Chapter 21

3.5K 88 5
                                    


Halos hindi siya mapakali habang hinahanap niya si Kirsten hindi niya ito mahagilap, Tinangka niyang tawagan ang phone nito pero out of coverage. Pumunta siya sa balcony at nakitang may nakaupo sa bench nakatagilid ito kaya hindi masyado maaninag kung si Kirsten nga ba ang nakaupo. Lumapit pa siya at nakitang masayang nakikipagkwentuhan si Kirsten kay Matt. Nag-init ang ulo niya sa nadatnan, gusto niyang kaladkarin si Kirsten. Hindi siya nito kinakausap ng maayos nitong mga nakaraang araw at pagkatapos ay makikita niyang magiliw itong nakikipagkwentuhan kay Matt.

"Kirsten! Why did you left?" Naninitang sabi niya.

"Nag-eenjoy kang kausap si Jordin, baka kasi nakakaistorbo ako." Sarkastikong sabi ni Kirsten.

"You know Jordin was the one who came to me, I didn't talk to her intentionally." Pagpapaliwanag niya.

"Fine! Paris you do not need to explain." Naiinis na rin siya.

"Hey you two you can take it at home." Saway ni Matt.

Tumingin silang dalawa kay Matt.

"Matt what are you doing here?" Naiiratang sabi ni Paris

"I'm invited remember? You're the one who asked me to come."

"Oh I forgot about that' why don't you talk to Mr. Lee. He's inside." Sarcastic na sabi niya gusto talaga ito itaboy nang masolo niya si Kirsten at ayaw niyang makitang nakikipagkwentuhan ito sa ibang lalake kahit pa si Matt iyon.

"Ok.." Lumapit ito kay Kirsten at kinuha ang kamay at hinalikan nito iyon.

Nashock siya sa gesture ni Matt, Nagyon niya lang nakitang umakto ng ito ng ganito.

"I enjoyed talking to this beautiful lady, Till then Kirsten." Nagpaalam at pumasok na ito sa loob.

"See you around Matt." Ngumiti siya rito.

Natawa ng pagak si Paris. Lahat ba ng kaibigan niya ay nabighani na kay Kirsten. Hinawakan niya si Kirsten sa kamay.

"You will not leave my side again." Hinipigtan ang hawak sa kamay niya

"Ano ba bitiwan mo nga ako. Gusto ko na umuwi."

"No! Not when I said so!"

"Kung hindi pa tayo uuwi dito na lang muna ako, sabihan mo na lang ako pag uuwi na tayo wala kong panahon makipag salamuha sa mga katulad niyo."

"What? mas gusto mo dito so you can flirt with Matt? ganun ba Kirsten?"

Sinampal niya ito. Sumosobra na ito kung makapag bintang sa kanya. Madilim ang anyo nito halatang galit na galit sa ginawa niya.

Kinaladkad siya nito.

"Paris ano ba nasasaktan ako, Hindi mo ko kailangan kaladkarin kayong kong maglakad mag-isa." Napataas na ang boses niya. kahiya hiya pag may nakakita sa kanila siguradong mababalita na naman sila sa dyaryo.

"Let's go inside."

"Paris let' me go! At least let me be alone in the comfort room will you?"

"Just make it fast don't make me wait." Pagbabala nito.

Hinayaan na siya nito makapunta sa comfort room. Dahilan niya lang talaga ito para makaalis sa tabi nito.

Paglabas niya ng comfort room ay may humarang sa kanyang babae mukhang nasa mid 40's ang edad.

"Oh hija andito ka lang pala kanina ka pa hinahanap ni Ferds!"

Hinila siya nito

"Sandali lang po nagkakamali po ata kayo ng hinahanap."

Under His Skin (Hiatus)Where stories live. Discover now