#48: Dreams to Reality

579K 12.9K 2.1K
                                    

Sorry If nadelay ang update at sorry dahil ito na muna. I’ll update the second part of their date late July na kaya sana makapaghintay kayo. Thanks! Uy guys hihi malapit na 400K reads na ang HGP! Maraming salamat po sa lahat ng suporta na binibigay niyo. Lab lab you <3

~*~

Nakahinga ako ng maluwag nang makapasok ako sa kwarto. Napahawak ako sa dibdib ko at pinakinggan ang tibok ng aking puso. Ganito ba talaga ako mainlove?  Yung parang lumulutang ka sa cloud nine? Na parang wala kang problema sa buhay. Shit brix, bakit biglang umiba ang pananaw ko sa pagibig?

Mabilis kong niyugyog ang ulo ko. Get a hold of yourself Rien! Wag ka masyadong magpadala a emosyons mo okay? Baka masabi mo na yung totoo mong nararamdaman para kay Tyler ngayon imbes na mamaya pa.

Pinakalma ko muna ang aking sarili bago naligo at nagayos. Sinuot ko ang puti kong floral dress na hanggang tuhod. Hindina ako nagabala pang maglagay ng make-up dahil masyadong mainit sa labas at baka magoily lang ang maladyosa kong mukha.

Nang nakuntento na ako sa aking sarili ay binuksan ko na ang pintuan ng kwarto para bumalik sa dalampasigan kung nasaan ko siya iniwan. Pero nagulat ako ng bumungad sa akin ang nakaputing sando, itim na shorts at aviator sunglasses na lalake. Nakasandal ito sa tabi ng pintuan habang nakapamulsa.

Mabilis siyang napaayos sa pagtayo nang Makita niya ako. Tinanggal niya ang suot niyang sunglasses at sinabit ito sa kanyang sando. Bigla siyang ngumiti sa akin kaya napalunok ako sa ginawa niya. Totoo ba tong nakikita ko? He’s actually smiling at me.

“S-sorry to keep you waiting.” Sabi ko at umiwas ng tingin.

Lumapit naman siya sa akin at tumango.

“It’s okay. Tara na?” sabi niya at nilahad ang kanyang kamay sa harapan ko.

Napatingin ako sa kanyang kamay at biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan kung ano ang gusto niyang mangyari pero hindi pa rin nagsisink in sa ulo ko ang lahat ng mga ito.

Mabilis na kinuha ni Tyler ang aking kamay at pinagsalikop an gaming mga daliri. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya at napatingin sa kanya. Nakita ko kung gaano pumula ang kanyang pisngi at nahihiyang ngumiti.

The gangster is blushing? Seriously?

“I told you, forget everything just for today. Kahit ngayong araw lang makalimutan natin ang alitan natin sa isa’t isa. Wala munang awkwardness okay? Angkailangan mo lang tandaan ngayon kung gaano kita kamahal at kung gaano ako kadesperadong mapa akin ka.” Seryoso nyiang sabi at hinigit na ako palabas.

Lumipad ang utak ko sa sinabi ni Tyler. Paulit ulit iyong sumagi sa isipan ko. Mahal niya ako? Oo matagal na niyang sinasabi sa akin pero ngayon ko lang naramdaman ang sinseridad. Nagkatotoo na ba ang pinapangarap ko na mahalin niya rin ako pabalik? Will my dream turn to reality this time?

“Adrienne?” he said and snapped my fingers in front of me.

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon