#NoGunsNoEntry Midnight Bwisit-a

44.6K 1.2K 895
                                    

Love is love. Kaya may dedicated akong story para sa mga taong walang pinipiling gender sa pagmamahal. Short story lang. Check out niyo habang nag-aantay ng update after nito. hohohoho Lihim ni Lan po title :)

Winner will be announce sa end ng update :) Mwah!


A midnight update for a midnight bwisit-a! :P

-----

"Oh shit... That... That is so good... Damn. What the... so good."

May ilalaswa pa ba itong pinanunuod ni Neon? Kung pipikit kasi ako hindi cooking show ang maiisip ko.

Super comfortable siya habang nakataas ang paa sa center table, nakaupo sa sofa at may hawak na isang bowl ng popcorn. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip nito at gustong-gusto na sumama kahit saan ako pumunta. Kanina lang magkasama kami. Ngayon biglang pupuna ng unannounced sa bahay at magyayayang manuod ng cooking show.

Walang sabi-sabi na tumayo ako at naglakad papunta sa grand staircase. I want to be alone in my room. I guess natutulog na din sila Thres and Bea. Those two, para silang magkalarong mga bata kung mag-asaran.

"Wait. Hindi pa tapos iyong show. Tataas ka na agad?" pigil sa akin ni Neon.

"Go home. Hindi ka welcome dito. Inaantok na ko." walang ka-energy-energy na sabi ko sa kaniya. Natawa na lang siya at saka pinatay ang tv. Aakyat na sana ulit ako ng hagdan ng may ihagis siya papunta sa direksyon ko. Agad ko naman itong nasalo.

"What is this for?" I asked. Binigyan niya ako ng isang pirasong strawberry. Kanina pa ba ito nakatago sa bulsa niya? Buti hindi napisat.

"You know what it is." Then it clicked. Ahh.. Oo nga pala.

Walang sabi-sabi na kinain ko ito at umakyat na ulit.

"Wala man lang thank you?!" natatawang sigaw ni Neon ng makitang talagang didiretso ako sa taas.

"Lock the door when you leave."

"Ay nako. Wow. Cold as hell." Halata sa boses ni Neon na naninibago pa din siya sa akin hanggang ngayon. The old me would have hugged him and thank him for a strawberry. The new me still want the fruit but would rather eat it and sleep than thank him.

I can't blame him. Mahirap magbura ng image ng isang tao kung ano siya noon papunta sa kung ano siya ngayon.

Right now, I just want to sleep.

Habang nag-hihilamos ay naalala ko ang sinabi ni Thres kanina ng sabihin kong makikipagkita ako kay Gabby ng walang kahit na sinong bodyguard.

"Puta. Kung may death wish ka, ako na lang papatay sayo. Mas mabilis pa. Hindi mo na kailangang pumunta sa themed park."

May punto siya. Seeing Gabby alone is dangerous, pero may nakakalimutan si Thres. Yes, maybe Gabby is evil, but baby... I came back from hell. Sinuka ako ng demonyo pabalik.

Kakailanganin niya ng higit pa sa baril para patayin ako, dahil hindi siya ang papatay ulit sa akin. I came from the dead with one goal, make her pay.

~Once I was seven years old~

Napatingin ako sa phone ko na nakapatong sa tuwalya ko. Pinatay ko kaagad ang gripo dahil kanina pa pala ako nakatitig lang sa malakas na current ng tubig mula dito. Who would call me at this hour? The number is unknown.

"Whoever you are, this should be a life and death situation dahil tang'na mo. Matutulog na ko."

"Open the door. May ibibigay ako."

No Guns, No Entry | Gangster Academy: Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon