. ------ T.W!: This story is personal and unedited, with n...