CNW 36: Lost City

8.4K 557 71
                                    

I was looking at the little wolf in front of me. Kanina pa ito hikab ng hikab at kanina ko pa rin ito pinapanood, nang hindi umaalis sa kanila ko pang pwesto. He's just too adorable seeing his sleepy expression.

Nandito pa rin kami sa pwesto namin kanina at hindi umaalis. Sa aking naririnig ay pinag uusapan nila kung sino-sino ang may mga kailangan ng mga nakuha naming drop ng boss at dahil mas interisado ako sa pet na nakuha ko ay hindi na ako sumali pa. Naintindihan naman nila iyon. Alam kasi nilang dati pa ay napakahilig ko na talaga sa mga aso.

Napaawang ang labi ko nang bigla itong dumilat, para bang biglaang nagising ang diwa at tumayo. Nagpaikot-ikot ito sa aking harapan ng tatlong beses bago humarap sa akin at tumahol-tahol, he even wagged his tail, pagkatapos ay bigla itong tumalikod sa akin at nagsimulang tumakbo. Oh my…

“Wait!” Sigaw ko at biglaang napatayo. Tumakbo ako upang ito'y habulin. Para bang biglaang nakalimutan ko ang pagod at ang tanging nasa isip ko na lamang ay ang sundan ito. Baka mawala sya! Narinig ko ang pagtawag nila Dustine sa aking likod ngunit hindi ko sila pinapansin.

Natatakot akong mawala ito at baka biglang lapain ng mga monsters na nakakalat dito. Of course, level 1 na sya. Ibig sabihin bumalik sya sa pinakadati at wala itong kaalam alam sa paligid— well, I don't know. Basta sa ngayo'y ayaw ko syang mawala sa paningin ko at baka kung ano ang mangyari sa kanya.

Hindi ko alam kung gaano ko ito katagal na hinahabol hanggang sa dahan-dahang mapahinto ako nang tumigil ito sa pagtakbo, humarap sa akin at tulad kanina ay sunod-sunod itong tumahol na para bang pinapasunod akong muli, bago muling tumakbo at pumasok sa kweba.

Yes. My pet just entered a terrifying cave.

Nagdadalawang isip ako kung papasok ako. Mabuti na lamang at naramdaman ko ang presensya nila sa aking likod. Humarap ako sa kanila at nakitang pagod na pagod ang mga ito at hinahabol pa ang kanilang paghinga. Sabagay, wala pa pala kaming pahinga.

“Where's your pet?” Red asked, catching his breathe. Muli ay tumingin ako sa nakakatakot, napakalaki at napakadilim na kweba sa aking harapan, kasabay noon ay narinig kong muli ang tahol ni Alpha sa loob na para bang inaaya kami. Doon pa lang ay alam na nila ang aking sagot.

“Should we go?” Tanong sa akin ni Stanley ngunit kahit di ako sumagot ay alam na nya ang sagot. He sighed. “Let's go.”

“Baka may monsters sa loob…” Nanginginig ang boses na sabi ni Yvonne.

Stanley sighed, “More reason for us to go inside,” He looks at Yvonne before he tapped her shoulder, “Don't worry, you got me.” Sabi nito at ngumisi, pinakita pa ang muscle nito na parang nagyayabang. Napailing na lang ako.

Narinig kong tumahol muli ang alaga ko mula sa loob. I can't take it anymore. Nagsimula akong maglakad papasok. Mabuti na lang at mabilis silang sumunod sa akin sa loob.

I adjusted my eyes in the darkness. Mabuti na lang din at pinailaw ni Yvonne ang kanyang staff na dahilan upang magkaroon ng liwanag sa aming paligid. Patuloy lamang kaming naglalakad papasok at padilim ng padilim ang paligid. Hindi nagtagal ay bumalik si Alpha na nakalabas ang dila at winawagayway pa ang kanyang buntot.

I can't help it, everytime I mentioned his name on my head, kahit hindi sya ang tinutukoy ko ay mukha nya ang nakikita ko. Kainis.

Maybe I should start calling him, my pet, ‘wolfy’ in my head to avoid any… err… you know.

Natauhan ako ng tatlong sunod-sunod na tumahol ulit si Wolfy. He's wagging his tail as started circling his body like he's catching his tail. Hindi nagtagal ay tumakbo iting muli ngunit hindi tulad kanina ay mas mabagal ito ng kaunti. Para bang sinasadya nya na habulin namin sya dahil may balak syang ipakita sa amin.

Conquerors of the New World ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon