Chapter 33

116K 2.3K 596
                                    

        

                                                   

                                                          ****

CLARISSE

It's been three weeks since I fired Lance. I never heard anything from him nor anything about him since we parted ways at Subic. Wala na ring Scarlet na bigla na lang nagpapakita sa tapat ng aming bahay. Pierce and I never had an arguments except the night we came back from the resort.

Nagkaroon ng katahimikan ang paligid ko... ngunit hindi ang puso ko.

I miss Lance so much.

Ganito yata talaga ako magmahal. Malalim. Makapit. Kunwari'y pinapagana ang isip ngunit sa bandang dulo'y sinusukuan pa rin naman ang puso. Kahit ilang beses ko atang ire-invent ang sarili ko, pag tinamaan naman ng pag-ibig ay bumabalik pa rin ang dating Clarisse na nagmamahal.

Nagsisisi ako na nagpadala ako sa sariling galit. I shouldn't have walked away from him. Alam ko naman kung gaano kalalim ang sakit na pinagdadaanan niya. The pain was still so fresh then kaya dapat inunawa ko na lang kung nakapagsalita man siya ng hindi maganda. I was selfish. I cared more about my pride than lending a shoulder to the person I love. Ako ang dapat higit sa lahat na nakakaunawa sa kanya pero bakit ako ang unang nang-iwan sa kanya?

The words he tried to imply weren't true. I knew he said them purposely just to hurt Pierce's pride. Pero kahit ano pa man ang lumabas sa bibig niya, I know the truth. That night, he touched me with so much love and care. I made love to a man with a pure heart... without pain and without anger. Hindi niya ako binastos at mas lalong hindi niya ako binaboy.

I'm regretting my action. Pero paulit-ulit man akong magsisi, Lance is gone. He hurt me but maybe I hurt him even more. I wanted to visit his apartment pero naisip ko, after that, what will happen? Still I don't have the freedom to love him. Dudugtungan ko lang ang isang bagay na dapat na ngang putulin.

Napakalungkot pero napagdaanan ko na ito. Alam kong ganito lang ito sa umpisa. Siguro'y ang kapalaran na ang gumawa ng dahilan na paglayuin kami. Magpaikot-ikot man ang nararamdaman namin para sa isa't isa but at the end of the day, our feelings will harm us both.

Tok.Tok.Tok.

"Atty. De Silva are you ready?" Pierce asked.

"Yes. I'm going downstair in a minute!"

Muli kong tiningnan ang mukha ko sa salamin bago lumabas ng kuwarto. I want to make sure I'm wearing a light makeup. I did my morning habit of checking my handphone. Umaasa pa rin ako na sana'y may maligaw na text si Lance.

Pagbaba ko sa kusina ay naabutan kong may naghihintay ng kape at toasted bread sa akin. Pierce is having his breakfast already while reading the morning paper. Napansin kong medyo nakabihis ito ng pormal.

"Where are you going?" I asked as I drink the coffee he made.

Love Me TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon