6. Shot ♡♡

143K 3.4K 391
                                    

     Hindi na pumasok si Angela sa mga huli nyang subject nagtext nalang siya kay Maelyn.

     Napapangiti siya dahil alam niya hinahanap na siya ni Dylan sa buong campus.

     Malamang nakakunot na ang noo nito at inis na inis. Hindi pa nga niya nakukuha I.D niya mula rito. As if naman na mapipigilan sya non sa pagpasok.

     Nothing can stop her now... ngayon pa na nakita niya na ang binata. Hindi na nya hahayaan na mawala ito sa paningin nya.

     Mas binilisan pa niya ang pagpapatakbo sa motor.

     Nilibot niya ang San Nicholas gamit iyon. Nagdrive lang siya hanggang sa abutan na sya ng dilim.

     Now tinatahak niya na ang lugar papunta sa kanya mga kaibigan.

     Nakaliko na siya sa Valley 2, iyong lugar na malapit sa gubat at kakaunti ang mga sasakyan na dumadaan. Nang bigla siya sabayan ng itim na Innova. Hindi pa man alam niya na kung ano ang ibig sabihin noon.

     "Shit hanggang dito ba naman!"

     Kinabig niya ang manibela palayo sa sasakyan, kasabay ng pagbukas ng bintana at paglabas ng baril ng mga sakay niyon.

     Nagpreno siya at nauna ang innova dahilan para di sya tamaan ng bala.

     They are wearing a mask, as she expected.

     Sa London palang pinagtatangkaan na ng mga ito ang buhay niya.

     Muli siya tinutukan ng baril ng mga ito.

     Sabay-sabay pa nagpaputok ang tatlong ugok.

     Nagpalipat-lipat siya. Mula sa kanan then sa kaliwa, pagkatapos ay sa kaliwa papunta kanan, para maiwasan ang mga bala.

     "Bwisit! Para paring palos ang babae yan!" Gunman 1

     "Gago! Puntiryahin mong mabuti malilintikan na tayo kay boss. Tatlong buwan na nati tina-trabaho yan babaeng yan. Hindi parin natin mapatay-patay." Gunman 2

     "Tigilan nyo na ang kwentuhan barilin nyo na lang!'" Gunman 3

     Muling nagpaputok ang tatlo na naiwasan naman ni Angela.

     Then sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa mga labi nya at sa labis na gulat ng tatlo ay naglabas din sya ng baril.

     Hindi siya tanga para di magdala ng proteksyon. Kung noon hinahayaan nya lang ang mga ito, iba ngayon.

     Ibang-iba ngayon.

     Nagpaputok siya at pinatamaan ang kaliwa unahan gulong ng innova.

     Nagpagewang-gewang ang sasakyan. Ang sunod naman na pinatamaan niya ay ang gulong sa may likuran.

     Tuluyan ng nawalan ng kontrol ang driver, napunta sa gilid ang sasakyan, hanggang sa bumangga sa isang puno.

     Isang nang-aasar na tawa ang binigay niya sa mga ito.

     Ngunit bago pa sya makalayo nagpaputok pa si Gunman 3. The next thing she felt is a searing pain in her left arm.

     "Damn!" huli na para makuha niya ang balanse. Nawalan narin siya ng control.

      Sa may puno ng mangga na nasa bukana ng gubat sya bumangga.

      She was flying...

       Ipinikit nya ang mga mata, hinanda ang sarili sa sakit na mararamdaman, after the pain everything went black...

His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon