Chapter 46

18.7K 704 536
                                    


Zoe's POV

Naglalakad lakad ako sa buong dorm dahil sobrang tahimik. Umalis kasi silang lahat para maghanda o mamili ng kung ano-ano sa labas para sa darating na Graduation day namin na two weeks na lang ang natitira.

Ako lang ang naiwan dito. Si Japan kasama yung dalawa na maghahanda daw pati ang mga costume nila.

Hanggang ngayon wala pa din akong maisip na gagawin sa graduation day. Kailan ba talaga na may maipakita kaming talent namin? paano kung walang maipakita? pwedeng laro na lang?

Nailing ako sa naisip ko. Hanggang sa last day ba naman laro pa rin ang nasa isip.

Si Louise ay may naisip na syang gagawin nya. Magma-magic show daw sya dahil isang magician ang Papa nya kaya magpapaturo sya ngayon sa Papa nya. Yung iba din may naisip na. Feeling ko nga ako na lang ang wala pang naiisip.

"Ano bang gagawin ko?" tanong ko sa sarili ko. Wala naman makakarinig sakin kaya okay lang.

Ayoko naman kasing sumayaw at kumanta. Magmumukha lang akong tanga. May isa akong talent pero itinigil ko na 'yon dahil wala na rin naman akong violin. Sira na at hindi ko sure kung marunong pa akong mag-violin dahil five years din akong natigil. Kaya ito ako namomoblema.

Nalibot ko na ang buong dorm at wala naman akong nakitang violin at panigurado din na wala naman violin ang iba samin. Hays!

Naglakad ako patungo sa hagdan para tumingin naman sa sumunod na floor. Ang tahimik talaga dahil walang katao tao. Ayoko naman kasi sumama sa kanila dahil sa bilin ni Kuya tsaka wala din naman ako gagawin don.

Nakarinig ako ng kalabog sa isang kwarto dito. Hindi ko lang sure kung kanino. Bigla tuloy akong natakot na baka magnanakaw 'yon pero impossibleng magkaroon non dito. Hindi kaya multo? holyshit!

Agad ako tumakbo paibaba sa sala. Taena naman oh. Mag-isa lang ako dito tapos ganito pa mangyayari sakin?

"Eh kung pumunta na lang kaya ako sa boys? tama tama!" natatarantang sabi ko dahil sa narinig ko sa itaas.

Tumayo agad ako sa couch. Tumingin ulit ako sa itaas. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

"Waaaah! Mama!" dali-dali akong lumabas ng dorm. Sa sobrang taranta ko hindi ko alam kung saan ako pupunta hanggang sa nakapunta ako sa cafeteria.

Nakahinga ako ng maluwag nung makita ko sila Nanay Josie. Nagtataka nga sila kung bakit nagmamadali akong pumasok sa loob.

"Anong nangyari, anak?" takang tanong nito.

Huminga muna ako bago sumagot. Binigyan naman ako ni Kuya Noel na isa ding chef dito. Nagpasalamat ako sa kanya at mabilis na inubos ang laman ng baso.

"Bakit ka ba kasi nagmamadali dyan, bata ka?" sermon ni Tatay Jose.

"Eh kasi tay, ma-may multo sa dorm." sabi ko na nautal pa.

"Anong multo ka dyan? hindi sila totoo." sabi ni Tatay. Napasimangot naman ako.

"Tay naman eh, ako lang mag-isa don sa dorm tapos may maririnig akong kalabog." 

"Anong ikaw lang ma-isa?" nagtaka naman ako sa sinabi ni Nanay Josie. "Sabi ni Ella eh kayong dalawa ni Alexa ang naiwan dito."

"Huh? si Alexa?" takang tanong ko. Akala ko ako lang mag-isang naiwan don.

"Oo, may sakit daw kasi si Alexa kaya nga ito ginagawan namin ng makakain nya." sabi ni Tatay na nasa loob na pala ng kusina.

"Ibigsabihin..." si Alexa yung nakita kong naka-white kanina?

"Jusko po bata ka, napapaniwala ka sa multo na yan." napasimangot ako sa sermon ni Nanay Josie.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon