Chapter 50 ♥ Haunting Memories

21.4K 374 99
                                    

A/N:

Dedicated sa kanya ♥ Sorry dear kung hindi ako nakapagreply sayo sa message board. But I just wanna tell u that i appreciate your message for me. Thank you so much ♥ Keep inspiring always! Mwuah! 

Enjoy Listeners! 

♥♥

Pietr's POV 

Masaya akong nakipagkamay sa mga board of directors na bumabati sa akin. Ang lalaki ng mga ngiti nila at todo sa papuri dahil sa iprinesenta kong presentasyon sa kanila. Sa buong kwarto dadalawa lang ang mukha na hindi ko nakikitang masaya, si Jace at ang sekretarya nya na kung hindi ako nagkakamali ay nagngangalang Aiden. 

Taas noo akong umayos ng upo sabay ayos ng suit ko. Ngimisi ako sa kanila. Kung nakakamatay lang siguro ang tingin, duguan na ako ngayon sa kinatatayuan ko. Ang mga mata nila sa akin, napakatalim. 

May isang matandang lalaki ang lumapit sa akin. Ang laki ng ngiti nya, buong puso ko in itong ibinalik. Dahil ang matandang ito ang bubuo sa mga plano ko... si Mr. Tolentino na nagbigay sa akin ng additional ten pecent nya sa akin. 

"I'm sorry for making you wait for my decision to be finalize Mr. Ashen. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng oras para makapunta rito sa office para masabi sa lahat kung ano nga ba ang desisyon ko. We've been in a vacation for two weeks but turns into a month vacation. Yung anak ko kasi eh, masyadong daddy's girl." 

"No worries Mr. Tolentino," tinanggap ko ang kamay nya at nakipagkamay. "In fact, I should be the one saying 'thank you'. Thank you for your support. Thank you for entrusting me your shares in the company." 

"Of course. I always prefer the best of the best." Pabiro nya akong kinindatan sabay tapik ng likod ko para magpaalam. "Ikamusta mo na lang ako sa papa mo. Oh I miss playing golf with him."

Tumango ako sa kanya. Hindi nya kailangang malaman na matagal na akong koneksyon sa ama ko. Pagkatapos ay tuluyan na syang nagpaalan sa akin. I know that he is a busy person, and so am I. 

Bumalik ako sa kinauupuan ko at umupo. Itinaas ko ang mga paa ko sa mesa sabay patong ng pinagdaop na mga kamay sa dibdib ko. Forty percent lang ang share ko sa company noon pero dahil kay Mr. Tolentino, ngayon fifty percent na. Pantay na kami ni Jace, parehas na kami ng karapatan at kapangyarihan pagdating rito sa kumpanya.

Ang meeting kanina ang isa sa mga hindi ko makakalimutan. Nagkaroon kasi ng botohan kung sino ang pipiliin na magiging bagong presidente. Dahil sa mga koneksyon at dahil na rin sa mabubulaklak na salita, noon pa man ay naligawan ko na ang mga board of directors. Magaling si Jace. Bilib ako sa talino nya. Ang problema lang sa kanya, hindi sya palakaibigan. Masyadong tahimik, masyadong masikreto. Para syang may sariling mundo at mas lalong hindi sya mahilig makisalamuha sa mga tao. Iyon ang isa sa mga nakita kong bentahe at butas para matalo sya. 

Tumingin ako sa buong paligid, isang kwarto lang pero napakalaki, napakaluwang at bukod pa roon, napakataas ng ceiling. Ano bang klaseng disenyo ang meron dito. Halos lahat kulay puti. Nakakabagot. 

Ako na lang mag-isa ang narito dahil lumabas na silang lahat. Ngayon hindi na lang ako nakikihati, ako na ang may mas kapangyarihan. Dahil magmula ngayon, ako na ang bagong presidente ng kumpanya. Isang malaking ngiti ang sumilay sa mga labi ko. 

Pagkalabas ko ng kwarto sinalubong ako ni Aries. Bukod sa isa sa mga pinakapinagkakatiwalaan ko, sya rin ang isa sa mga kanang kamay ko. Si Lynx ay inutusan ko muna sa ibang lugar dahil hindi sila nagkakasundo ni Aries kung minsan. Mabuti na rin ang ganito. Hindi ko rin naman kailangan ng maraming kasama. Tama na ang isa sa akin. 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon