CNW 40: Talks

8.8K 510 37
                                    

Our mission was successful. We were able to complete the quest and we got our reward in which, two rare scrolls, and leave that place. At dahil nga nagsanib pwersa ang dalawang guild ay sa tingin ko'y mas matagal kaming magpapaligoy-ligoy dito sa Lost City bago namin makumpleto ang lahat ng quest.

Iyon nga. Imbis na magsaya ako dahil nga nakuha namin ang balak namin ay wala akong magawa kundi tumunganga at hindi makapaniwala sa nangyari!

Hindi ko maiwasang mapatingin sa singsing na aking suot. This is one of Logica's rewards to us— it was a platinum wedding band. The only difference is that Alpha has a simple one, while mine has diamonds significance as a woman. It perfectly fitted my ring finger and everytime I look at Alpha, I can't help but to think how it perfectly fitted his hand— it just made him manly in more ways I can't even explain.

At tuwing napapatingin ako dito ay hindi ko maiwasang maisip muli ang nangyari kanina.

Well, earlier, Alpha just stole my first kiss.

My first freaking kiss!

“Hey… you okay?” Napatingin ako kay Yvonne nang magsalita ito. Tulad ko, ay hindi nito maiwasang tumingin sa aking kamay bago ito ngingisi ng nang aasar. “I can't believe it, my friend's already married at eighteen.” And she laughed. Ngumiwi ako dahil sa sinabi nya. Yeah, me too, I can't believe it.

Sa totoo lang ay tuwing susubukan ko itong tanggalin ay ayaw. Sakto lang naman ito sa aking daliri at hindi mahigpit o ano pero tuwing susubukan kong tanggalin ay ayaw talaga. Hindi ko tuloy alam kung blessing ba ito o curse dahil ang tanging dahilan lamang upang matanggal ito ay ang putulin ang ring finger ko. Jusko lang, hindi ko iyon magagawa. Kahit gaano ko kagustong alisin ito ay ayaw ko paring putulin ang aking palasingsingan, 'no!

“Well, you know what? You're lucky. Siguradong maraming babaeng gustong makasal kay Alpha. Imagine. Gwapo, matikas ang katawan, manly in many ways, malalim at malamig ang boses na nakakapanginig ng tuhod at…” At ayon, inisa-isa nya lahat ng katangian ni Alpha na sa totoo lang ay halos purihin nya na lahat. “Lalo na ang tingin nitong nakakahulog panty. Beshy, you're so lucky talaga!” And she started shrieking like a crazy girl. Napairap na lang ako. Mabuti na lang at nagpaiwan kami kundi… psh…

“Anong pinag uusapan nyo? Teka, sali ako!” At dumagdag pa si Archangel, kaya ngayo'y pareho nilang pinagpapantasyahan si Alpha pero nang itanong ko kay Archangel kung may gusto ito sa lalaki ay napakalayo ng sagot.

“'Wag kang magselos, crush lang naman, taken na kasi ang puso ko.” Oo o hindi lang naman, 'di ba?

Actually ay nandito kami sa tent ko. Oo, akin. Hindi ko nga alam kung bakit nandito rin si Yvonne kahit na meron naman syang sa kanya. Nandito kami sa gitna ng kagubatan at naiwan kaming mga babae. Syempre nagpaiwan si Kayne, Marky at Prince para may magbantay sa amin. Iyom lang ay nasa labas sila at bawal silang pumasok dito.

Demon and Priestess are on Dustine's tent. Yes. Maniniwala ba kayong pinahiram ng lalaking iyon ang personal comfort nya? Not to mention, sa babae? Well, iba nga naman ang nagagawa ng pag ibig.

Kung tatanungin nyo ko kung tanggap ko na si Demon, pwes, oo. Nakikita ko kasing kung sakaling sasagutin nya si Dustine ay talagang worth it iyon. Syempre, Demon isn't the type of girl who'll look at other— definitely not her type. Kay Dustine naman, kita naman na talagang gusto nyang makuha ang babae at kahit pigilan ito ay hindi ito susunod. Well, that's him.

Sa pagkakaalam ko'y minamadali na nila ang pagkuha ng mga scrolls dito sa Lost City lalo na't hindi kami maaaring magtagal dito, kaya't ang kinuha nilang scrolls? Hindi ko alam kung ilan. Hindi naman ako sobrang nag aalala, kaunti lang, tutal nandoon si Alpha, may tiwala rin naman ako kay Dustine.

Conquerors of the New World ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon