XXXVII

3K 109 47
                                    

Nandito kami sa condo namin. Vienna is here too, hinatid siya rito ni Valentina dahil gusto raw ng bata na makasama ang kanyang ama. Okay lang naman sakin dahil may karapatan naman ang batang makasama si Sebastian.

Ngayon ay ginagawan ko ng sandwich si Vienna. Nasa sala silang dalawa ni Sebastian, nanunuod ng tv pero may kausap sa cellphone si Sebastian kaya napairap ako. At least hinayaan niyang sumandal si Vienna sa kanya.

Mabait na bata naman si Vienna. Hindi tulad nung mga batang anak ng mga kontrabida sa palabas na masama ang ugali sa iba.

Nang matapos ko ito ay pinatong ko ito sa isang plato at kinuha yung juice na hinanda ko bago naglakad papunta sa sala. Ngumiti ako kay Vienna at inabot sa kanya ang sandwich. Pinatong ko naman sa coffee table ang juice.

"Thank you, Tita Mya." She smiled.

"You're welcome." I smiled back.

Nakita kong pinaupo ng maayos ni Sebastian sa sofa si Vienna para makatayo siya. Kumunot naman ang noo ko at pinanuod siyang maglakad papunta sa kwarto namin habang may kausap sa cellphone.

Susundan ko na sana siya pero nakita kong lumabas na siya sa kwarto namin na nakajeans na at plain white shirt. Nakasuot rin siya ng sneakers. And he was now holding his car key.

"Where are you going?" I asked him.

He walked towards me. "Kailangan kong puntahan yung lupang patatayuan namin ng building. They need be there but I'll be quick."

"You really have to be quick. Your daughter is here." Mahina kong sabi bago sumulyap kay Vienna na nanunuod lang ng tv.

Tumingin siya kay Vienna at bumuntong hininga. He kissed me before giving me a tight hug.

"I will. May ipapabili ka ba?" Malambing niyang tanong habang nakapulupot ang kanyang mga kamay sa bewang ko.

"Food? Kahit burger lang," I giggled. "bilhan mo rin si Vienna."

"Alright. I'll be back as soon as I can. I love you." He smiled.

I grinned before kissing his lips. Lumapit siya kay Vienna at lumuhod para mahalikan ito sa noo. Napangiti naman ako dun.

"Where are you going, Daddy?" Vienna asked.

"Work. I'll be quick, be good to your Tita Mya, okay?" Sabi ni Sebastian sabay sulyap sakin.

Vienna smiled. "Yes, Daddy. I like Tita Mya so I'll be very good to her."

Natawa ako sa cuteness ng batang ito. Umupo ako sa tabi niya nang makaalis na si Sebastian. Lumapit siya sakin at sumandal kaya naman inakbayan ko siya.

"Do you want another sandwich?" I asked her.

Umiling siya. "No, thank you." She smiled.

Hindi ko na napigilang ngumiti balik. Ang cute at bait ni Vienna. Buti at nagmana siya sa kabaitan ng Mommy niya.

Habang nanunuod kami ng tv ay tumunog yung telepono sa gilid nito. Pinaupo ko ng maayos si Vienna para makatayo ako. Nilapitan ko ang telepono at sinagot.

"Hello?"

"Hello po, this is Mr. Sebastian Lacson's unit, right?"

"Ah, opo. Bakit po?"

"Meron po kasing package dito sa lobby for Mya Alderidge Clark na nasa unit daw po ni Mr. Lacson." Sabi ng babae sa kabilang linya.

"Oh, that's me. Kanino raw galing?" I asked.

"From Ms. Kelsa Stewart po."

Yan na ata yung mga damit kong pinapadala ko rito from Alaska. "Alright. Thank you, bababa na ako."

Heart of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon