Chapter 48 ♬ Finally! *sigh* with a Smile =)

48.3K 890 79
                                    

 (Dedication: thank u so much for reading my story!! appreciate it so much kung alam mo lang :"> sana po wag kaung magsasawa and hope u'll support this till the end. Godbless po s inyo and also continue inspire other people through your votes and comments

***

Chapter 48

(Not super Revised & Edited. Dispensa mi amigos. LOL.)

 

Dumating ako sa ospital na may naririnig na tawanan sa room number ni Jace. Well that's a good sign dahil ibig sabihin lang nun okay na si Jace. Ilang araw na rin syang naconfine sa ospital at sa tingin ko in a matter of days pwede na syang ilabas.

Pumasok ako sa loob at nakita ko sila Nathan, Shane at Rico sa loob. Teka, asan na naman si Niel? hay minsan talaga napaka-missing in action nya na ngayon.

"Babes!" sabi ni Rico kaya napalingon silang lahat sa akin. 

"O sige Jace alis na kami pare ah nandito na si babes eh." tapik ni Nathan sa likod nya at saka sila tumayo sa upuan at naglakad sa direksyon ko

"Oi teka alis na kayo? Kadarating ko lang ah. Dito muna kayo" 

Minsan talaga ang labo nila.

Pumunta si Shane sa likod ko at hinawakan ang balikat ko."Hindi na may pupuntahan pa kami eh saka," sabi nya sabay lapit ng bibig sa tenga ko "kanina ka pa nya hinahanap." 

Sus. Pero bakit pakiramdam ko yata namumula ako? Narinig ko lang tumawa si Nathan at Rico samantalang si Shane tinulak ako ng konti para lumapit na kay Jace at saka binigyan ng nakakalokong ngiti.

"Goodluck sa inyo." sinabi nya kaso mahina lang.

"Sige babes alis na kami may pupuntahan pa kasi kami eh diba?" si Nathan sabay tingin kay Rico.

"Ah? meron nga ba?" Napansin kong masama ang tingin ni Nathan at Shane sa kanya "Aah.. Oo! Meron nga! Haha... Sabi ko nga meron." 

Inakbayan ni Nathan si Rico at iniharap sa pinto "Sige babes alis na kami bye!" 

"Bye!" nakakalokong ngiti ni Shane sabay apir pa kay Nathan at saka ginulo ang buhok ni Rico.

"Teka sandali! Mamaya muna! Hoy!"

Pero nagmadali na silang lumabas at mabilis na isinara ang pinto. Hmmm... I smell something fishy in here.

"So...um... kamusta?" syempre hindi okay! Ikaw ba namang mabaril diba? What a question.  Ano ba naman kasing klaseng tanong ang pumasok sa utak ko? Pfft. Naglakad ako papalapit dun sa upuan na iniwan ng mga mokong na yun. Bakit ba kasi nila ako iniwan dito mag-isa? Huhu spell AWKWARDNESS??

Tumango lang sya bilang sagot. Weh? as if naman nasagot yung tanong ko dun? Waaah! paano ba magstart ng conversation sa isang lalaki? Napaka awkward lang ng feeling lalo na kapag naaalala ko yung huli kong sinabi sa kanya...

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon