KABANATA 6

1.3K 68 33
                                    

Noong nasa point na ako na tanggap ko nang nag-time travel ang kaluluwa ko, noong nasa point na ako na tinanggap ko nang mamumuhay ako bilang si Ivanna Ramirez, saka ko naman nalaman kung gaano kabigat ang responsibilidad niya.

Sa buong buhay ko, kahit isang beses, hindi ako nakaranas na maging leader. Hindi ako na-i-elect sa mga classroom elections, hindi ako pumapayag na maging leader sa mga group projects at activities. Maski noong nag-college ako— well, 'di naman ako halos pumapasok. Basically, I don't like leading people. I don't want to burden myself with responsibilities.

Ipinatong ko ang ulo ko sa mesa, nakadampi ang kaliwang pisngi sa matigas na kahoy.

Pero ngayon, isang napakalaking responsibilidad ang biglang ibinagsak sa mga balikat ko. Kung lider ng group project, kakayanin ko pa siguro. Pero pinuno ng isang rebeldeng grupo? Paano ko naman magagampanan 'yun? Wala nga akong alam sa pagiging lider at sa pamumuhay ng mga tao sa panahong 'to. Hindi pa nga ako nakakaget-over sa pagkaculture-shock, hindi pa nga ako tapos mag-reality check, dumagdag na naman ang isang pang problema. Kung bakit ba naman ako pa. Sana 'yung mga aktibista nalang sa University ang inilagay nila sa sitwasyon ko. O 'di kaya 'yung mga tambay nalang sa kanto na walang ginawa kundi mang-away ng mga dumadaan para may magawa naman sila sa buhay nila.

Ipinatong ko ang kanang kamay sa mesa, kalebel ng mukha ko, at tinitigan ito. Maski kamay ni Ivanna, ang ganda. Bwisit.

"Bakit naman kasi ang hirap ng buhay na pinasok mo, Ivanna?" I whispered. 'Yan tuloy, nadamay pa ako. Bakit 'di mo nalang pinili ang isang normal na buhay? Sigurado namang hindi lang ikaw ang gustong labanan ang mga Hapon. Siguradong may iba diyan na gagamapanan ang layuning pinasok mo.

Pabida ka rin kasi.

"Binibini?" I rasied my head to look at the person who just arrived. It was the old woman from earlier. Nakangiti siyang naglakad palapit sakin. Now that I got a closer look, hindi pa naman pala siya gano'n ka tanda. Pero halata na ang mga kulubot sa mukha niya. But, she was pretty. Mukhang may lahi. "Paumanhin kung pinaghintay kita."

Pagkatapos kong libutin ang basement ay napagdesisyunan kong bumalik sa unang palapag. Parang 'yung pinagtitipunan ng mga kulto.

"Ayos lang," walang gana kong sagot saka inayos ang pagkakaupo at humarap sa kanya.

I saw relief on her face. "Naaalala mo ba ako, binibi?" she asked.

Malapit rin ba siya kay Ivanna?

Umiling ako. Nawala ang ngiti sa kanyang mukha at napalitan ito ng lungkot. "Totoo pala ang sinabi ng doktor na wala kang maalala."

Hindi naman ako nawalan ng alaala. Hindi kasi ako si Ivanna. Ako si Adeline Cabrera mula sa taong 2018 na sumanib sa katawan ng pinakamamahal niyong binibini.

Lumapit siya sakin at nagulat ako nang hinawakan nito ang dalawang kamay ko. Binigyan niya muli ako ng isang ngiti, "Nakakalungkot man ngunit ang mahalaga ay hindi ka napahamak."

Okay, malapit nga talaga siya kay Ivanna. Kung makahawak ng kamay kala mo close kami.

"Ako si Telma. Aling Telma ang tawag mo sa akin. Ako ang tagapangalaga ng mansyong ito."

Mansyon nga talaga ito. Base sa narinig ko wala kami sa mismong Catarman. Hindi ko alam kung nasaan talaga ako ngayon ngunit sa hilig kong gumala parang wala naman ako nakitang mansyon o ruins ng isang mansyon sa malapit sa Catarman.

"Sa ngayon, kailangang magpahinga ni doktor Spencer lalo na't mahina ang pangagatawan ng batang iyon." Nagsitaasan ang mga balahibo sa batok ko nang binigyan niya ako ng isang makahulugang tingin. "Labis ang kaniyang pag-aalala nang nanatili kang walang malay sa loob ng tatlong araw. Sa sobrang pag-aalala ay nakalimutan na ata niyang kailangan ng tulog ng tao."

IvannaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon